Skip to main content

LATEST UPLOADS

Dec 4 2010 - 08:18

Na-inlove sa dalawang lalaki si Leyna. Una ay kay Jeff, ang anak ng may-ari ng kompanyang pinapasikan niya. Dito niya natikman ang tamis ng unag yakap at halik… Ngunit may mga puwersang naghiwalay sa kanila… Saka naman niya nakilala si Miguel, ang lalaking umaruga sa kanya sa panahon ng kagipitan, ang lalaking nagpatuloy sa pagmamahal na dapat sana’y ibinibigay ni Jeff. Unti-unti’y nahulog ang loob niya kay Miguel. Tila mas matamis, mas mainit ang mga yakap na kaya nitong ibigay sa kanya… At kung kailan handa na siyang magmahal muli, saka naman muling lumitaw si Jeff, binabawi siya, pilit dinurugtungan ang kanilang kahapon. Naipit si Leyna sa pagitan ng dalawang pag-ibig. Kasabay pa niyon ng pagkasiwalat ng isang lihim na nag-uuganay sa kanilang tatlo sa isang mapanganib na sapot ng pandaraya at panlilinlang. Isang lihim na nag-aalis sa kanya ng karapatanng magmahal…

Dalawang Mundo Dalawang PagIbig
Dec 4 2010 - 08:24

Nangangamba si Lolo Diego na maputol na ang lahing Cajilig, kaya naman sinuhulan nito ang kaisa-isang apong si Maximilian o Mack na mag-asawa na. Wala pang balak mag-asawa si Mack, ngunit baliw lamang ang tatanggi sa twenty million pesos at hindi nito makakamit iyon kung ito’y binata. May solusyon naman sa dilemma nito: si Gidget Alisangco. Matapos makumbinsi na maaari din silang maghiwalay ilang buwan matapos ang kasal ay pumayag sa gusto ni Mack si Gidget. Excited pa siya dahil pinangakuan siya ni Mack ng ten percent sa lahat ng mamanahin nito pagkatapos ng kanilang charade. Ngunit hindi pa man sila nakakasal ay bumaligtad na ang puso ni Gidget. Now she wanted Mack to be hers – for keeps.

For Keeps
Dec 4 2010 - 08:29

Isang gabing pag-ibig. Iyon lang ang pinagsaluhan nina Albert at Michelle. At iyon ay may sampung taon na ang nakararaan. Ngunit ang karanasang iyon ang nagpabago sa buhay ni Michelle.
Sinikap niyang kalimutan na lang ang nakaraan. Ngunit hindi siya nagtagumpay. Muling nagulo ang mundo niya dahil sa pagbabakasyon niya sa Boracay, muli silang nagkita ni Albert Almonte. At kailangang harapin niya ang katotohanan na hindi pa rin tapos ang nakaraan… dahil naramdaman pa rin niya ang panghihina ng mga tuhod nang halikan nito.
At nang muli niyang ipagkaloob kay Albert ang sarili, she finally realized, the magic was still there.

Isang Gabing Pag-Ibig
Dec 4 2010 - 09:36

Isang brown paper bag ang hindi sina- sadyang napasakamay ni Gemma. Nakapaloob ang isang mini-jewelry box at nasa loob nito ang isang panyolitong sutla. Ayon sa isang tiyahin ng dalaga ay ganoon ang mga panyolitong gamit ng mga maharlika sa Europa.

Iyon ang simula ng hindi na pagtahimik ng kanyang buhay. Kahit sa panaginip ay hindi niya inakalang maglalagay ito sa kanya sa panganib na muntik na niyang ikamatay.

Jewelry Box
Dec 3 2010 - 04:30

Tumakas si Terya mula sa kanilang probinsiya sa mismong araw ng kasal niya sa isang lalaking ayaw na ayaw niya. Sa Maynila ay nagsanga ang landas nila ni Robert – isang lalaking guwapo, macho, mayaman, at nakakakilig kung tumingin. Ang binata ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Pero, nakatakda na itong ikasal. Ipinangako niyang gagawin niya ang lahat para mapaibig si Robert. Pero paano? Bagama’t maganda siya, napakasimple naman niyang babae, walang breeding, walang ere ng sopistikasyon, at isang malinaw na panggulo sa tahimik na buhay ng binata. Subalit paanong ang mga sakit ng ulong ibinibigay niya sa binata ay naging daan upang mahulog ang loob nito sa kanya?

Anong Meron Ka Para Mahalin Ko?
Dec 3 2010 - 06:02

Unang araw pa lang ng pagkikiya nina Nadine at Syd ay nagkasagutan at nagkaasaran na agad sila. Ganoon din ang nangyari sa ikalawang araw ng pagkikita nila. Alam ni Nadine na siya ang may kasalanan. She had a problem. Ilang kaibigan na ba niya ang umiwas at lumayo sa kanya dahil sa problema niyang iyon? She was starting to fall for Syd. At alam niya, ganoon din ito sa kanya. Pero alam niyang hindi magtatagal at mawawala rin ito sa buhay niya. Hindi rin siya mapagtitiyagaan nito. Pero makakaiwas ba siya kung ipinapakita nito sa kanya na mali siya?

Bad Days, Good Love
Dec 3 2010 - 06:08

She was sweet sixteen, he was eighteen. Nang unang magtagpo ang kanilang paningin alam nilang para sila sa isa’t isa anuman ang mangyari. Miembro si Jeff ng grupo na kalaban ng grupong kung saan miembro naman ang Kuya Mick niya. At mahigpit na magkalaban ang dalawang grupo. All aimed for supremacy. Subalit hindi nakahadlang itosa pag-ibig nina Jeff at Jenny. They promised to love each other… forever. But gang wars separated them.

Promises To Keep
Dec 2 2010 - 21:58

Bagung-bago at top of the line ang scooter ni Leo. Matagal niyang pinag-ipunan ang ipinambili ng sasakyang iyon. Unang araw, ginamit ni Kate ang kanilang investment. Aksidente, nakabangga ito. Nabago ang takbo ng buhay nila dahil sa aksidenteng iyon. Ang scooter niya ay naging target ng maraming anyo ng kasakiman. Saka naman may ibinalita sa kanya si Kate. Buntis ito. At para sa kanya, mas mabigat pa iyon kaysa sa problemang dulot ng scooter. Ayaw niyang maging ama…

Scooter
Dec 2 2010 - 22:01

 Si Leslie na yata ang pinakamabait na ate na nakilala ni Ian. Sa kapatid, hindi na niya kailangan humingi. Kusa itong nagbibigay.
Minsang-minsan lang ito humiling sa kanya. At para kay Ian, para na ring hiniling ni Leslie ang kanyang kamatayan…

Gusto nitong hiwalayan niya ang nobyang si Imee dahil sa isang mababaw na dahilan. Mahirap lang ang dalaga. Tindera lang ng fishball. Hindi raw ito bagay sa kanya.

Fishball
Dec 2 2010 - 22:46

Itinakdang makasal sina Lyndon at Penny. Lingid sa kaalaman ng mga magulang, kapwa wala pang balak na mag-asawa ang dalawa. Parehong may mataas na ambisyon, higit sa lahat – walang pag-ibig na namamagitan. Gipit sa panahon, isang plano ang isinagawa ni Lyndon. Planong tumapos sa pagbibinata ng playboy na pinsan, si Macky Gregorio. Sa isang iglap ay ikakasal si Macky kay Penny Lee, ang former bride-to-be ni Lyndon. Si Penny ay ikinatuwa ang pangyayari dahil may palagay ang dalaga na kaya niyang mapawalang-bisa ang kasal niya kay Macky kaysa kung si Lyndon ang napapangasawa. Kaya?

Accidental Bride