Skip to main content

LATEST UPLOADS

Mar 29 2014 - 22:13

 

“Handa akong pumirma ng annulment papers, pero may hihilingin ako sa ’yo,” ani Lea.  Hindi umimik si Brian, hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

“Gusto kong magkaanak. And I want you to be the father of my child,” sabi niya.

Nagulat ito. “Puwede ka namang mag-asawa, have a family,” sagot nito. “You’re beautiful. I’m sure marami kang suitors na mapagpipilian.” “I don’t need a husband. I just need an heir who will look after my business pag nawala na ako sa mundong ito,” matigas na sabi niya. “Don’t worry, I’ll be a good mother. Think it over, Brian. Tatanawin ko itong malaking utang-na-loob habang-buhay.” Gagawin niya ang lahat magkaanak lamang dito.

 

Sana Kahit Minsan
Mar 27 2014 - 20:56

"Mamahalin ko ba ang isang taong hindi nagpapakita sa akin ng pagmamahal?"

Aminin Mong Mahal Mo Ako
Mar 25 2014 - 22:03

Laig na’y mahirap magkimkim ng pag-ibig. Lalo na’t kapag babae ang lihim na nagtatangi sa isang lalaki. Sabi nga ng iba, kung puwede nga lang manligaw ang babae, ginawa na sana nila. Iyan mismo ang dilemma na kinakaharap ni Shellie...

 

Mahal Kita, Noon At Ngayon
Mar 23 2014 - 12:21

"I knew you would be this soft and desirable the first time I laid eyes on you," bulong ng lalaki sa tainga ni Mylene, his mouth moving gently and brushing light kisses on her neck. "Don't you want to know my name?" tanong nito. "No. And I have no intention of giving you mine, either," pormal niyang sagot. Kinakabahan siya pero nadaig iyon ng pangangailangan at matinding pangungulila. "You're the most secretive woman I've ever met in my entire life. But don't worry, I prefer it this way, too. We don't ask questions. But you know I want you, don't you?" Hindi man lang pumalag si Mylene o nag-atubili nang kabigin siya nito at hagkan sa labi...

Substitute Husband
Mar 19 2014 - 21:21

“Bakit hindi ka mawala sa isip ko?” bulong ni Justin. “What did you do to me? I want to own you... to take you right now!” Hindi sumagot si Lauren pero ang mga luha ay nagbadyang tumulo sa kanyang mga mata. Tinangka niyang paibigin si Justin pero siya ang nagkamaling magmahal at nahulog siyasa sariling bitag. Ibibigay ba niya ang kanyang pagkababae sa lalaking ito kahit hindi siya nito mahal? Justin Matienzo was a gorgeous yuppie na ini- ilusyon ng mga naggagandahang babae dahil guwapo ito, matangkad, mayaman, responsable, mabait at matalino. Mahal niya siJustin at handa siyang ibigay ang sarili… kailangan na lang niya itong paibigin.

 

A Love To Last Forever
Mar 16 2014 - 21:43

"I could easily provide you with a Ferrari or kahit anong luho mo. Think about it, Kimberly," ani Louie. Sarkastiko siyang tumawa, pinamaywangan na ito. "Nakakatawa ka. Wala bang nasabi sa iyo na hindi lahat ng bagay sa mundo ay nabibili ng pera? Pare-pareho lang kayong mga lalaki, Louie Lorenzo." Umiling siya. "Kahit ikaw pa ang nag-iisang lalaking matitira sa mundo, hindi ako papatol sa iyo."

Nagtatagis ang mga bagang na tinalikuran siya nito. Oh, kung alam lamang ng lalaking ito ang totoo. Iniyakan niya ang kabiguan ng pag-ibig na hindi sinasadyang nadama, hindi man naging maganda ang simula nila ng lalaking umangkin sa kanyang katawan at puso...

Kimberly
Mar 11 2014 - 21:52

 

“C’mon, Nadine, search your memory. Ang sabi mo ay may ex-boyfriend kang ‘Kano na kaklase mo sa Boston. Siguro’y sweet kayo; siguro’y niyayakap ka niya, hinahalikan...,” ani Froilan.  Nanatiling di kumikilos si Nadine. Kailangang maging genuine ang pagpapanggap niyang in a state of shock pa rin siya.

“Paano ba siya humalik? Passionate ba? Tender?  Like this ba?” anito bago yumuko at bihagin ang kanyang mga labi.

Kung talagang nasa state of shock siya, siguro nga ay magigising ang malay niya sa ginagawa ng binata!  Pero ibinabalik nito ang memories na gusto na niyang kalimutan!

 

Surrender In Paradise
Mar 5 2014 - 21:40

 

“I don’t kiss on the first date,” usal ni Valerie.

“Oh, but I do,” pilyong sagot naman ni Glenn kasabay ng paggawad nito ng halik sa kanyang mga labi. The moment she saw Glenn, the handsome and brilliant young lawyer, she knew that he was the man for her. Hindi naman niya masisisi ang sarili, the man was drop-dead gorgeous and extremely brilliant. Alam niyang attracted ito sa kanya physically. At gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito tulad ng pagmamahal na nararamdaman na niya para rito. She would give everything para masiguro ang kaligayahan nito….

 

Trust Me
Mar 2 2014 - 22:22

 

“Let me get this straight: tumakas ka sa wedding natin sa simbahan pero gusto mo ngayong sumama sa honeymoon natin?” nalilitong tanong ni Christian. Inirapan ito ni Katrina. “Correction. Hindi ako sasama sa honeymoon mo. Kailangan ko lang ng ticket para makarating sa Boracay.”

“In your wedding dress?” Natatawa pa ito.

“At least, hindi ako nakahubad,” sagot niya.

“That I would love to see,” anito. Namula ang mga pisngi siya. At ang nakakainis

pa, parang nagdiriwang ang bawat himaymay ng kanyang katawan sa nakitang paghanga sa mga mata nito… at ang matinding pagnanasang binuhay niyon sa dibdib niya. Iisa lang ang ibig sabihin niyon—kung kailan huli na ang lahat, umiibig siya kay Christian….

 

Hintayin Mong Ibigin Kita
Feb 27 2014 - 19:53

 

Mula sa magkaibang katayuan sa buhay sina Dr. Raul Ramirez at Melisa Ocampo. But it’s like they were designed for each other by fate. Hanggang kailan nga ba susubukan ang tibay ng lihim na pagtingin para sa isa’t isa ng dalawa kung kabuntot niyon ang mga hadlang? Sadya nga lang bang mapaglaro ang tadhana at kailangan lang nilang maki-ride on dahil nasa isa’t isa pa rin ang matamis na pangako ng bukas?

 

The One For Me