Skip to main content

LATEST UPLOADS

Aug 24 2011 - 20:02

Best of friends sina Lanie at Junie. Mula pa sa pagkabata, sila na ang magkasama sa lahat. Wala pa silang mga pangarap noon. Ngunit nag-iwan ng pangako si Junie: Si Lanie pa rin daw ang babaing pakakasalan nito pagdating ng panahon. At umasa siya sa musmos na pangakong iyon ng kababata. Hanggang sa nagdalaga’t binata ang dalawa. Si Lanie, lumaking napakaganda; si Junie, tunay namang guwapo at makisig. At napukaw ang mga puso nila sa iba. Paano na ang musmos na pangako ng kanilang mga puso?

Lani Loves Junie
Aug 21 2011 - 20:11

Sikat na romance writer si Shanna. Minsang kinapos siya ng paksang maisusulat ay napagtuunan niya ng pansin ang incompetent at kinabubuwisitang katulong na si Myra. At nabuo sa isip niya ang isang weird na ideya: ang magpanggap na katulong sa isang mayamang pamilya! Sa una pa lamang ay susuko na sana siya. Hindi lamang niya maiwan si Miguel, ang isa sa kanyang naging amo. Lihim siyang umiibig sa binata at palagay niya ay nagkasimpatiya rin ito sa kanya. Pero paano siya mapapatawad ng lalaki kapag nalamang pinaikot lamang niya ito sampu ng buong kapamilya?

Hindi Sinasadyang Dayain Ka
Aug 19 2011 - 11:26

NAALIMPUNGATAN si Aries nang makarinig ng ingay ng isang pumaparadang sasakyan sa labas. Ilang sandali siyang nakiramdam bago tuluyang napabalikwas nang marinig ang pagbubukas ng gate. Habang hinahagilap ang kanyang roba ay nabubuo ang ngiti sa kanyang mga labi. Baka si Daddy! Pero napatda siya sa madilim na sala nang marinig ang nagmumurang boses ng isang lalaki. Ng isang mas batang lalaki. Hindi iyon ang daddy niya. Hindi pa niya naririnig ang kanyang ama na nagmura kahit kailan. Isa pa, hindi iyon ang tunog ng boses ng kanyang ama, ni boses ng kahit sinong matandang lalaki.

One Fateful Summer Romance
Aug 18 2011 - 18:49

Guwapo si Armand. Matangkad. Maganda ang built ng katawan. Hindi niya alam ang eksaktong posisyon nito sa kompanya. Basta bigla na lamang itong sumulpot doon nitong mga nakaraang anim na buwan. Walang malinaw na detalye kung bagong empleyado ito. Madalas lamang nilang nakikita na kasa-kasama ito ni Atty. Bernardo.

My Love, My Hero: Armand
Aug 17 2011 - 19:43

Sa katakawan sa sugal, si Cards na isang sundalo, ay naputukan ng pampasabog ng mga kalaban – at ang napinsala pa naman ay ang kanyang pagkalalaki. Saka naan siya napaibig kay Barang. Papaano mapaiibig ni Cards si Barang sa pagkakaroon niya ng napakalaking problema sa kanyang pagkalalaki?

Sa Kiliti Ng Pag-ibig
Aug 16 2011 - 19:06

Paano kung ang babaing minamahal mo ay galing sa isang magulong pamilya. Hiwalay sa ama’t ina, may ate na imoral, may kuya na sugarol na ay adik pa. Mamahalin mo pa rin ba siya? At paano kung ikaw ang babaing ito? Hindi ka ba natatakot magmahal sa lalaking alam na alam ang pagkatao ng iyong pamilya? Kasaysayan ito ng dalawang pusong ngayon lang pinupukaw ng hiwaga ng pag-ibig. Nakapagitan sa kanila ang isang pader na mahirap tibagin. Nagtatagumpay ba ang pag-ibig kapag ito ay may kulapol ng maraming putik ng lipunan?

Subukan Mo Akong Mahalin
Aug 11 2011 - 19:09

Ideal man si Paul – mabait, responsable at higit sa lahat, matalino kaya naman scholar ito sa pinapasukan nilang private university. Bukod pa roo’y taglay nito ang kaguwapuhang wala yatang babae sa ibabaw ng lupa ang maaaring tumanggi. And when the time came na umibig siya’t nasaktan sa una niyang pag-ibig ay naroon lamang ito upang aluin siya. Paul made her feel like a princess. Hanggang aminin nitong hindi na best friend ang turing nito sa kanya. Na lahat ng mga ginagawa nito para sa kanya’y may kalakip na pagsuyo... pagmamahal. Handa na ba siyang muling subukang magmahal? This time sa lalaking palaging sumasagi sa kanyang isip nang mga panahong nalulungkot siya sa piling ng dating kasintahan.

Kung Ikaw Ay Isang Panaginip
Aug 10 2011 - 19:24

Hindi maganda ang unang pagkikita nina Lanz at Jazz. Sukat ba namang makapagkamalan ni Jazz na mekaniko ang bagong panginoon ng Hacienda Villarosa? Isa nga iyong malaking insulto sa pagkatao ng lalaki. Ngunit sapat na ba ang pagkakamaling iyon ni Jazz para insultuhin din siya nito nang paulit-ulit sa tuwing magkikita sila? Labis nang nasasaktan si Jazz sa mga ginagawa sa kanya ni Lanz. Ngunit sa kabila niyo’y hindi niya mapigil ang puso, na sa unang kita pa lang niya kay Lanz ay napaibig na nang lihim sa lalaki.

Ikaw Ang Tunay Kong Mahal
Aug 9 2011 - 07:44

Minsan ay may pagka-weirdo talaga si Jaja. Iyon ay isang bagay na hindi na ipinagtataka ng kanilang pamilya. Nagmana raw ito sa kanya, pati sa hitsura. Kadalasan nga, kapag kasama niyang lumalabas ito ay napagkakamalan silang mag-ina. Kung tutuusin ay para na rin niya itong anak. Hindi pa ito ipinanganganak nang masawi sa vehicular accident ang kuya niya na siyang ama nito. At nang mabiyuda ang teenager na ina nito ay nag-abroad. Iniwan nito sa kanila ang sanggol na noon ay mag-aanim na buwan pa lang. Mahigit nang tatlong taon sa Amerika ang ina ni Jaja pero tila wala na itong balak bumalik. Ang huling liham na natanggap nila mula rito ay naglaman ng pamamaalam sa kanila. Sila na raw ang bahala kay Jaja dahil magpapakasal na ito sa isang Fil-Am na nakilala nito roon.

Kooky & Baroomby
Aug 7 2011 - 19:54

Si Lino, si Rene, si Albert. Lahat sila ay umiibig kay Mariel. Ang una ay mapagtiis. Ang ikalawa ay mapusok. Ang ikatlo ay matiyaga. Sino sa kanila ang magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga?

Habang May Altar Na Naghihintay