Skip to main content

LATEST UPLOADS

May 29 2012 - 06:12

"Rommel Cabrera ang buong pangalan niya,” sabi ng ate niya. “He’s a businessman. He’s twenty-nine years old.” “Ano’ng negosyo niya?” tanong niya rito. “Software yata... I don’t know. Basta nasa computer ang field niya.” “Ba’t `di ka sure?” “We rarely talk about his business.” “Sa chat mo siya nakilala?” Tumango ito.

Halik Sa Mga Ulap
May 27 2012 - 09:25

Nagulumihanan si Hannah. Nakahanda na siya para sa pagbaba ng desisyon sa araw na iyon. Hindi nga ba at kahit ang abogado niya ay kampante na magbibigay na ng hatol ang hukom sa pagdinig na iyon? Isa lang ang naisip niyang dahilan: malamang na may isinampa na namang kung anong pampagulo sa kaso ang katunggali niyang si Apollo Mondello, better known as “Polo.”

Temporarily Yours
May 25 2012 - 06:01

Mula sa California, U.S.A., si Lynn, isang dalagang Fil-American, ay nagbalik-bayan para sa isang dalawang linggong bakasyon dito – at upang makipagkita sa kanyang boyfriend na si Jun Lebran. Engaged to be married na si Lynn kay Jun. Buong paniwala ng dalaga ay wala nang balakid para maging maligaya ang kanyang buhay bilang si Mrs. Jun Lebran. Kaya lamang ay nagbiro ang tadhana: Humalang sa kanyang landas ang isang lalaking tingin niya’y may hawig sa Hollywood actor na si Tom Cruise – si Santi na isang jeepney driver!

Ipagsisigawan Ko, I Love You!
May 23 2012 - 07:40

“God gave you to me, Seth. You’re my savior in thick eyeglasses and a shield of petroleum jelly...” “When I met you, I never thought I’d fall in love with you. But I did. And I’m so glad I waited and I didn’t rush into things because if I did, I would never have met you. I vow to always protect you, Dedee, my love, my everything.

My Lovely Bride: Dedee & Seth
May 20 2012 - 11:06

Umiyak nang umiyak nang mga sandaling iyon si Dida. Umiyak siya dahil sa wakas ay makakaalis na siya sa poder ng Tiyo Alberto niya at hindi na siya maaapi ng mga ito. Umiyak siya dahil magbabagong-buhay siyang hindi na kasama si Dayanara. Umiyak siya dahil kahit paano ay natatakot din siya sa susuungin sa Maynila. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari...

 

Candida, The Sweet Invader
May 17 2012 - 05:30

“Consider it as a gift, a late Christmas gift or whatever...” He stared at her face na bahagyang tinitingala ang mukha nito. “Keep it, Mel... A remembrance...” “And if I don’t want to—” Hindi niya natapos ang sasabihin. “Itapon mo. But never return it to me.” He smiled uncertainly. “I hope you’ll keep it.” “Hanggang kailan?” “Hanggang gusto mo.” Huminto ito sa paglakad at humarap sa kanya. Sila lang dalawaang nasa corridor nang mga sandaling iyon. “Bye, Mel. I wish you all the luck...” Pagkasabi niyon ay lumakad na itong palayo. And while staring at his retreating figure ay nakadama siya ng panlulumo. She would surely miss him. Napatingin siya sa singsing na nasa palad. Nang isukat niya iyon ay walang pinagkasyahang daliri. All right! Napabuntong-hininga siya. She would keep it. Hanggang kailan? She wanted to shout right at that moment... Forever...!

Forever and Always
May 15 2012 - 10:40

Probinsiyanang masahista si Adriana. Mukhang walang alam sa mundo. Pero mayroon siyang abilidad, dahilan para tanggapin niya ang mungkahi ng isa niyang customer. Kakaibang trabaho ngunit masisigurado ang kinabukasan niya kung magagawa niya. Kailangang akitin niya si Tristan, dapat gawing lalaki ito dahil may puso itong babae. Ngunit paano niya aakitin ito gayong napakailap nito? Ni hindi niya ito mahawakan! Isa pa, nakokonsiyensiya na siya dahil napakabait naman nito sa kanya. He changed her life and she was more than grateful. Subalit kailangan niyang maisagawa ang misyon, dahil nahuhulog na ang loob niya rito. Dapat na talaga niyang gawing tunay na lalaki ito para hindi naman siya kilabutan kapag iniilusyon niya ito… Pero paano na ngayong natuklasan niyang lalaking-lalaki pala si Tristan?

Huwag Kang Mangako
May 14 2012 - 12:16

Masidhi ang ambisyon ni Teresa. Mula pagkabata, pinangarap na niyang maging isang artista sa pelikula. At dumating sa kanya ang isang malaking pagkakataon nang ma-discover siya ng isang direktor. Ngunit mahigpit iyong tinutulan ng nobyo niyang si Emil. Ayaw siyang payagan ng lalaki na mag-artista. Nang isang gabi’y pasukin si Teresa ng isang lalaki sa kanyang silid at pagsamantalahan, isang tao lang ang pinaghihinalaan niya. Si Emil. Hinalay siya ng lalaki upang tuluyang mahadlangan nito ang pangarap niyang pumasok sa mundo ng pelikula!

Nang Dahil Sa Pag-ibig
May 11 2012 - 04:17

“I’m sure you’ll be happy. I mean, pakakasalan mo ang lalaking pinakamamahal mo at dapat lang na maging masaya ka.” Kung ako ang ikakasal kay Xander, malamang ay hindi na ako makatulog sa sobrang excitement, piping wika ni Kaira sa sarili. But I will never have that chance. Napalunok siya dahil parang maiiyak na naman siya.

E-mail To Love
May 9 2012 - 05:49

Napalabi siya bigla pagkaalala niya sa madrasta at stepsister niya. Nasa Baguio City ang mga ito nang lumindol nang malakas noong nineteen-ninety. Kung bakit buung-buo at wala man lang ni kaunting pingas ang mga ito nang umuwi ay hind niya alam. Ang paliwanag ng best friend niyang si Inggay, talaga raw matagal mamatay ang mga masasamang damo. Pero pakiramdam niya, hindi lang basta masamang damo sina Tiya Solita at Julienne. They were redwood trees that would live forever.

Iris: The Rainbow Goddess