Unang kita pa lamang ni Japette Londrino sa babae, nakuha na nito ang kanyang atensiyon. She was wearing a red dress that reveals her being. Simula sa gabing iyon, ‘di na nawala sa isipan niya ang babae. Sa tulong ng pinsan, nalaman niya ang pangalan nito. Ariella Cerrudo. Ulila sa mga magulang at nakatira sa tiyuhin nito na ang trato ay walang pinagkaiba sa kasambahay. At ang dagdag na problema pa, tila hindi ito hahayaan ng pinsan na lumigaya. Hindi pa man tuluyang pumuporma si Japette sa babae, pumagitna na ang kanyang nobya. Kapwa nilang nilagyan ni Ariella ng distansiya ang isa’t isa. Hahayaan na lamang ba nilang diktahan ng panahon ng ibang tao ang isinisigaw ng kanilang mga puso?