Skip to main content

LATEST UPLOADS

Apr 2 2012 - 09:39

 Tagos hanggang buto ang panlulumo ni Frances. Pakiramdam niya, mismong kaluluwa niya ang lumuluha. Pero hindi niyon nagawang mabawasan ang sakit, kahit kaunti lang. Bumangon siya mula sa kinabagsakan niya at parang isang may-diperensiyang robot na naglakad siya patungo sa banyo. Hinaklit niya ang belo sa kanyang ulo at kakatwang natuwa pa siya sa naramdaman niyang sakit sa kanyang anit. She would welcome any other pain, any pain except the pain she was feeling in her heart; kahit na ano, magising lang siya sa bangungot na ito.

In Loving And Believing
Apr 1 2012 - 11:19

 Pumayag si Belinda na maging maid dahil sa matinding pangangailangan. Ngunit minalas naman siyang makatagpo ng amo na ang tingin niya ay pinakaguwapong lalaki sa buong mundo.

            Problemang malaki ng dalaga kung hanggang kailan niya maikakaila na lihim siyang umiibig kay Gardy – saka kung puwede ba talaga siyang magtiwala sa mga patagong sulyap ng binata na may pagnanasa?

Larawan Mo Inday
Mar 30 2012 - 09:33

“SO, YOU’RE here already.” Gustong magwala ni Cordelia nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Gonzalo. She patiently waited for him all night and that was all he was going to say to her?

Cordelia
Mar 28 2012 - 08:36

Si Andre ay mahirap talagang abutin para ka Vi. Noong sixteen pa lamang sila, itinanan siya nito pero isinoli bago naituloy ang paghahangad ng lalaki na maangkin siya. ngayon naman ay isa lamang baduy at mahiyaing tao si Vi, samantalang si Andre ay ang kanyang boss, isang napakaguwapong executive. Naawa sa kanya si Andre at pumayag si Vi na tulungan siya ng binata na mabago ang kanyang personalidad. Nakita na lamang ni Vi ang sarili na isa nang maganda, sopistikada at may self-confidence na dalaga. Ang gusto ni Andre, pati sa career ay magtagumpay si Vi. Pero kasali rin ba sa usapan na sa pagkakataong ito, ang hindi noon naituloy na lovemaking ay magaganap na nang lubusan?

Kahapon Lamang
Mar 27 2012 - 08:28

SINIPAT ni Fiona ang kanyang mukha sa salamin. May limang tagihawat siya. Tigdalawa sa magkabilang pisngi at isang namumula-mula sa ilong. But she was happy. Isa sa mga indikasyon na nagdadalaga na ang isang babae ay kapag tinutubuan na ng mga tagihawat. At sigurado siyang ang lahat ng iyon ay sanhi ng  pagpupuyat niya sa kaiisip kay Paquito gabi-gabi.

A Cup Of Your Warm Kinda Lovin'
Mar 25 2012 - 09:57

“Does he kiss you?” tanong uli ni Patsy. “Siyempre.” “Sa lips?” “Oo.” “Torrid?” “Minsan.” “French kiss?” “Not once.” Umirap niya.

Watch Over Me
Mar 24 2012 - 05:27

            Ang paniwala ni Aralisa ay limot na niya si Eldon – malaya na siya.

            Ang paniwala ni Eldon ay hindi siya malilimot ni Aralisa kailanman.

            Sino ang tama sa dalawa?

 

       

 

 

Lampasan Natin Ang Kahapon
Mar 22 2012 - 09:09

 Bigla ay huminto si Neo.

Pagdilat niya ay nakatitig ito sa kanya, nakangiti. “Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin?” untag nito sa kanya.

Napakurap siya. Hindi ba dapat ay siya ang magsabi niyon?

“Binabaliw mo ako, Ynna! My God, I never thought I would run this crazy!”

Possession
Mar 21 2012 - 10:22

 Si Vergel ang unang lalaking inibig ni Chona Domingo. Ito rin ang kanyang unang kasawian.

            Sinikap ni Romel  na tulungan siyang malimutan si Vergel. Nahuhulog na ang loob ni Chona sa binata nang muli silang magkita ni Vergel.

            Sino ang mas pipiliin ni Chona? Si Romel  na nag-aalok ng bagong pag-ibig o si Vergel na matagal nang nakaukit sa kanyang puso.

Nakaukit Sa Puso
Mar 19 2012 - 09:39

Ang mundo ni Alea ay puno ng bango at kariktan ng sari-saring bulaklak. Designer siya ng special bouquets and floral arrangements sa flower shop ng kanyang tiya.  Then, a new career opportunity came her way. Kinuha siyang wedding organizer and at the same time bridesmaid. Balikbayan ang parehong ikakasal, sina Miles at Ritzo. Sineryoso ni Alea ang bagong trabaho pero naging seryoso rin ang tumibok niyang puso para kay Miles na attracted din sa kanya. Pagkatapos nitong angkinin ang kanyang mga labi at ibilanggo sa pag-ibig ang kanyang puso, makakaya pa ba ni Alea na layuan si Miles? O pipiliin ng bridesmaid na tuluyang agawin ang bridegroom sa bride nito?       Ngunit kaya ba ni Alea na maging kontrabida sa kaligayahan ng iba at mabuhay siya sa pangit na mundo na kapos sa bango?

Here Comes... The Bridesmaid