Skip to main content

LATEST UPLOADS

Mar 18 2012 - 07:32

Naipangako niya sa sarili na kapag nakaipon ay mag-aaral siya kahit paunti-unti. Ayaw niyang habang-buhay na maging katulong. Alam naman niya na may utak din siya dahil noong nasa high school pa siya ay nakatanggap siya ng mga parangal sa mga academic achievements niya. Kulang lamang sila sa pera, pero alam niyang hindi sila habang-buhay na maghihikahos.

Handang Magtiis Ang Puso Ko
Mar 16 2012 - 07:07

Ang pangarap sa buhay ni Rosanna ay makapag-asawa ng katulad ng naging mister ni Kring-Kring Gonzales o ni Rio Diaz – mga pogi na’y matatalino pa’t mula sa mayayaman at kilalang angkan. Ngunit doo’y nagkaroon si Rosanna ng dalawang grabeng balakid. Una, ang kanyang mama na kailangang ipa-bypass niya ang puso. Napakalaking gastos iyon, kaya kumapit siya sa patalim – hindi lamang nag-sexy print ad model siya, umentra pa rin siya sa pelikula, ala Ina Raymundo! Ang ikalawa’y isang lalaki sa katauhan ni Bren. Ito’y pogi, macho, maykaya naman sa buhay. At na-love-at-first-sight sila sa isa’t isa.

Mahal Ang Magmahal
Mar 15 2012 - 11:11

Pakiramdam niya ay nanunuot hanggang sa pinakamalalim na himaymay ng kanyang katawan ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Nanunuri ang mga mata nito na para bang isa siyang alipin at ito ang presidente ng Pilipinas.

      Ang lakas ng arrive, aniya sa isip.

 

Moonshadow
Mar 14 2012 - 10:07

 Si LM ay isang dalaga na walang maipagmamalaki sa buhay. Anak siya sa labas ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay may tunay na asawa at mga anak.

            Gumanda lamang ang buhay ni LM nang makilala niya si Philip. Umibig siya kay Philip at inibig naman nito.

            Ngunit ang kapalaran ay lubhang malupit kay LM. Karibal pala niya kay Philip ang kanyang kapatid na anak ng kanyang ama sa tunay na asawa. At kailangan siyang magparaya...

Kapatid Ko, Karibal Ko
Mar 13 2012 - 08:43

“Don’t call me ‘Trace.’ That is not my name!” bulalas niya. “I’m Evan Legazpi and—” “I’m sorry to inform you but Evan Legazpi died in an explosion almost five years ago,” sabad nito. “Now, you better get dressed. We need to go some place.”

My Love, My Hero: Evan
Mar 11 2012 - 09:04

Paano na siya ngayon? Mahina ang loob niya. Kung nagkalakas-loob man siyang lumuwas sa Maynila, iyon ay dahil kay Zaldy. Pero ngayong naroon na siya at na-realize niyang hindi ganoon kadaling lumarga roon at pumunta sa kung saan-saan para lang mahanap ang kinaroroonan ni Zaldy ay bigla siyang nakaramdam ng takot.

Mahal Na Yata Kita
Mar 7 2012 - 08:09

 She managed to smile back. This whole thing was overwhelming. At ano na nga ang kasabihan? “Be careful with what you wish for, it might just come true.” It sounded like a warning. At ngayon, alam na niya kung bakit. Dahil kapag nagkatotoo pala ang hiling ng isang tao, one wouldn’t know how to deal with it.

 

Bogus Bride
Mar 6 2012 - 05:41

Ang ideal man ni Erica ay isang lalaking malaki ang edad sa kanya, hinog ang isip at guwapo. Ang lalaki ay natagpuan niya sa katauhan ni Marc, na unang kita pa lamang niya ay nagpatibok na sa kanyang puso. Ngunit natuklasan niya na ang ideal man ay hindi pinapangarap kungdi idinidikta ng puso...

 

Ideal Man Sa Manhid Na Puso
Mar 5 2012 - 06:19

Sa kuwentong ito, hindi simpleng sakit ng ulo ang pagkukunwari ni Elise. Ngunit sakit ng ulo—at ng puso—ang napipinto niyang matamo nang madiskubre niyang hindi na siya nagkukunwari lang na umiibig kay Roman. Talagang mahal na niya ito...

Pangarap Kong Ako'y Mahalin Mo
Mar 4 2012 - 04:14

Mayaman at general manager ng kanilang family corporation si Julie. Nagpanggap siyang karaniwang babae lang upang makakita ng tunay na pag-ibig sa lalawigan. Nagkatagpo sila ni Frankie Dionisio, isang milyonaryo na nagpanggap namang drayber para rin lang makatagpo ng isang “pag-ibig na promdi”. Ano ang ihahatid sa buhay nila ng koinsidenteng ito?

Ang Pag-ibig Kong Promdi