Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jun 4 2014 - 12:10

"Ako lamang ang magsasabi kung nararapat ito o hindi, mahal kong Diana. Matagal akong nagtiis, kaya hayaan mong patunayan ko sa'yo ang pagmamahal ko."

Once Upon A Dream
Jun 2 2014 - 12:05

"H-huwag mo akong titigan ng ganyan. Para akong ice cream na natutunaw sa titig mo."

Kung Kailangan Mo Ng Magmamahal
May 31 2014 - 12:02

"Unang kita ko pa lang sa'yo, gusto na kitang halikan. At noong makita kita ulit, parang gusto na kitang pakasalan!"

Sinabi Ko Na Ba Sa 'Yong Mahal Kita?
Apr 23 2014 - 21:52

Hindi akalain ni Desiree na magkikita pa silang muli ni Rigor. Hindi pa niya nalilimutan ang ginawa nito pero heto at nadagdagan pa ang atraso nito sa kanya---ang pagkakaroon ng interes ng biyudong ama nito sa kanyang ina. Nagpatulong siya kay Rigor para mapaglayo ang kanilang mga magulang. Ang hindi niya inaasahan ay ang mahulog ang puso niya rito. Pero hindi maaari iyon dahil kaaway niya ito. Ninakawan mo ako! nais niyang sabihin. Pero sa pagkakatitig niya sa mukha nito, pakiramdam niya, kahit kunin nito ang lahat sa kanya nang oras na iyon ay wala siyang magagawa. Pati puso niya ay para malaya niyang ipagkakaloob dito.…

Please Be Careful With My Heart
Apr 17 2014 - 20:50

"Yssa, bakit ba hanggang ngayon ay napakatigas pa rin ng puso mo pagdating sa akin?" tanong ni Rico, sabay hawak sa kanyang braso.

"B-bitiwan mo nga ako," nauutal na sabi ni Yssa. Ngunit sa halip na pakawalan siya ay lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Parang nawalan siya ng lakas. Napapikit siya nang makitang pababa ang mga labi ni Rico patungo sa mga labi niya. Kusang bumuka ang kanyang mga labi upang tugunin ang init ng halik nito.

Gusto niyang sabihin nito na siya ang mahal nito. Na siya ang gusto nitong pakasalan. Iyon lamang at maligaya na siya. Pero alam niyang kahibangan ang asahan ang mga bagay na iyon sa lalaking nakatakda nang ikasal sa iba...

Yesterday And Forever
Apr 13 2014 - 08:47

 

Sinuong ni Vienna ang masukal na kagubatan sa Mindanao hoping to find her long-lost brother. Pero hindi ang kapatid ang natagpuan niya kundi isang estrangherong pumukaw sa puso niyang matagal na niyang isinarado sa pag-ibig.

Pilit niyang iwinaksi sa puso’t isipan ang lalaki. As a doctor, kailangan lamang ay tulungan niyang maibalik ang memorya nito. Falling in love with him was not part of her plan.

Pero isang nakakaliyong halik lang ni Amir ay tuluyan na siyang nagpatangay sa damdamin. Mahal na niya ang lalaki. At handa siyang tang-gapin ang kabuuan nito. Handa siyang magpa-angkin dito. Bahala na ang bukas, at ang pagbalik ng memorya ni Amir….

 

Should I Let You Go?
Apr 9 2014 - 11:20

WANTED: Piano teacher... and mommy!

Nang mag-apply si Doreen para sa posisyong nakalathala sa nakitang karatula, she took the latter part as a joke. As a result, she was very ill-prepared to meet a sweet, endearing child na mukhang seryoso sa paghahanap ng mommy. All the more na hindi siya nakahandang makaharap ang aroganteng ama nito. Sinasabi niya sa sarili na hindi siya magtatagal sa trabahong iyon kung di kay Yvonne. Ang totoo, hindi siya makaalis dahil kay Vince, ang ama nito na habang tumatagal ay umokupa na ng malaking bahagi ng kanyang puso...

Magmamahal Pa Bang Muli?
Apr 6 2014 - 23:47

"Dapat mong malaman na nagbabago rin ang tao kasabay ng pagbabago ng panahon..."

Lumipas Man Ang Panahon
Apr 5 2014 - 01:00

 

“Sino ka ba?” angil ni Emily, sabay layo rito. “Rafael Morelos III. Just call me ‘Raffy.’” Pinanlamigan ang dalaga. Ito ang lalaking sumumpang ipaghihiganti ang pagkamatay ng best friend nito na ex-boyfriend niya. “You know my name but I don’t know yours,” anito. “I... I’m... C-Cecille,” aniya. Hindi na nitokailangang malaman kung sino siya. “Cecille? What a nice name. Too bad it’s not your real one. Tsk, tsk! Hanggang ngayon ba naman ay sinungaling ka pa rin, Emily? But then, why should I be surprised? May mga bagay talagang hindi na nagbabago. Isa na marahil doon ay ang ugali mo.” Umigkas ang kamay niya pero nahuli nito ang kanyang braso para kabigin siya at parusahan ng nagbabagang halik ang mapupula niyang labi….

 

To Love Again
Mar 31 2014 - 20:14

"Maligaya ako sa choice ko, Riza. At ikaw iyon."

Make-Believe Boyfriend