Skip to main content

Maalaala Mo Kaya: CD

CD

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

Dear Charo, Itago mo na lamang ako sa pangalang Timmy. Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo. Kung tutuusin, dapat ay isa na akong propesyonal, ngunit hindi iyon nangyari. Huminto ako ng nasa ikalawang taon ako ng aking kurso. Hindi iyon dahilan sa problemang pampinansiyal o ano pa man. Sinadya ko lang talagang desisyunan na tumigil muna sa aking pag-aaral upang bigyang-daan ang sa inaakala ko noon ay higit na mas mahalaga sa lahat, ang aking pangarap. Charo, maram ang nagsasabi na may anging talino ako sa pagsayaw – na siyempre ay pinaniwalaan ko.

Maalaala Mo Kaya: Gitara

Gitara

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

ABS-CBN Publishing

ISBN: 

971-93035-3-0

Sa tuwing makakakita si Doris ng gitara. Lalong lumilinaw sa kanyang isipan ang alaala ni Edgar. Si Edgar na hindi lang musika ang kahulugan sa kanyang buhay; higit sa lahat pag-ibig. Kayrami sana nilang pangarap na hindi nagkaroon ng hugis sapagkat pinaglayo sila ng kahirapan. Hanggang pagkaraan ng maring taon ay muli silang nagtagpo upang muli lang palang maranasan ang sakit ng isa pang paghihiwalay. Ganoon ba talaga kalupit sa kanila ang kapalaran?

Maalaala Mo Kaya: Tirador

Tirador

Read This Book Online

Print Publisher

ABS-CBN

ISBN: 

971-93035-6-5

Kalbaryo sa damdamin ang maging isang babae. Iyon ang paniwala ni Jona kaya pinanindigan niya ang pagkikilos-lalaki.

Niligawan siya ni Gary, ang SK Chairman na nanatiling bigo na mapagbago siya. Ewan kung dahil sa pagkadismaya, bumaling it okay Milette na nililigawan ni Jon.

Naging magnobyo sina Gary at Milette. Palaging magkasama. Sweet na sweet sa isa’t isa. Si Jona, matinding selos ang nararamdaman niya – hindi para kay Gary, kung hindi para kay… Milette.