Skip to main content

LATEST UPLOADS

Sep 12 2011 - 19:04

NGAWIT na ngawit na si Beatrice at pakiramdam niya ay may gumagapang sa likod niya. Pasimple siyang sumulyap sa wall clock. Sampung minuto pa siya sa ganoong posisyon—reclining on a velvet couch, maintaining that far-away look on her face. Ang isang hita niya ay bahagyang nakaliko, habang ang isang binti ay nakatuwid. Her one arm was wrapped around her waist, the other pinned beneath her head. She was naked.

Rightfully Mine
Sep 9 2011 - 19:51

Umpisa pa lang, alam na ni Jessica na may itinatagong lihim si Troy. Isang madilim na lihim. Ngunit nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya, natuklasan niyang katulad din lang siya ng ibang babae. Bulag at bingi sa pagsunod sa tibok ng puso. Ang tanging pinanghahawakan niya, ang pangako ni Troy. Magbabago raw ito. Para sa kanya. Para sa kanilang relasyon. Minsan-minsan lang siya nakinig sa walkman na bigay nito sa kanya. Sa babaing espesyal sa akin, sabi nga nito. At ang musikang narinig niya, tumutumbok pa sa kanilang sitwasyon. Hanggang sa maganap ang isang trahedya.

Maalaala Mo Kaya: Walkman
Sep 8 2011 - 21:03

Napaibig si Vanesa kay Ariel na anak ng isang tauhan nila sa asyenda. Iniibig din ni Ariel ang dalaga kahit batid nito ang malaking agwat ng kanilang katayuan sa lahat ng bagay. Ngunit may kaagaw si Vanesa. Ang pinsan nitong si Lucil. Nagawa nitong palabasin na kayamanan lamang ni Vanesa ang hangad ng lalaki. Bagama’t nasaktan, nakipaglaro si Vanesa kay Ariel. Pagkatapos ay dinusta nito ang binata, na kayamanan lamang pala ang hangad sa kanya. Huli na nang malaman niya ang buong katotohanan. Wala na si Ariel na labis na nasaktan. May kaligayahan pa kayang naghihintay sa kanila?

Hagkan Mo Ako At Yakapin
Sep 7 2011 - 19:07

Nagpakasal si Armina kay Howard, isang Canadian, sa kasunduang pagkatapos ng isang taon, kapag bumaba na ang papel ng dalaga bilang residente ng bansa ay didiborsiyohin na niya ito. Hindi si Howard ang kausap ni Armin kundi ang pinsang si Marie na nobya ng lalaki. Ngunit sa kasunduang “hiram lang” ng magpinsan ay mayroon silang nakalimutang isaalang-alang. Ang ‘marriage for convenience’ ang last resort ni Armin. Hindi lang siya ang filipinang pumasok sa ganoong kasunduan manatili lamang sa banasang pinuntahan. Ang kaibahan nga lamang, hindi ang lalaking pakakasalan ang kausap ni Armin kundi ang pinsang si Marie. Nobyo ni Marie ang nakatakdang pakasalan ni Armin sa kasunduang ‘hiram lang’.

Hiram Lang
Sep 5 2011 - 21:02

Nude model si Madonna – modernang-moderna. Group leader si Ernest sa isang relihiyosong kongregasyon – konserbatibo. Never na ituring niyang art, kuno ang paghuhubad ng isang babae para lamang kumita ng pera. Ngunit umibig sa isa’t isa ang dalawa sa kabila ng magkabaligtad nilang mga personalidad. At napasubo sila sa matitinding pagsubok na pareho lamang naman nilang hindi kinaya. Paano na sila? Forgive and forget na lang?

June Bride II
Sep 2 2011 - 20:29

ISANG maaliwalas na mukha ng babae ang bumati kay Toni. Sa tantiya niya’y lampas singkuwenta na ang edad nito. “Ano ‘yon, Ineng?” “Ako ho si Mary Antoinette Pilapil,” agad na pakilala niya. “Freelance photographer ho ako mula sa Maynila at naghahanap ng pansamantalang matitirahan dito sa Taal. Ito hong bahay ninyo ang itinuro sa akin ng anak ng barangay captain. Ang sabi ho’y madalas kayong walang kasama dito sa bahay, so...”

My Lovely Bride: Toni & Bonn
Aug 31 2011 - 19:14

Kay-tagal naghintay ni Cleofe na mapansin ni Odilon. Nasa haiskul pa lamang sila’y may lihim na siyang pagtingin sa binata. Problem is…sa kababata nilang si Mariz ito nanligaw. Naging magkasintahan sina Mariz at Odilon. Nagsalo sa relasyon sa loob ng anim na taon. Ngunit naging marupok si Mariz. Nagawa pa rin nitong ipagpalit sa iba ang nobyo nang ligawan ito ng isang super-guwapong Manila boy. Bumaling si Odilon kay Cleofe. Matatanggap ba ni Cleofe na siya’y panakip-butas lang?

Maalaala Mo Kaya: Saranggola
Aug 30 2011 - 20:45

“KAILANGANG ipagtapat na natin sa iyong daddy na—” “Huwag!” mabilis at may halong pagmamakaawang naibulalas ng labinlimang taong gulang na si Vayana. Inakbayan siya ni Anton. “Kitty, wala na tayong magagawa. Nandiyan na iyan, e.” Nahihintakutan ang mukhang sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. “Anton, ang bata-bata ko pa. Hindi pa ako handa.”

Our Hearts Never Lie
Aug 28 2011 - 21:45

It was a shocking scene, to say the least, para kay Claire, ang makitang may hubad na babaing nakahiga sa kama ni Jason – si Sharmaine. What you don’t know will not hurt you, sabi niya. Ngayong napatunayan niya, ng mismong mga mata niya, ang relasyon nito sa videoke model na mala-Jennifer Lopez, para na rin siyang namatay. It was a gamble on the part of Jason. May guilt siyang nararamdaman para kay Claire at para bang mawawala lang ang guilt na iyon through Sharmaine. But in a game of passion and burning desire, one has to lose. And losing in a deadly game of love is stranger to Jason – na ang turing sa sarili ay man of the world. He always won. And for Claire, the betting must come to an end. Even if it would mean losing the man she truly loves.

Ah... Love Mo Ako Talaga
Aug 26 2011 - 09:25

Napalunok siya. Makakalimutan nga ba naman nila iyon? Ang bagay na itinuring nilang ‚hateful experience‛ sa buong buhay nila? Ang makasal nang walang pagmamahal sa isa’t isa. Noon lamang niya na-realize kung gaano kalaking pagkakamali ang ginawa niyang pagpayag sa napagkasunduang iyon ng mga magulang nila. Gipit na kasi ang pamilya niya noon. Craig’s family was their only hope. Binayaran ng mga magulang nito ang malaking pagkakautang nila sa iba’t ibang tao at isinalba pa ng mga ito sa tuluyang pagbagsak ang kanilang mga negosyo.

Happy Anniversary