Skip to main content

Cinderella: Justina The Fairy

Cinderella: Justina The Fairy

Read This Book Online

Publish Date: 

2003

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-02-0843-8

“Is that a magic wand, Lola?” Nanlalaki ang mga matang inagaw niya rito ang stick. Idinuro niya iyon sa kanyang palad. “Gusto ko ng pera!” Subalit walang perang lumitaw sa palad niya. “It’s a fake,” napangiwing baling niya sa kanyang lola. “Bakit n’yo pa ito itinatago? Wala naman palang silbi.” “Isang ordinaryong souvenir para sa iba ngunit para kay Justi ay napakahalaga nito.

Cupid Cafe

Cupid Cafe

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-02-1484-5

“Nang makilala kita, lahat ng bagay ay matamis na para sa akin. Wala akong malasahan na pait.”

Dahlia, The Darling

Dahlia, The Darling

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Precious Pages Corp

ISBN: 

971-02-0472-6

Likas kasi siyang masayahin na namana niya sa kanyang ina. Kayang-kaya niyang i-handle ang mga problema. Kaya nga naging effective matchmaker at referee siya sa mga magkasintahang may hindi napagkakasunduan. Palagi siyang nagiging tulay ng nagkakagus¬tuhan niyang mga kaklase noong college siya. Mahilig din siyang mag-set noon ng blind dates. Noong nakaraang taon lamang ay may nagpakasal nang dahil sa kanya.

Exchange Of Hearts

Exchange Of Hearts

Read This Book Online

Print Publisher

Precious Pages Corp.

"Wala akong gustong makita kundi ang mga ngiti mo at wala akong gustong maramdaman kundi ang mga halik mo."

For The Rest Of My Life

For The Rest Of My Life

Read This Book Online

Print Publisher

Precious Pages Corp.

"I want you to be mine for the rest of my life..."

Happy Anniversary

Happy Anniversary

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-02-0531-5

Napalunok siya. Makakalimutan nga ba naman nila iyon? Ang bagay na itinuring nilang ‚hateful experience‛ sa buong buhay nila? Ang makasal nang walang pagmamahal sa isa’t isa. Noon lamang niya na-realize kung gaano kalaking pagkakamali ang ginawa niyang pagpayag sa napagkasunduang iyon ng mga magulang nila. Gipit na kasi ang pamilya niya noon. Craig’s family was their only hope. Binayaran ng mga magulang nito ang malaking pagkakautang nila sa iba’t ibang tao at isinalba pa ng mga ito sa tuluyang pagbagsak ang kanilang mga negosyo.

I Can't Help Falling In Love With You

I Can't Help Falling In Love With You

Read This Book Online

Print Publisher

Precious Pages Corp.

"I'm looking for a wife... puwede bang ikaw na lang...?

I Wish You'll Be Mine

I Wish You'll Be Mine

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-609-612-7

Larawan siya ng isang kaibig-ibig na babae. May taglay siyang kagandahang hindi pangkaraniwan at katawang pang-modelo. Department head siya ng Human Resources Management Divi¬sion ng Bureau of Customs, and still single at the age of twenty-eight. She was twenty-two when she moved out from her parents’ house in BF Homes, Parañaque, at tumira sa isang condo unit, along Roxas Boulevard. Limang taon na rin siyang solong namumu¬hay. Ito ang ginusto niyang buhay, ang matutong tumayo sa saril¬ing mga paa.

It's You

It's You

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-609-764-6

THE FUNERAL ceremony of Atty. Carlos Abrigo was over. Dinala na ito sa huling hantungan kasama ang kasintahan nito na si Pamela Galvante. Magkasamang namatay ang mga ito nang bigla na lamang sumabog ang kotseng sinasakyan ng mga ito. Atty. Abrigo and Pamela Galvante died at the age of fifty-seven and forty-eight, respectively. Wala nang iluluha si Elaine Abrigo. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang ilibing ang kanyang papa.

Love Is Something Beautiful

Love Is Something Beautiful

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Precious Pages Corp.

ISBN: 

971-609-723-9

MAINGAY sa Domestic Airport. Mayo, bakasyon at matindi na naman ang init sa siyudad kaya maraming nais magtungo sa ibang lugar. Kabilang doon si Catherine Severino. Subalit ang kanyang balak na pag-alis ay hindi upang magbakasyon lamang. Hindi pa niya tiyak kung hanggang kailan siya magtatagal sa kanyang paroroonan. Maaaring siyam na buwan, isang taon o mas matagal pa. Ang mahalaga ay makalayo siya sa Maynila at magkaroon ng solusyon ang kasalukuyang problema...