Sa Bitag Ng Berdugo
Read This Book Online
By
Print Publisher
Naimbitahan ka ba sa kasal nina Mira at Bian? Huwag kang magtatampo, kung hindi. Napur nada ang kasal ni Mira dahil naghuhurumentado ang berdugo.. NANGINGINIG pa ang buong katawan nang subukan niyang abutin ang tuwalyang pantakip sa kahubdan.
“Ngayon ka pa mahihiya?” Hinablot nito ang tuwalya at itinapon sa sahig. Humagupit sa kanya ang lupit ng pananalita nito. “Kasal ka na sa ’kin! Hindi ako papayag na may ibang lalaking nakikisawsaw sa’yo!”
“Bian...” Napailing siya, humawak sa braso nito. Pinalis nito ang kamay niya. “Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko sa isang babaing hindi makontento sa isang lalaki!”
“Lumayas ka, Fabian!” Pinanlisikan niya ito. “Huwag kang babalik hangga’t hindi ka nagiging matinong tao!”
Malupit na ang ngiti nito. “Mag-ingat ka, Mira. Hindi mo pa alam kung paano ako magalit...”