Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jan 13 2011 - 05:31

Hey, Jude! Don’t be afraid; You were meant to go out and get her... Magkasama sina Angelin at Jude na narinig ang awitin na iyon. “Ako iyon, ah. Huwag daw akong matakot.” “Matakot saan?” tanong niya kay Jude. “Matakot sa pangarap. Mangarap sa piling mo.” Nakakatakot mangarap sa piling ni Angelin. Anak siya ng amo ni Jude. Pinag-aral lang ang lalaki ng pamilya niya; at ang kapalit ng lahat ay ang lihim nilang pagmamahalan. Remember to let her into your heart Then you can begin to make it better... Ngunit kasabay ng awiting iyon, patuloy silang nangarap. Nangarap nang magkayakap.

Hey, Jude!
Jan 13 2011 - 05:21

TUMUNOG ang cellphone ni Nikita na nakapatong sa center table na nasa harapan niya. May message siya. Ngunit hindi niya iyon pinansin, bagkus ay lalo pang nagsumiksik sa gilid ng sofa. Yakap-yakap niya ang malaking body pillow na puro mukha ni Tweety bird ang print ng punda. Sige siya sa paghikbi. Malapit nang pumatak ang mga luha niya habang nakanganga sa harap ng TV. Ang pelikulang City of Angels ang nakasalang sa VCD player niya. Siya na lang yata ang tanging nilalang sa Pilipinas na may VCD player ang hindi pa nakakapanood sa pelikulang iyon...............

Back to You
Jan 13 2011 - 23:40

Ikakasal na lamang sila noon ni Adrian nang matuklasan ni Via ang kataksilan ng lalaki. Dahil doon, tumalikod siya sa nakatakdang kasalan. Nagtungo ang lalaki sa Amerika at hindi na sila muli pang nagkita. Pagkalipas ng apat na taon, muling nagbalik si Adrian at nagsabing gagawin nito ang lahat upang muling mahalin ni Via. Ngunit masyado nang huli para dugtungan ang nakaraan nila ni Adrian. Dahil bukod sa ikakasal na si Via sa ibang lalaki, hindi niya na rin alam kung paano pa muling magtitiwala kay Adrian.

You Belong To Me
Jan 12 2011 - 21:06

Hindi malaman ni Shantana kung matatawa o maiinsulto sa kondisyong hinihingi ni Ricardo Riego kapalit ng iniaalok nitong tulong sa kanya. Magsama raw sila bilang huwad na mag-asawa. Isang kondisyon iyon na para kay Shantana ay isang malaking kalokohan. Ano ang nagbuyo sa lalaki upang alukin siya ng ganoong kasunduan? Dahil ba siya ang nasa gipit na kalagayan at iniisip nito na madali siya nitong mapapapayag sa kalokohang iyon? Hah, hindi siya sa ganoong patalim kakapit. Hindi sa patalim na iniaalok ng isang kaaway na tulad ni Ricardo Riego!

Sa Kandungan Ng Kaaway
Jan 10 2011 - 06:56

Ang boyfriend ni Susan, si Alvin, pangarap na maging isang lay minister – iyon bang tagapagpalaganap ng mga salita ng Panginoong Diyos. Ayos naman iyon. Danga’t iyon pala ang gawaing balak harapin nang husto ni Alvin. Pag mag-asawa na raw sila ni Susan, di tulad ng ibang padre de pamilya, hindi siya magtatrabaho. Sa mga pangangailangan nila sa buhay, bahala na raw ang Diyos. Hindi naman sa walang sampalataya si Susan sa kabutihan ng Diyos. Praktikal lamang siya. Hindi raw naman yata tama iyong sa Diyos mo na lamang iaasa ang kakainin mo. Kaya ang naging grabeng problema ni Susan – paano niya babaguhin ang damdamin at takbo ng isip ng isang boyfriend na type yatang maging santo?

Santo ang Boyfriend Ko
Jan 10 2011 - 06:56

Matayog si Dave Barcelona kaya hindi niya matanggap ang kanyang madrastang nanggaling sa putikan, si Lily. Bilang ganti ng kanyang pangalawang ina, kay Aspen nito ipinamana ang kalahati ng yaman ng mga Barcelona na ibinigay sa kanya noon ng ama ni Dave. Hindi makapaniwala si Dave na ang babaing iniwan niya noon sa Isla Tahatma, si Aspen, ay heredera na ngayon ng kanilang yaman. Isinumpa niyang habambuhay niyang kamumuhian si Aspen!

Paano Ba Ang Sumuko?
Jan 10 2011 - 18:56

Sa unang kita pa lang ni Almira kay Paolo, napansin na niya agad ang kakaibang karismang taglay ng lalaki. Guwapo. Makisig. Edukado. At higit sa lahat, mayaman. Ngunit dagling sinikil ni Almira ang pagkaakit na naramdaman niya para sa binata. Wala siyang karapatang makadama ng ganoon para kay Paolo dahil hindi siya nababagay rito. Isa lamang siyang alila kung ituring sa bahay ng kanyang madrasta. Higit sa lahat, si Paolo ay pag-aari na ng anak ng kanyang madrasta na si Wanda, na hindi makapapayag na maagaw ng iba ang lalaking pangarap nito. Ngunit ano ang gagawin Almira kung malaman niya na siya at hindi si Wanda ang tunay na interes ni Paolo?

Kasalanan Ba Ng Puso
Jan 4 2011 - 01:58

Si Melanie…si Nico… nagmamahalan nang labis. Nangakong susuungin at lalabanan ang lahat ng hadlang sa ikapagtatagumpay ng kanilang pag-ibig. Dumating ang pagsubok. Naaksidente si Melanie. Ang tanging makapagliligtas sa kanya ay ang pagtalikod ng nobyo. Ang tanong: Paano pa mabubuhay si Melanie kung wala sa piling ang lalaking siyang buhay niya?

Aanhin Ko Pa ang Pag-ibig
Jan 4 2011 - 02:18

Ang dilemma ni Helen ay nahahati sa dalawa. Sa case niya, love comes from the most unexpected time and place. At sa isang unexpected guy pa. Kay Nomar... Hindi ito ang tipikal na uri ng lalaki na papangarapin ng kanyang mataray na ina para sa kanya. Ang preference nito, ang tulad ng lalaking ngayon ay ka-mutual understanding niya. Si Dondon... Problem is, kay Nomar nababaliw ang puso niya. Sa lalaking sabi ng ng kanyang mg magulang ay hindi ang right guy para sa kanya. Paano na?

Hello, Mr. Right?
Dec 18 2010 - 12:04

Hindi na sana gusto ni Marjorie na bumalik sa Pilipinas. Mayroon siyang tinatakasan doong malungkot na nakaraan. Ngunit kailangan niyang bumalik upang maging normal ang kanyang buhay. Hindi niya inaasahang lalong mawawala sa kaayusan ang kanyang buhay sa pagsasanga ng landas nila ni Mark - ang taong may malaking kaugnayan sa kahapong gusto niyang takasan!

Kapag Maaari Mo Na Akong Ibigin