Skip to main content

LATEST UPLOADS

Apr 7 2015 - 21:01

Si Ernie ang Mr. Right para kay Rachel. The guy is cool under every possible circumstance. Sagana sa materyal na bagay. May kakayahan at karapatang gumasta pero hindi naging waldas. Simple lang kung pumorma at mahal niya. Pumasok sa eksena ang guwapong si Damon Crowe, isang Fil-Am na hawig kay Hugh Grant. Isang performing artist daw na masyadong over-confident. Type raw niya si Rachel. Inis na inis ang dalaga sa Tisoy at lahat ng negative adjectives ay ibinato niya rito. Alam n’yo na kung sino ang Mr. Right para kay Rachel pero kikilitiin kayo at masisiyahan sa takbo ng mga pangyayari.

Mr. Right
Apr 4 2015 - 20:26

Childhood friends sina Ria, Angela, Jojo at Chris. Sila ang laging magkakalaro at magkakasama. Nagkalayo lang sila nang mag-migrate ang pamilya nina Chris sa Amerika at doon nagpundar ng business. Pagkaraan ng ilang taon ay nagbalik si Chris sa Pilipinas to stay for good. Ngayon ay malinaw na rin kay Chris na ang dating closeness niya kay Ria ay hindi lamang basta pakikipagkaibigan kundi dahil mahal niya ito. Ang problema, sa biglang pagyaman ng mga magulang ni Ria ay naiba na rin ang priorities ng mga ito. Ibig ng parents ng dalaga na ang mapangasawa ng anak ay isang super-mayamang lalaki para matiyak ang paglago ng kanilang kabuhayan. Paano ipaglalaban ni Chris ang labis na pag-ibig kay Ria lalo at natuklasan niyang pareho silang nagmamahal sa isa’t isa?

A Celebration Of Love
Mar 31 2015 - 18:57

Tatlo ang sabay na karelasyon ni Saiche Awasaha. Kahit na tinatawag siyang playgirl ng kanyang mga kakilala, hindi siya apektado. Hindi naman niya inililihim sa mga sinasagot na nobyo na may iba pa siyang karelasyon. Sa kabila niyon, hindi naman siya pakawalang babae. Alam niya ang kanyang limitasyon. Willing pa naman siyang tumanggap ng pang-apat na nobyo. Titigil lamang siya hanggang sa matagpuan na niya ang tamang lalaki para sa kanya. Nakilala niya si Dolph Benipayo, pero over qualified ito! Saka ang tipo nito ang hindi papatol sa kagaya niya, na liban sa playgirl, isa pang masamang nilalang. Kung tutuusin nga, unang pagtatapat pa lamang ng kanilang landas, may tensiyon na kaagad sa kanilang pagitan ng lalaki. Palaban si Saiche. Hindi naman patatalo si Dolph. Hindi sila magkasundo. Isang araw, niyaya siyang mag-dinner ng lalaki at sinorpresa ng marriage proposal! Nawindang siya! Na-excite! Ni hindi naman niya nobyo ang binata!

Her Wandering Heart
Mar 28 2015 - 19:03

Nagkaroon ng mutual relationship sina Marvel at Roldan mula high school until second year college. Then suddenly ay bigla na lang nawala si Roldan. Nasaktan si Marvel. Muling nagmahal si Marvel after three years. The guy is Ode. In her heart, alam niyang si Ode ang gusto niyang makasama until she grows old. Naging mag-on sila. Pero natuklasan niya ang masakit na katotohanan. May asawa’t mga anak na pala si Ode. Dalawang kabiguan ang naranasan kaya ayaw na niyang magmahal maliban na lamang kung makatagpo siya ng lalaking gagawin ang lahat, sa ngalan ng pag-ibig, para mapaligaya siya. Pero may ganito pa bang lalaki? Hindi sigurado si Marvel. Handa na siyang maging old maid.

In The Name Of Love
Mar 26 2015 - 19:28

Parehong galing sa bigong relasyon sina Maurea Manzilla at Lucio Mantarin. Parehong tanggap ang katotohanang sila ang nagkulang sa kani-kanilang mga nakarelasyon. At kapwa nangakong oras na sila’y magkaroon uli ng relasyon, sisiguraduhin na nilang hindi na sila magkukulang pa. Magiging totoo kaya sina Maurea at Lucio sa kani-kanilang mga pangako? Magiging totoo rin kaya sila sa kani-kanilang mga nararamdaman? Kapwa sila naging biktima ng maling pagmamahal! Nakatali silang pareho sa obligasyon nila sa trabaho!

The Finality
Mar 24 2015 - 19:10

His effort paid off. Kaya lang, masamang balita ang sumalubong kay Chor de Vastra. Wala na siyang anak! Ang kumumpirma niyon sa kanya ay ang ob-gyne na si Dra. Hemly Marcos. Isang dagok iyon sa kanya at sarili niya ang sinisisi. Si Hemly ay nobya ng kanyang kaibigan. Mali ang ituon niya ang pansin sa dalaga! Subalit nangyari ang hindi dapat! Muli na naman ba siyang tatakas sa isang responsibilidad na halos sumira sa buhay ng dati niyang nobya? Paano haharapin ni Chor ang kanyang kaibigan?

The Search
Mar 22 2015 - 19:49

Kesha Mantarin, biktima ng maling pag-ibig na nagdulot sa kanya ng maraming problema. Dumating pa sa puntong itinuro niyang ibang lalaki ang ama ng kanyang ipinagbubuntis at nagsama pa sila sa iisang bubong. Problemang nagtulak sa kanya para lumayo. Si Duke Dumalag na ba ang kanyang tagapagligtas? Buong puso niyang tinanggap ang mga tulong na ibinigay sa kanya. Hindi niya tinanggihan ang mga iyon dahil literal siyang nangangailangan ng tulong. Subalit sapat na bang dahilan iyon para isipin niyang may pagtingin sa kanya ang binata? Pero kumbinsido siyang hindi ang kagaya niyang disgrasyada ang tipo ng lalaki!

The Redemption
Mar 20 2015 - 18:36

Malaking eskandalo ang naranasan ni Lizandra Cristo kaya nagdesisyon siyang magsimulang muli sa malayong lugar. Pero sinusundan siya ng mga mapanghamong pagkakataon. Sinusubukan ang kanyang tatag. Nakilala niya si Denon Martin, isang lalaking tumambay sa dalampasigan. Ang akala niya, binata ito. Pero isang araw, may sumulpot na babae sa kanyang bahay at nagpakilalang asawa ng lalaki. Nagkandabuhol-buhol pa ang mga sitwasyon sa pagitan nila. Hindi malaman ni Lizandra ang gagawin. Subalit nasa tabi niya sa tuwina si Denom. Hindi siya pinababayaan. Pero ang katotohanang may asawa ito ay labis niyang ikinalungkot. Ni hindi niya alam kung ano ang kanyang inaasahan dito!

The Odds
Mar 18 2015 - 19:42

"That's the way it is. Beginnings are usually scary, the endings often sad... but what matters the most is the moments in between."

Bossy Love
Mar 16 2015 - 18:27

"No matter what you do, no matter how much you hurt me, I will always love you. Ewan ko nga ba, I guess I was cursed to love only you."

You're The Only One