Skip to main content

LATEST UPLOADS

Mar 31 2011 - 01:51

“PATPATING uhugin! Patpating uhugin! Ingat ka baka liparin ka ng hangin!” Nanlisik ang mga mata ni Gina. Ramdam niya ang pagkulo ng kanyang dugo at pag-usok ng kanyang tainga. Sumosobra na talaga ang lalaking ito! Sa inis ay nagmistulang dalawang diretsong linya sa kanyang mukha ang singkiting mata. Dinuro niya ito. “Ikaw, negrong malaki ang ipin! Napulot ka lang ni Tita Mae sa basurahan!”

Sabi Mo Sa Text Love Mo Ako
Mar 29 2011 - 02:14

NGALAY na ang mga binti ni Ethel sa suot na three-inch high-heeled shoes sa paghihintay ng masasakyang taxi sa tapat ng pinagmulang N&M Building. Interview niya kanina sa ina-apply-ang trabaho at noon lang niya nalaman na ganoon pala kahirap sumakay sa lugar na iyon. Sa wakas ay may isang taxing nagbaba ng pasahero sa kanyang unahan. Kinawayan niya iyon at nang huminto ay lumapit siya rito. Nabuksan na niya ang pinto at sasakay na lang nang biglang may pumasok sa kabilang pinto nito at sumakay.

Rook
Mar 28 2011 - 01:01

THE FUNERAL ceremony of Atty. Carlos Abrigo was over. Dinala na ito sa huling hantungan kasama ang kasintahan nito na si Pamela Galvante. Magkasamang namatay ang mga ito nang bigla na lamang sumabog ang kotseng sinasakyan ng mga ito. Atty. Abrigo and Pamela Galvante died at the age of fifty-seven and forty-eight, respectively. Wala nang iluluha si Elaine Abrigo. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang ilibing ang kanyang papa. At wala siyang ginawa kundi ang manatiling nag-iisa sa family room ng mansion ng kanyang mga magulang kung saan naroroon ang ilang memorabilia ng dati ay masaya nilang pamilya. Ang mga larawan nila ay nanatiling nakasabit sa mga dingding. Naging masaya siya noon kasama ang kanyang amang si Carlos at ang kanyang inang si Lourdes. But it was just a memory... and would remain a memory forever...

It's You
Mar 25 2011 - 03:57

Ang NEVER ay kasaysayan ng isang tamang pag-ibig na sumibol sa puso ng dalawang nilalang sa maling panahon. Kung kailan, ang kaganapan ng pag-ibig na iyon ay nangangahulugan ng pagkakasala sa batas ng tao at sa batas ng Diyos. Sina Joshua at Eloisa, caught in a love that is forbidden. Sina Joshua at Airyn, bound together by destiny. Narito ang kanilang kuwento.

Never : Eloisa
Mar 25 2011 - 05:15

Hinarang ni Sandro si Katrina sa pag-aakalang tangkang nakawin ng dalaga ang kabayong si Four Winds. Galit nag alit si Katrina lalo pa nang bilang parusa’y hagkan at yakapin siya ng lalaki. Ninais niyang paalisin sa farm si Sandro noon din ngunit may panlaban ito. Walang nagawa si Katrina kundi pagtiisan ang presensiya ng lalaki. Kahit hindi niya matanggap sa sariling wala siyang kakayahang iwasan ang mga yakap at halik nito.

Never 2: Katrina
Feb 19 2011 - 23:19

NAKANGITI si Sheila habang minamasdan si Red. Maikukumpara ito sa movie idol na si Robin Padilla. Sa kilos, sa pananamit, sa pagsasalita. Sa halos lahat... At, take note... ang tawag sa kanya ay lumalagapak na “ma’am”! Ang feeling tuloy niya ay siya si Sharon Cuneta! Ngunit kumpara sa dalawang movie screen idols, ang love story nila’y nakabitin kung matatapos na happy ending. Sapagkat si Red, lupa na nga ito’y naglagay pa ng pader sa pagitan nila. Pader na nang una’y ipinangako nitong bubuwagin... “Dahil mayroong ikaw...”

Dahil Mayroong Ikaw
Jan 19 2011 - 23:50

IYON ang moment of truth para kay Hermes. Nakita niyang muli si Gladys – ang babaeng una niyang minahal at planong pag-alayan ng lahat sa kanya sa panahong malapit na siyang makipagtaling-puso kay Fina – ang ikalawang babaing nang wala na si Gladys ay siya namang lahat sa kanya. Kapirasong puso na lang ba ang maibibigay niya kay Gladys? Ang babaing ayon ay Hermes ay alam lang niya kung paano mamahalin; hindi kung paano lilimutin.

Kapirasong Puso
Jan 18 2011 - 02:19

Nagkatagpo sina Dulce at Francis sa tamang panahon ngunit maling pagkakataon. Sa maikling sandali, naramdaman nila ang pangangailangan sa isa’t isa. Pangangailangan sa kaso ni Dulce dahil hindi niya matiyak kung pagmamahal nga ang nararamdaman niya sa binata. Sa sitwasyon niya, kailangan niya ng isang balikat na maiiyakan. Dumating si Francis sa buhay niya na may sugat pa ang kanyang puso na nilikha naman ni Ricky, ang lalaki sa buhay niya. Pangangailangan din sa panig ni Francis. Pagkatapos niyang umibig at mabigo minsan, kay Luz, ay hindi na niya halos alam ang kahulugan ng salitang pag-ibig. Kailangan niya si Dulce upang hindi na siya tumanaw sa isang hindi malimot na kahapon.

May Nagmamahal Sa'yo
Jan 17 2011 - 02:02

Kay Ester inihabilin ni Ligaya ang kabiyak nitong si Nimrod bago ito pumanaw. Bilang isang mabuting kaibigan – at dahil may pagtatangi rin naman siya kay Nimrod - ginawa niya ang lahat ng paraan upang bigyang pag-asa ang lalaking sa malas ay nawalan na ng ganang mabuhay. Kung magagawa niyang buksan ang puso ni Nimrod na ipininid na nito sa tawag ng pag-ibig, iyon ang malaking tanong. Kung ikaw ang umiibig nang lihim, para sa iyo ang kasaysayan ni Ester.

Sa Muling Pagbubukas Ng Puso
Jan 17 2011 - 01:34

Ang Ate Gina niya, iniwan ng nobyo. Nasira ang buhay. Ang Kuya Marcelo niya, hindi natuloy mag-abroad. Nagastos nito sa pambababae ang perang gagamitin sana. Ang Itay niya, may tinaga! Dahil binabastos ang kanyang ina. At si Bob…unti-unti niyang nararamdaman ang paghihimagsik. Lagi siyang inaapi. Dahil mahina siya. Ngayon, kinukutya ang kanyang pamilya. Hindi na niya kaya…Hindi na! At hinubad ni Bob ang maskarang nagtatakip sa tunay niyang katauhan.

Agiw