Skip to main content

LATEST UPLOADS

Mar 1 2012 - 07:30

      “But your life isn’t complete.” 

      “Wala na akong hinahanap pang iba, Joan.”

            “Pero kami, meron. Ikaw ang pinakamabait at pinaka-dedicated na teacher na nakilala namin. You helped us when we first came here and now we want to do something for you as our thank-you gift. Nagtanguan ang iba pang teachers doon bilang pagsang-ayon dito. “Gusto naming makita na may nag-aalaga na rin sa iyo, someone who’ll appreciate how good you are as a person.”

Si Ma'am At Si Mr. Heartthrob
Feb 29 2012 - 10:49

            Best of friends sina Paolo at Renzo. Sanay sila sa parating magkahati sa grasya – at magkatuwang sa problema. Share and share alike, wika nga – hating kapatid – walang lamangan. Nang kapwa magkanobya na sila ay nagkaproblema nang malaki si Paolo. Hanggang saan ba ang limitasyon na puwede niyang mahalin ang nobya ni Renzo?

June Bride
Feb 28 2012 - 11:31

I love you, Pam. Ikaw lang ang mamahalin ko. Always, wika nito sa sarili at palihim na ibinukas ang nakakuyom na palad. Naroroon ang singsing ni Pam. Isang ordinaryong singsing na tila kawad lamang na kinortehan ng pangalan mismo ng may-ari. Muli nitong kinuyom ang palad; sa singsing ni Pam ay nangakong hindi na muling magmamahal. Walang katulad si Pam. Always, Pam. Always.

Now and For Always
Feb 26 2012 - 12:41

             Sabi kay Mae ng kaibigan niyang si Malou, hindi raw dapat pagkatiwalaan ang mga uniformed men. Dahil likas daw sa mga ito ang magiging babaero. Ang pagiging manloloko. Nang umibig si Mae kay Ricky na isang miyembro ng PNP, binalewala niya ang babalang iyon ng kaibigan. Nagtiwala siya sa pag-ibig ng lalaki nang walang pasubali. Ibinigay niya ang puso, ang kaluluwa, ang lahat-lahat.
            Nang lumayo si Ricky, saka namulat si Mae sa mapait na katotohanan. Tama pala si Malou!

Kung Ako'y Iiwan Mo
Feb 24 2012 - 20:20

What is happening to me? Nanliit nang husto si Joan sa sarili. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang mga kaklase. Nakadama siya ng kagustuhang umiyak dahil halos iisa lamang ang reaksyon ng mga ito. Tila nanliit din sa kanya. Natapos ang klase na wala siyang naintindihan sa tinalakay nilang paksa. Hiyang-hiya siya sa lahat ng kanyang mga kaklase, lalung-lalo na kay Alexander. Ang yabang-yabang niya; pagkatapos ay hindi niya nasagot ang simpleng tanong na iyon.

My Love, My Hero: Regalario
Feb 22 2012 - 11:50

Magaling kumanta si Benjo, magaling ding mag-compose ng kanta, na labis na ikinakikilig ni Patrice. Kaya lang, nerd ang binatilyo! Guwapong nerd! Hindi niya inalintana ang sasabihin ng schoolmates niya sa pagkonsidera niya sa sariling girlfriend siya nito. Until “itatwa” siya sa mismong graduation day nila – at nasampal niya ito sa harap ng buong school. Umusad ang apat na taon na hindi man lang niya napagtanto kung bakit ganoon ang nangyari sa high school romance nila. At handa na niyang ibaon sa limot ang lahat – pero isang umaga, bigla na lang niyang narinig sa telepono ang baritonong boses-binata nito, iniimbitahan siyang mag-dinner... Nang mga sandaling yaon, bakit tila naulinigan niya ang alingawngaw... wedding bells?

My Lovely Bride: Patrice & Benjo
Feb 20 2012 - 13:38

            Siya si Georgia Escobar. Pero para kay Viktor Zaldivar, siya si Gina, ang babaing minahal at hinanap nito sa loob ng limang taon. Pero nang magkita silang muli, may anak na si Georgia at hindi niya matandaan si Viktor. Paanong haharapin at tatanggapin ni Viktor ang sitwasyong iyon? At si Georgia, siya nga ba talaga si Gina?

 

 

Forget Me Not
Feb 19 2012 - 10:29

Sa edad na beinte-singko, fully dependent pa rin si Alejandra sa kanyang Lola na si Donya Serafina. Tila wala itong kabalak-balak na pag-aralan ang pamamalakad ng Rancho Riego, lalo pa’t nangangailangan iyon ng beinte-kuwatro oras na interaction sa mga tauhan na pawang mga lalaki. Naisip ng kanyang Lola: ano na lang ang kahihinatnan ng ranchong pinaghirapang itaguyod ng kanyang esposo kung si Alejandra ang magmamana niyon mula sa kanya?

Shy Girl
Feb 17 2012 - 08:19

Napakalaki niyang gago. Hinuli niya ang mga ito sa akto. Hindi na nakapagkaila si Nissah. Pagkatapos ay gusto nitong ipaako sa kanya ang batang ipinagbubuntis nito na hindi naman niya anak. Hindi siya tanga para gawin iyon. Kaya nang i-offer sa kanya ang trabaho bilang marketing manager sa isang cargo company sa Thailand ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong iyon.

Closer You and I
Feb 16 2012 - 07:39

           Waring sinadya ng tadhana na sila – sina Digoy at Abel – ang maging magkapalaran. Si Digoy, nang sanggol pa lamang ay ipinamigay ng sariling ina at lumaki sa pagpapala ng baklang ama-amahan. Si Abel ay wala ring nakikilalang ina at pinalaki ng isang pulis na ang pagkakakilala niya ay siya niyang ama.
            Binuklod sila ng batang pag-ibig, sina Digoy at Abel.
            Saka natalos ni Abel na ang ganda niya ay pinagnanasaan pala ng pulis na sa katotohanan ay hindi pala niya ama...

 

Sukob Sa Payong, Sukob Sa Kumot