Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Browse our Latest Uploads 

Forget Me Not by Josie Aventurado Forget Me Not
Oct 25 2010 - 01:03

NATUKSO si Lee-Anne sa easy money kaya naisipan niyang mag-GRO sa Fun Place, isang nightclub sa Quezon Avenue. Ayaw niya kasing bumalik sa mga salbaheng tiyahin sa Cebu at doon ituloy ang pag-aaral.

Nang may mag-alok sa kanya ng diamond bracelet na sandaang libong piso ang halaga, nagpasilaw naman siya. Ipinalit niya roon ang kanyang puri.

Nang magkakilala sila ni Charlie, they fell in-love instantly. Pero ganoon din ka-instant ang pandidiri nito nang malaman ang trabaho niya.

Lumayo si Lee-Anne, nagpakabuti, itinuloy ang pag-aaral at nagdusa sa alaala ng unang pag-ibig na hindi niya malimut-limutan. Ang hindi niya alam, may paraan ang tadhana upang huwag niyang lubos na matakasan ang anino ng nakaraan!

Read Now
Maldita Kong Mahal by Noreen del Mar Maldita Kong Mahal
Oct 25 2010 - 01:16

NANG magbalikbayan si Zinnia, nagimbal siya sa masaklap na ibinunga ng ginawang kapilyahan noong 16-anyos lamang siya, bago siya mamalagi sa States. Ang nagdusa dahil sa kasalbahihan niya ay si Lara, ang mabait na landlady ng St Joseph Dormitory.

Komo nakokonsensiya, tinunton ni Zinnia si Wally, ang crush niya noong araw. No-pansin noon ang dalagita sa binata dahil girlfriend nito si Lara.

Natagpuan naman ni Zinnia si Wally. Ngunit lumala ang saklap. Muli siyang na-in-love sa binata – nahibang, sa totoo lang – sa paraang higit na matindi kaysa noong araw.

Pero paano na ang plano ni Zinnia, ang iwasto ang masakit na iniresulta ng akala niya noon ay simpleng kamalditahan lamang?

At paano rin ang tunay na pagmamahal na sadyang inilaan ng kapalaran sa kanya?

 

Read Now
Roses Are Red by Noreen del Mar Roses are Red
Oct 25 2010 - 01:21

 KAPWA 12-anyos sina Michelle at Edmon nang magsimula ang maganda nilang tinginan. Pero nasira iyon nang itanan ng daddy ni Michelle ang mommy ni Edmon. Sinisi ni Edmon si Michelle sa pagkawasak ng kani-kanilang tahanan. Anito, pinagtakpan niya ang pamumuo ng bawal na relasyon ng daddy nito at ng mommy niya.

Thirteen years later, muling nagkita sina Edmon at Michelle. Ngunit masaklap din ang sitwasyon sa muling pagkukrus ng kanilang landas: magkasamang nasawi, under mysterious circumstances, ang boyfriend ni Michelle at girlfriend ni Edmon.

Makatwiran bang sisihin uli ng binata ang dalaga dahil doon?

Wala na bang pag-asang mabalikan nila ang nag-ugat na pagmamahal noong musmos pa sila kapwa?

Read Now
Hindi Na Sana Ikaw Ang Minahal Hindi Na Sana Ikaw Ang Minahal
Oct 25 2010 - 01:44

Isang bank executive si Olivia na napaibig sa isang security guard lamang na si Alvin. Halos lahat ay naging tutol, kabilang ang kanyang mga magulang at kapatid, ngunit hindi siya napigilan ng mga ito na magpakasal sa lalaki.

Maligaya na sana siya sa piling ni Alvin kungdi nga lang ba ubod ito ng seloso at sinasaktan siya.

Hanggang sa siya ay mabuntis at magsilang nang wala sa panahon dahil hindi mapigilang pagseselos ng kabiyak. Dahil dito, siya ay tuluyan nang pinahiwalay ng mga magulang kay Alvin.

Sinunod ni Olivia ang utos ng kanyang mga magulang, ngunit ang puso niya ay tumututol. Sa Huli ay nagdesisyon siyang magbalik na kay Alvin. Ang problema, wala nang Alvin siyang babalikan.

Read Now
Magdusa  Man Ako Magdusa Man Ako
Oct 25 2010 - 01:47

Nagdusa nang labis si Mari nang iwan siya’t sukat ng asawang si Roman nang walang paalam. Sa patuloy na pag-agos ng buhay ay nakilala niya si Efren na nangangako ng bagong kaligayahan para sa kanya at sa anak na si Dennis.

Handa na siyang taluntunin ang bagong langit, nang magbalik si Roman. Ang tunay na asawa at ama ng kaisa-isang anak.

Read Now
Bago Tuluyang Mawala Ang PagIbig by Loreta E. Baltazar Bago Tuluyang Mawala Ang Pag-Ibig
Jul 7 2010 - 22:37

Nawalan ng trabaho si Dindo dahil sa tinamong aksidente. Ibayong hirap at pagdusta ang naranasan niya sa biyenan, kung saan doon sila nakatira kasama ang asawang si Lorna at ang kambal na anak. Sa sama ng loob ay lumayas ito at nakituloy sa tirahan ng kaibigang dancer na si Didi para patunayan sa asawa na kaya niyang buhayin ito. Sa nangyari, sino ang maniniwalang wala silang relasyon ng dancer gayong natutulog silang magkasama sa iisang silid? Paano niya bubuhayin ang asawa at ang kambal na anak?

Read Now
Kabiyak Ng Puso Kabiyak Ng Puso
Jul 7 2010 - 22:48

Inabandona ni Edgar ang kanyang mag-iina. Nagsikap si Angela na punan ang tungkuling ina at ama sa dalawang anak. Pero dumating ang panahong kailangan niya ang init ng pag-ibig. Noon dumating sa kanya si Jim. Nangako ng bagong ligaya. Para muli siyang biguin nang pakasal ito sa iba. Kasabay noon ay nagbalik si Edgar. May kapansanan pero nagsisisi. Tanggapin pa kaya siya ni Angela?

Read Now
Saan Ang Daan Patungo Sa Langit Saan Ang Daan Patungo Sa Langit
Jul 7 2010 - 22:50

Ipinagbili ni Vani ang kanyang sarili sa mayamang si Larry Hernandez sa halagang limang libong piso para pambayad sa nadispalko ng kasintahang si Dino, huwag lamang itong makulong. Ano ang magiging kumplikasyon nito sa kanyang buhay: si Dino na kanyang pinakamamahal, at si Larry na nakakuha ng kanyang pagkabirhen?

Read Now
Babayaran Ko Ng Pagibig by Loreta E. Baltazar Babayaran Ko Ng Pag-ibig
Jul 1 2010 - 21:50

Kinailangang talikuran ni Marilou ang pag-iibigan nila ni John upang iligtas ang pamilya ng lalake sa malaking eskandalong bunga ng pagkaka-rape sa kanya ng kapatid nitong si Jordan. Sumama siya kay Dindo, isang masugid na manliligaw upang iligtas ang sariling kahihiyan. Paano kung malaman ng lalaki ng ginamit lang niya ito? At paano kung matuklasan ni John ang lahat?

Read Now
Puso Ang Magsasabi Puso Ang Magsasabi
Jul 1 2010 - 21:53

Minahal nang husto ni Patricia ang asawang si Aris at ang dalawa nitong anak. Mahal na mahal din ni Aris ang asawa ngunit natukso ito sa ibang babae. Dahil dito’y isinumpa ni Patricia na gagawin din niya ang ginawang pagtataksil ng asawa sukdang mawasak ang binuo nilang idolong pamilya. Para sa babae ay walang kapatawaran ang ginawa sa kanya ng kabiyak. Saan hahantong ang binabalak ni Patricia? Mabubuo pa kaya ang pagsasamang winasak ng karupukan?

Read Now