Skip to main content

LATEST UPLOADS

Feb 25 2014 - 19:39

 

“I will look for my one special woman and when I find her, I will love her for the rest of my life,” naalala ni Marjorie ang sinabi ni Tristan. Oh, how I wished to be that one special woman in his life! piping dalangin niya sa sarili. Pero alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Best friend. Best buddy. No more. No less. Lalo pa nang itakda ang kasal nito sa iba! Pero nang naaksidente ito at magka-amnesia bago ito tumulak sa Amerika para sa kasal nito, hindi siya nagdalawang-isip. Dinala niya si Tristan sa isang isla sa Iloilo para itago sa fiancée at pamilya nito. Mahal niya si Tristan at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang pag-ibig nito….

 

Labis Kitang Minamahal
Feb 23 2014 - 21:29

"I shouldn't have kissed you. But I couldn't help myself. Or we can blame it to the moon. To hell with the moonlight!"

My Darling Sarah
Feb 19 2014 - 21:02

"Aray!" sigaw ni Joy nang ipukol ni Frank ang mga buko sa likurang ng kotse nito. Nabisto tuloy siya. Sinilip nito ang mukha ng babaeng nagtatago at nagulat nang makilala ang dalaga sa ilog na matagal nitong hinanap-hanap. Napigilan siya nito sa tangkang pagpapakamatay pero mabilis siyang pumiglas at nagtatakbo palayo.

"Sorry, hindi ko balak na mag-stowaway sa kotse mo. At wala akong balak nakawin ang mga gamit mo. Tinatakasan ko lang ang tiyahin ko dahil kakalbuhin niya ako kapag nahuli ako," paliwanag ni Joy. Balak niyang tumakas sa Manila kahit walang kilala doon.

"Tutulungan kita," sabi ni Frank. At dahil dalawang beses na siya nitong sinasagip, sumama siya.

"Baka naman gagawin mo lang akong katulong doon, ha? 'Wag na lang," hirit pa niya. "At huwag mo akong pagtatangkaan dahil marunong ako ng karate..."

Promises Of Love
Feb 17 2014 - 22:36

"Sana magkaroon ako ng espesyal na birthday gift ngayon," bulong ni Neil. Nag-blush si Amanda nang ma-realize kung ano ang ibig sabihin ng 'special gift' na gusto nito.

Ibinigay niya sa lalaki ang kanyang birthday gift na Rolex watch. Kumunot ang noo nito nang makita ang regalo niya at kaagad niyang dinampian ito ng halik sa labi na anyong magsasalita ito. Alam niyang tatanggihan nito ang ganito kamahal na relo. Kaagad naman nitong ginantihan ang mga halik niya.

"Neil, wait. Meron pa akong gift sa iyo."

"Meron pa?" Kumunot uli ang noo nito pero nakatingin pa rin sa lips niya.

Bumitaw siya rito at ibinaba ang straps ng kanyang damit. "Ako..."

This Time It's Forever
Feb 16 2014 - 20:19

"From the very beginning, you've been my obligation. You know why? Because you're mine."

Bitter Heart Loves Guilty Heart
Feb 13 2014 - 20:48

"Why did you make me feel like... I'm your girl? Ano ba ako sa'yo?" Nangingilid na ang mga luha ni Reggie pero pinipigilan niyang umiyak.

"Ikaw lang ang babaeng binigyan ko ng ganitong attention. And I wasn't flirting. Well, sometimes, yes, pero sa'yo lang," pag-amin ni Dale.

Napahinga siya nang malalim. " Bakit hindi ka nagsasalita? Why are you so afraid to tell me? Naloloka na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang intentions mo sa akin. Pinapahulaan mo pa sa akin ang meaning ng kindness and kisses mo."

Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga at, "I have a confession to make," sabi nito. "I'm not really good with words, so hayaan mo akong ipakita na lang sa iyo ang nararamdaman ko," anito bago siya gawaran ng halik sa labi...

Poems, Wines & Kisses
Feb 12 2014 - 20:17

"A-ako nga pala si Andrea, ang kaibigan ni Sarah." Natuwa si Allen.

"Hey, I'm glad you made it."

"Well... yes. I just came to thank you," aniya. "I'm glad to meet you but I have to go." Tumango lamang siya. Kunsabagay, ano ba ang ini-expect niya? Si Allen ay sikat na tao and she was just a nobody. Hindi siya Cinderella at walang fairy tale sa totoong buhay.

"By the way, Andrea," anito, "may lakad ako sa Sabado sa Manila. Would you like to come?" Ilang segundo rin bago siya nakasagot. "I'd love to."

Tinapunan siya ni Allen ng 'makalaglag-panty' nitong ngiti, kumaway at saka lumisan kasama ang mga kaibigan. Sa sandaling iyon, bumalik ang paniniwala ni Andrea sa fairy tales...

Game Of Hearts
Feb 10 2014 - 21:54

"Hindi ko pinangarap na mahalin ka. Pero ano'ng magagawa ng puso ko kung ikaw ang itinitibok nito?"

Maski Itanong Mo Sa Bituin
Feb 9 2014 - 21:46

Together with the rest of the girls na nakagapos sa madilim na bodega habang bumabagtas ang barko patungong Hongkong kung saan sila ibebenta sa mga sex dens doon, nagulat si Athena sa biglang paghinto ng barko at sa kaguluhang naganap sa deck. Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa ibabaw ng kaguluhan. "NBI agents kami! Walang kikilos nang masama!" tatlong ulit na sabi nito, una sa Cantonese, sunod sa English at huli sa Tagalog. Tinig iyon ni Tim! 'Inililigtas' na naman siya nito. "Aw, shit!" nabigkas na lang niya at mabilis na kinalas ang kadena sa kanyang mga braso at tape sa kanyang bibig. Kailan kaya siya tatantanan ni Tim na maya't maya ay sumisira sa kanyang diskarte? On the other hand, nag-iinit ang kanyang pisngi tuwing maiisip ang mga yakap nito at matatamis na halik...

Let Me In To Your Heart
Feb 7 2014 - 22:45

 

William and Emily met in a very inconvenient way. They despised each other then. Ngunit muli silang pinagtagpo ng kapalaran, and this time nasangkot sila sa isang krimen. Kailangan nilang tuklasin ang dahilan sa likod niyon bago pa mahuli ang lahat. Together they manage to unveil the mystery behind the killing – someone is after for something precious, and Emily is the key. When they have learned to depend on each other, hindi sinasadyang mahulog sila sa bitag ng tukso. Lalong nadagdagan ang problema ni William. Makakamtan pa kaya niya ang itinuturing niyang pinakamahalagang bagay sa mundo – his true jewels?

 

 

Jewels Of The Heart