Skip to main content

Sa Facebook Ba Kita Hahanapin?

 Sa Facebook Ba Kita Hahanapin?

Read This Book Online

Publish Date: 

2011

Print Publisher

Onward Publishing

FIRST time humanga ni Ever sa opposite sex sa katauhan ni Clarita, ang dalagitang mala-Miley Cyrus ang porma at ganda na nanirahan sa kanilang baryo kung saan nagtayo ang pamilya nito ng isang farm. Right there and then ay ramdam kaagad niya ang atraksyon sa pagitan nilang dalawa—sa kabila ng kanilang age gap. Sa gitna nang pangangarap ni Ever na sana ay maging sila ni Clarita ay naramdaman niyang may crush din dito ang pinsan niyang si Jomari na sobrang close niya.

Ah... Love Mo Ako Talaga

Ah... Love Mo Ako Talaga

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

18 Karat Romance

ISBN: 

971-633-552-0

It was a shocking scene, to say the least, para kay Claire, ang makitang may hubad na babaing nakahiga sa kama ni Jason – si Sharmaine. What you don’t know will not hurt you, sabi niya.
Ngayong napatunayan niya, ng mismong mga mata niya, ang relasyon nito sa videoke model na mala-Jennifer Lopez, para na rin siyang namatay. It was a gamble on the part of Jason. May guilt siyang nararamdaman para kay Claire at para bang mawawala lang ang guilt na iyon through Sharmaine. But in a game of passion and burning desire, one has to lose.

Ang Babaing Walang Puso

Ang Babaing Walang Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Diamond Romance

ISBN: 

971-631-094-3

SA pagbabalik ni Trisha sa kanilang asyenda sa Bacolod, matapos ang mga kabiguang dinanas niya sa Maynila na may kinalaman sa kanyang career, naiwan niya sa roon ng kanyang nobyong si Chuck. Nagkalapit naman sila ng kanyang kababata at maituturing na childhood sweetheart na si Mark.
Isang trahedya ang naganap sa kanilang pamilya at kinukutuban siyang may kinalaman doon ang kababata. Ang dating hindi makabasag-pinggan na dalaga ay naging tila isang tigre sa bangis at lupit. Sabi nga ni Mark, wala itong puso.
Iyon din ang obserbasyon sa kanyang marami. Maging ni Chuck.

Dahil Mayroong Ikaw

Dahil Mayroong Ikaw

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

18 Karat Romance

ISBN: 

971-633-006-5

NAKANGITI si Sheila habang minamasdan si Red. Maikukumpara ito sa movie idol na si Robin Padilla. Sa kilos, sa pananamit, sa pagsasalita. Sa halos lahat... At, take note... ang tawag sa kanya ay lumalagapak na “ma’am”! Ang feeling tuloy niya ay siya si Sharon Cuneta! Ngunit kumpara sa dalawang movie screen idols, ang love story nila’y nakabitin kung matatapos na happy ending. Sapagkat si Red, lupa na nga ito’y naglagay pa ng pader sa pagitan nila. Pader na nang una’y ipinangako nitong bubuwagin... “Dahil mayroong ikaw...”

Dart Sa Heart

Dart Sa Heart

Read This Book Online

Print Publisher

PinoyPub

"Binunot ko na ang dart sa heart ko..."

Hati Tayo Sa Pag-ibig

Hati Tayo Sa Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-039-X

Tinanong ni Sam ang sarili, sa edad niyang beinte sais, awa o pagnanasa lang kaya ang nadarama niya sa disisais anyos na dalagitang si Dorcas. Inabandona ng amang Kano, pinagtangkaang halayin sa tuwina ng lalakeng kauli ng kanyang ina, walang ibang kinakitaan ng pagmamahal ang dalagita maliban sa tiyahing kumukupkop sa kanya. At kay Sam... Sa bingit na kapahamakan, nalaman ni Sam ang sagot sa kanyang katanungan. Mahal siya ng dalagita. At handa siyang magsakripisyo sa maraming bagay, tulad din nito, maipagpapatuloy lamang ang kanilang paghahati sa pagmamahalan.

Hello, Mr. Right?

Hello, Mr. Right?

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640-110-8

Ang dilemma ni Helen ay nahahati sa dalawa. Sa case niya, love comes from the most unexpected time and place. At sa isang unexpected guy pa. Kay Nomar... Hindi ito ang tipikal na uri ng lalaki na papangarapin ng kanyang mataray na ina para sa kanya. Ang preference nito, ang tulad ng lalaking ngayon ay ka-mutual understanding niya. Si Dondon... Problem is, kay Nomar nababaliw ang puso niya. Sa lalaking sabi ng ng kanyang mg magulang ay hindi ang right guy para sa kanya. Paano na?

Kapag Ako Ang Nagmahal

Kapag Ako Ang Nagmahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

18 Karat Romance

ISBN: 

971-633-425-7

Mahusay na guro si Cynthia. Para sa kanya, ang pagtuturo ay isang commitment na hindi tinatalikuran. Pero kabiguan para sa kanya ang makulit na estudyanteng si Julius. Sabi nga niya, tutuyuin nito ang dugo niya! Nang sumagad na ang pagtitimpi niya sa bata, ipinasya niyang i-expel ito. Noon niya nakaharap ang tiyuhin nito. Si Mike, na ayon sa mga dating guro ay isang intellectual bandit noong estudyante pa roon. Magaspang ang kanilang naging pag-uusap. Mainit agad ang dugo nila sa isa’t isa. Para kay Cynthia, kahit matalino si Mike at guwapo...

Kapirasong Puso

Kapirasong Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Kwento ng Puso

ISBN: 

971-606-019-X

IYON ang moment of truth para kay Hermes. Nakita niyang muli si Gladys – ang babaeng una niyang minahal at planong pag-alayan ng lahat sa kanya sa panahong malapit na siyang makipagtaling-puso kay Fina – ang ikalawang babaing nang wala na si Gladys ay siya namang lahat sa kanya. Kapirasong puso na lang ba ang maibibigay niya kay Gladys? Ang babaing ayon ay Hermes ay alam lang niya kung paano mamahalin; hindi kung paano lilimutin.

Karen Po... Hindi Gina

Karen Po... Hindi Gina

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Pacyno Publishing

ISBN: 

971-633-606-3

Chico Gamaliel lives in the fast lane. Kasalamuha niya ang mga rich and famous sa lipunan. Maging ang uri ng kanyang libangan ay para lang sa moneyed few. Hindi mabilang ang dami ng mga babaing pinaglaruan niya sa kanyang mga palad. Then a nasty incident happened. Pakiramdam ni Chico ay pinagtampuhan siya ng mundo. Saka muling nagpakita ang mysterious girl na si Gina na laging nagpi-flirt sa kanya at nagbigay ng isang offer na sabi nga nito ay hindi kaya ni Chico na i-resist. Tinanggap ni Chico ang offer. Saka niya natuklasan… may itinatago sa kanya si Gina.