Skip to main content

LATEST UPLOADS

Dec 22 2011 - 14:50

Makipagtitigan ka kina Lander at Beng upang malaman mo kung totoo ang sinasabi ng kanilang mga labi. Ano ang idudulot ng mga labing iyon kay Morita, asawa ni Lander, at kay Nicky, kasintahan ni Beng?

Kisses Of Lies
Dec 19 2011 - 11:42

Secret love ni Nolisa si Alvin. Very close sila sa isa’t isa. Nang inaakala ni Nolisa na liligawan na siya ng lalaki ay bigla namang pumasok sa eksena si Connie na best friend ni Nolisa. Sina Alvin at Connie ang nagpakasal. Naiwang broken-hearted si Nolisa. Pero nakialam ang tadhana at di nagtagal ang pagsasama ng mag-asawa. Nabuhay ang pag-asa ni Nolisa sa pag-ibig ng lalaking lihim na iniibig. Ngunit... matupad kaya ang pangarap niya?

Narito Ako, Nagmamahal Pa Rin Sa Iyo
Dec 18 2011 - 23:43

Nagbalik kay Piel si Gabriel. Nagbalik matapos siyang bigyan ng sanlibo’t isang pasakit at mga kabiguan. Mga dahilan upang lumusong siya sa putik ng pagkakasala. Ngayon pa ba niya tatanggapin si Gabriel? Ngayong may isang James na nagbibigay-liwanag sa madilim niyang landas? At nalantad ang isang lihim. Si James ay ang uri ng lalaking nilililok ni Piel sa kanyang isipan. Isa itong nakabalatkayong hiwaga na tumatakas din sa isang kahapon na aninong sumususunod dito ngayon! Sino ang higit na kailangan ni Piel sa kanyang buhay?

Kung Sa Buhay Ko'y Wala Ka
Dec 14 2011 - 21:03

 Sa pag-ibig ay isinilang ang lahat ng pantay-pantay. Lahat ay may karapatang magmahal at mahalin maliban kung ang mamahalin ay hindi na malaya. Ito’y kasalanan sa langit at sa batas ng tao. Ganyan ang nangyari kay Madel. Umibig siya nang mataos kay Ed na kasal na kay Lizbeth. Hindi siya papayag na mawala sa kanya ang lalaki kahit ano ang mangyari. Tunghayan ang pakikipaglaban ni Madel para sa kanyang pag-ibig.

Kerida
Dec 13 2011 - 11:23

PARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accessories sa katawan, but her simplicity made her much, much prettier. For her, she was the most beautiful bride in the whole wide world. And the youngest. She was only fifteen.

My Lovely Bride - Belle & Gene
Dec 12 2011 - 19:22

 Unang nangibig si Tim kay Arcel. Parang kapatid lamang ang turing ni Arcel kay Tim at binasted niya ang binata. Saka naman nanligaw kay Arcel si Edgar, kaibigan ni Tim. Nagparaya na si Tim. At si Edgar ang naibig ni Arcel. Kinailangang mapalayo si Edgar. Upang makasiguro kay Arcel, ipinagkatiwala niya ito kay Tim, kumbaga’y pinabantayan. Saka nakita ni Arel ang katangian ni Tim na naglapit sa binata sa kanyang puso. Ngunit huli na, si Arcel ay nobyo na ni Edgar. Sa isang katuwaan, nagkasama sina Arcel at Tim sa pagliliwaliw sa Boracay. At may nangyari...

 

 

Honeymoon Sa Boracay
Dec 11 2011 - 20:51

 MATAGAL nang nakapako sa puting kisame ang mga mata ni Liz. Maraming bagay ang gumugulo sa kanyang utak. Bakit kaya gayon na lamang ang inis ni Ricardo kay John? Hindi kaya nagseselos ito? Umasa pa raw ang beauty niya! Ano ang ikaseselos nito gayong buong araw nitong kasama si Carla?

 

Talk To My Heart
Dec 8 2011 - 10:18

 Magkaiba ang lambing ng umagang alay ni Jun Alvaro kay Libay. Ngunit bakit waring higit na nawili ang dalaga sa lambing ng umaga ni Abel, ang asawa ng kanyang kapatid na si Dorcas?

 

Naglalambing Ang Umaga
Dec 7 2011 - 07:40

“DUMATING na siguro tayo sa hangganan, Mike. hanggang dito na lamang siguro tayo. I’m calling it quits!” “Fine with me,” walang gatol na tugon ni Mike. “Nag-aaksaya lang ako ng oras sa iyo. Hindi ko nga malaman kung bakit nagtitiyaga ako sa iyo, e, ang dami-dami namang nagpapakamatay sa akin. Pero hindi bale,” ngumiti ito ng pasarkastiko, “siguro nama’y na-enjoy mo rin ang mga panahong kasama ako. Dagdag na credentials mo ang naging siyota ka ni Mike Anzon. Sikat ka ngayon sa campus, e. At dahil sa kilala nila ako, iisipin nila na natikman din kita. Mas may mawawala sa iyo kaysa akin.” Nagkaroon ng sound ang pagtawa nito. Pinatigil niya iyon ng isang lumalagapak na sampal. Gulat na nahawakan ni Mike ang pisngi nito. Nag-aapoy ang mga mata sa galit. “How dare you,” sigaw ni Mike sa kanya. “Bastos ka kasi!” “Ah, gano’n!” Ngumisi muli si Mike. “Gusto mong malaman kung gaano ako kabastos?”

Okey Ka Lang, Mahal?
Dec 6 2011 - 08:41

MULA sa veranda ay niyuko ni Joanna ang hardin sa ibaba. Lumanghap siya ng sariwang hangin at ipinikit ang mga mata. Marahil ay mag-aalas-sais na ng hapon. Bahagya nang madilim ang paligid at kakaiba na ang simoy ng hangin. May tatlong oras din siyang nakatulog, kung gayon. Linggo ngayon at araw ng pahinga kaya sinamantala niya na dahil mag-uumaga na rin nang makauwi siya mula sa pagtitipong dinaluhan kagabi.

My Lovely Bride: Joanna & Nick