Skip to main content

LATEST UPLOADS

May 22 2015 - 16:00

Sa pag-uwi ni Precy from the States, napilitan siyang tumira sa bahay ng kanyang ama... kasama si Neil. Anak ito ng babaeng ipinagpalit ng ama sa ina niya. That fact alone made him her enemy and through the years, she never gave herself a chance to get to know him.

Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti niyang natutuklasan ang kalinisan ng pagkatao at katapatan ng loob nito. But she was alarmed when she suddenly noticed just how attractive he was to women. And it scared her to discover that she wasn’t immune to his charms....

Makapiling Ka Lamang
May 20 2015 - 13:14

Claudine had adored Mandy since she was a little girl. And she could hardly believe it when at long last, napuna rin siya ng binata at pinag-ukulan ng pansin. Pero like all fairy tales, may kontrabida sa buhay nila - si Jack, ang nakatatandang kapatid nito. Ginawa ni Jack ang lahat para hindi tuluyang mahumaling ang kapatid sa kanya lalo na nga't engaged na si Mandy sa anak ng kasosyo nila sa negosyo.

Dapat sana ay kasuklaman niya si Jack. Ito ang dumurog sa kanyang mga pangarap. The odd thing is, she seemed to be falling in love with her enemy...

Mahal Kita... Noon, Ngayon At Kailan Pa Man
May 18 2015 - 13:42

Matiyagang hinintay ni Isabel na magtapat ng walang kamatayang pag-ibig ang kababatang si Macky pero namumuti na ang mga mata niya ay wala pa ring nangyayari. Left with no other choice, she turned to Yaya Tale for help. Expert daw ito sa gayuma!

Pero apat nang matitinding gayuma ang sinubukan nila kay Macky ay nanatili pa ring tikom ang bibig nito. Napapahiya na si Yaya Tale kaya madali itong naghanap ng paraan para pikutin na lamang nila ang binata. But in the end, si Isabel din ang umatras sa kasalan. Hindi niya maatim na hindi pa rin siya mahal ni Macky at lasing lang ito kaya siya nagawang yakapin at halikan...

Macario, Ligawan Mo Ako
May 16 2015 - 19:51

Alyssa was utterly lost after a tragic accident literally turned her world into darkness. It was Gabriel, in his glorious white doctor's uniform, who gallantly came to her rescue. At kahit ni minsan ay hindi niya ito nakita, in her heart she knew she loved him. Hanggang sa magbalik ang kanyang paningin at masilayan ang guwapong mukha nito. Naririto nang lahat ng pinangarap niya except... bakit parang bigla itong nagbago? Hindi niya alam ang dahilan. Parang mabibiyak ang kanyang puso when she learned the bitter truth. Obviously, napaglaruan lang siya, or worse, kinaawaan lang siya ni Gabriel...

Look Into My Heart
May 14 2015 - 20:09

It would have been better for Kaye kung natapos na rin ang buhay niya nang masawi ang lalaking kanyang pakakasalan sa mismong araw ng kasal nila, sa mismong harap ng altar. She thought she could never get herself to love again until Matthew came along. Ginising nito ang kanyang puso mula sa malalim na pagkakahimbing. Akala niya ay iyon na ang simula ng isang magandang kinabukasan hanggang sa matuklasan niyang hindi naman pala siya nag-iisa sa buhay ng lalaki...

Pakawalan Mo Ang Puso Ko
May 12 2015 - 19:02

Cherie married Alex on the condition that maaari pa rin niyang ipagpatuloy ang relasyon sa kanyang boyfriend, in the same way na puwede pa rin itong makipagkita sa girlfriend nito. After all, pinilit lang naman siya ng mga magulang na magpakasal dito. Nag back-fire sa kanya ang tigas niyang ipinaglaban na kasunduan nang mapagtantong mahal na niya ang lalaki. He has everything a woman could ever want in a man. Now that all his attention is riveted to Pamela, mayroon ba siyang dapat sisihin kundi ang sarili?

Mula Nang Ibigin Kita
May 11 2015 - 10:03

Si Marielle pa ang may ganang magtaray nang bigla siyang pumasok sa kotse ni Gil... na hindi niya kilala at utusan itong ilayo siya sa lugar na iyon. May tinatakasan siyang lalaki at kay Gil siya humingi ng tulong or rather ito ang inutusan niyang magligtas sa kanya sa panganib. And not knowing what to do, dinala siya ng binata sa bahay nito. Pinilit ni Marielle na makuha ang loob nito dahil talagang wala naman siyang ibang matutuluyan. She was already in love with him nang biglang bumalik ang girlfiend nito from the States to claim what was rightfully hers...

Never Say Goodbye
May 9 2015 - 19:40

It was impossible for Antonio to forget Gloria. For one thing, napakaganda ng dalaga. For another, una niya itong nakitang lumalabas sa casa ni Madame Rica and he wasn't stupid not to know what that implied. It was sheer agony for Antonio to learn that being smart is not always a good thing. Dahil mula nang makita niya si Gloria, isinisigaw na ng kanyang isip na layuan ito... but he just couldn't stay away.

Masakit Man Ang Ibigin Ka
May 7 2015 - 19:24

Sinugod ni Berna si Alan, ang lalaking nakabuntis sa kanyang nakababatang kapatid. Pero si Anthony ang humarap sa kanya kaya rito napabuhos ang lahat ng ngitngit niya. Walang tigil ang bibig niya hanggang sa mapuno ang lalaki at walang sabi-sabi siyang kinabig at siniil ng mariing halik sa labi... if only to put a stop to her stream of angry words.

At that very moment, Berna knew, her sister wasn't the only one in danger of losing her heart...

If I Give My Heart To You
May 5 2015 - 20:41

"Apektado ka naman pala kasi. Kung bakit pasupla-suplado-effect ka pa!"

If I Let You Go