Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jun 19 2012 - 11:20

Si Mirian, isang smart, persuasive, commanding, at batambatang business-woman... Well, mukhang iniwan siya ng kanyang magandang disposisyon nang makilala si Dr. Francis Lepanto. Silipin po natin ang kanilang love story. :)

My Lovely Bride: Mirian & Francis
Jun 17 2012 - 11:27

Second year college na si Cheska at si Troy naman ay graduating na sa kurso nitong Accountancy. Ganoon din ang kinuhang kurso ni Cheska. Hindi dahil sa iyon ang kurso ni Troy, kung hindi dahil sa iyon ang pinakamagandang kurso sa kanilang state college. Hindi pa university ang kanilang eskuwelahan kaya hindi pa marami ang kursong pagpipilian. Hindi naman niya gustong mag-Engineering dahil para sa kanya ay panlalaki ang kursong iyon. At lalong hindi niya gustong mag-Nursing. Takot siya sa dugo.

Ang Kapitbahay Kong... Bulag!
Jun 14 2012 - 19:01

Ang akala ni Penny ay nakita na niya ang lahat ng pinakaguwapong lalaki sa Pilipinas dahil madalas na may makasalamuha siyang artista sa kanyang propesyon. Isa siyang photographer. Madalas kunin ang serbisyo niya sa mga pictorials ng mga artista. Ordinaryo na sa kanya ang makakita ng guwapo. But this man, however, was incomparable. He was a genuine movie-star handsome. Ito dapat ang nasa TV at hindi iyong mga trying hard “wanna-be” actors.

My Sweet Little Penny
Jun 12 2012 - 12:31

    You don’t force love to come into your life, for love comes freely and chooses no one.  One day, you might just wake up falling for the person you least expected.  
    Patutunayan ho ito ng istorya nina Martyn at Lance.  

 

If I'll Fall In Love
Jun 10 2012 - 11:49

Napatutok ang tingin ni Lei sa guwapong lalaking iniluwa ng pintong bubog nang buksan iyon ng security guard. Ilang sandaling napagmasdan niya ito. Lihim na nahigit niya ang kanyang hininga nang mapatingin siya rito. The man was too formal in his executive suit. Ang pormal na tinging inililibot nito sa loob ng coffee shop ay nagbabadya ng awtoridad. Sandaling natigilan ito nang mapatingin ito sa kanyang dako. Naramdaman na lamang niyang namumula ang kanyang mukha. Huling-huli siya nitong matamang pinagmamasdan niya ito. Matagal bago nito binawi ang tingin sa kanya. Humakbang ito palapit sa isang bakanteng mesa sa isang sulok, bitbit ang attaché case nito. 

“Lei, customer,” sabi sa kanya ni Zeny nang natitigilan pa rin siya.

 
Lei's Sweet Love
Jun 7 2012 - 09:53

Sinundan ni Vaysa ang hinayon ng mga mata ni Aina. Napako ang mga mata niya sa tinutukoy nitong Hitler. Pero kahit na paano niya pagmasdan ang lalaki, hindi niya makita si Hitler dito. Kahit sa malayo, alam niyang masyado itong guwapo para maging kamukha ng diktador.
 

Vaysa, The Lovable Counsellor
Jun 4 2012 - 07:56

Isang aksidente ang naglapit kina Darlene at Bren. At ang aksidenteng iyon ang naglapit naman sa kanilang mga puso. Sa sarili ni Darlene, iyo’y tinanggap niya na pag-ibig sa unang pagkikita. Ngunit may problema pala. Sapagkat si Darlene ay may boyfriend at si Bren ay may asawa. Paano nila susuungin ang isang bawal na relasyon?

 
Forbidden
Jun 3 2012 - 10:51

“Ma’am, with all due respect, I was told that you’re keeping Lupe inside this room. And I would like to see her.” “Oh, you’re very much mistaken, Stephen. Wala na si Lupe sa bahay na ito. Hindi ba nabanggit sa iyo ni Krissy? Naglayas na lang sukat ang batang iyon at sumama sa nobyo niya.”

 
Lupe: The Conqueror of the Rogue
May 31 2012 - 09:39

“Tara, manilip tayo,” yaya ni Nikki sa kanila. Sa kanilang tatlo, ito talaga ang malakas ang loob.
    Nag-atubili si Sol. “Kapag nahuli tayo, hindi na ako makakapasok sa susunod na pasukan. Mamamatay muna ako!”
    Napahagikgik siya. “Kapag nahuli tayo, okay lang sa akin. Hindi ko na sila makikita pagkatapos ng bakasyon ko!”

 

Kapag Puso Ang Nangusap
May 29 2012 - 06:12

"Rommel Cabrera ang buong pangalan niya,” sabi ng ate niya. “He’s a businessman. He’s twenty-nine years old.” “Ano’ng negosyo niya?” tanong niya rito. “Software yata... I don’t know. Basta nasa computer ang field niya.” “Ba’t `di ka sure?” “We rarely talk about his business.” “Sa chat mo siya nakilala?” Tumango ito.

Halik Sa Mga Ulap