Skip to main content

LATEST UPLOADS

Apr 20 2012 - 13:20

Ang girlfriend ni Mar ay si Monet – maganda, edukada, mabait at mayaman. Ngunit bakit siya kay Lara tunay na umiibig – na ang ganda ay nililikot lamang at binabayaran ng kung sinu-sinong lalaki? Ganoon ba kahiwaga ang pag-ibig? Ano ang hiwaga ng pang-akit ni Lara?

 

Sa Tapat Na Umiibig
Apr 19 2012 - 08:55

“Mai-in love ka sa akin?” natatawang sambit ni Ethan na noo'y pitong taong gulang pa lamang. “Promise? Ayoko yatang pumangit forever and ever.”

“P’omise.” “Promise iyan talaga, ha?”

“Yes!” “Sige na nga" sagot ni Arriana na noo'y dalawang taong gulang pa lamang.

A Long-Lost Promise of Love Part 1
Apr 18 2012 - 06:09

               Dalawang bagay ang nangyari kay Nilo sa pagtatrabaho sa Saudi: naputulan siya ng paa at nagkaroon ng HIV, ang simula ng AIDS. Naging masakit iyon sa kanya at sa kanyang asawang si Elsie. Nangangahulugan iyon na tapos na ang kanilang ugnayang pisikal.

          Dumating sa buhay ni Elsie si Sonny – ang makapagbibigay sa kanya ng ipinagkukulang ni Nilo. Nangangahulugan naman iyon ng pagkahati ng kanyang pag-ibig sa dalawang lalaki...

 

Paano Sasabihing May Mahal Nang Iba?
Apr 17 2012 - 04:27

ISANG whirlwind romance ang namagitan kina Charlize at Vincent. One minute, isa siyang babaeng malapit nang maging lumang-gawa. The next, mayroon na siyang charming boyfriend in tow. Napangisi na lamang siya nang maalala kung paano silang nagkakilala ni Dr. Vincent Agustin, OB-GYN par excellence.

Love On The Run
Apr 15 2012 - 01:48

Aktibista si Malou. Sundalo si Glen. Itinuturing silang mortal na magkaaway sa lipunan. Nang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig sa isa’t isa, maraming isinuko si Malou, kabilang na ang pagpapahalaga niya sa kanyang mga prinsipyo’t paniniwala bilang isang makakaliwa. Pinili niya ang pag-ibig ni Glen, sa paniniwalang sa piling ng lalaki, pawang kaligayahan lang ang kanyang madarama. Ngunit sinaktan siya ni Glen. Pinaluha. Tama bang balikan niya ang buhay ng isang makakaliwa upang maging madali ang paglimot sa lalaki?

Sa Pagitan Ng Poot At Pag-ibig
Apr 13 2012 - 06:06

            Nangarap minsan na maging isang mahusay na manunulat sa romance pocketbooks si Almira – where dreams are possible and the future is magical.

                Pero sa kasamaang-palad ay bumagsak siya sa pagiging staff writer sa isang weekly magazine.

                Ngayon ay may malaki siyang problema. Ibinigay sa kanya ang isang napakabigat na trabaho, interbyuhin ang isang business tycoon na tumatangging magpa-interview. At nang makilala niya si Ricardo Ledesma at saka niya nabatid ang dahilan sa pagtanggi nitong makalakal ng media ang kanilang buhay.

Huwag Mong Paglaruan Ang Puso
Apr 10 2012 - 12:02

Likas kasi siyang masayahin na namana niya sa kanyang ina. Kayang-kaya niyang i-handle ang mga problema. Kaya nga naging effective matchmaker at referee siya sa mga magkasintahang may hindi napagkakasunduan. Palagi siyang nagiging tulay ng nagkakagus¬tuhan niyang mga kaklase noong college siya. Mahilig din siyang mag-set noon ng blind dates. Noong nakaraang taon lamang ay may nagpakasal nang dahil sa kanya.

Dahlia, The Darling
Apr 9 2012 - 11:01

             Sa telepono lamang nagkakilala – at natutong maglambingan – sina Eterna at Merwin.
            Isang uri iyon ng mainit na pakikipag-‘phonepal’ na masasabi na ngang... censored!
            They were so close, wika nga, nakapagsasabi sila ng kani-kanyang innermost feelings and secret longings na hindi maaaring ipagtapat sa isang kakilala o kaibigan man, kundi sa isa lamang estranghero na sa akala nila ay hindi naman makakaharap kailanman.
            Ngunit nagkakilala sila nang personal!
            Hindi kaya sila magkahiyaan? Maging ganoon pa rin kaya sila kalapit – at kainit – sa isa’t isa?

 

Kahit Sa Panaginip Lang
Apr 8 2012 - 02:03

“Gusto mong malaman ang katotohanan, kapatid ko?” “Dapat lang! Magkapatid tayo, bakit mo sasarilinin ang mga bagay na nagpapasama ng loob mo. Maging matapat ka kahit man lang sa sarili mo!” “Okey, nagkarelasyon ako sa namatay mong asawa. At sa lalaking pakakasalan mo ngayon, matagal kaming lihim na nagsama. Ano, masaya ka na? Ha?” Dalawang puso, magkaiba ang kanilang awit dahil sa pag-ibig ngunit minsan pang pinatunayang mas matimbang ang dugo kaysa tubig...

Awit Ng Dalawang Puso
Apr 4 2012 - 08:47

Binuklat niya sa title page ang libro ni Melvin. May nakita siyang nakasulat doon. This time, sigurado na ako. I want to marry you. Do you still want to grow old with me? Isinulat niya sa pahinang iyon—may bahagya pang nginig ang mga daliri niya dahil sa sobrang excitement—ang sagot niya rito. I have no plans of growing old (just kidding) but yes, I want to marry you.

Anything For You