Skip to main content

LATEST UPLOADS

Dec 5 2011 - 12:46

Noon ay si Bien. Nawala kay Clarisa ang unang pag-ibig nang dahil kay Hannah, ang kanyang kapatid. Sumunod ang kanyang papa. Nawala rin sa kanya ang mahal na ama nang dahil sa kagagawan ng kapatid. At ngayon, si Erick naman ang nakatakdang mawala sa kanya nang dahil pa rin kay Hannah. Lahat na lang ba ng lalaking minamahal niya ay hahayaan niyang mawala sa kanya nang dahil sa kagagawan ng kapatid sa ama? A, hindi na sa pagkakataong ito. Makikipagtuos na siya kay Hanna. Ipaglalaban na niya si Erick!

Ganoon Kita Kamahal
Dec 4 2011 - 10:09

Dear Charo, Uso pa ba ang kasal? O ang hindi na uso ay ang pagsasama ng matagal? Ano ang pinakamabigat na kasalanang magagawa ng isang lalaki o isang babae sa kanyang relasyon? Isa sa mahahalagang salin ng buhay ang pagbabago. Walang bagay ang hindi sumasailalim ng transpormasyon. Ngunit kasama ba sa mga bagay na ito ang pag-ibig? Tawagin mo na lang akong Nelia, Charo. Tubo akong Sampaloc sa Maynila at isa sa libu-libong tagatangkilik ng programa mo sa telebisyon. Hindi ko nga akalaing darating ang araw na magpapadala rin ako ng aking kuwento para ibahagi sa inyong mga tagasubaybay. Sinadya kong baguhin ang ilang detalye at mga pangalan sa aking kasaysayan upang maitago ang tunay naming katuhan ni Tony at para mapangalagaan na rin ang mga taong sangkot sa istoryang ito. Masalimuot ang nagging pagsasama naming ni Tony, Charo, bagaman at masasabi kong napakaganda n gaming simula. Panahon ng 80’s nang maganap ang kasaysayan kong ito ngunit kahit maraming taon na ang nakaraan, malinaw pa rin sa akin ang lahat.

Maalaala Mo Kaya: Makinilya
Dec 1 2011 - 12:12

ISANG napakalakas na tili ang pinakawalan ni Stefanie Agpayo nang mabuksan ang sobreng kay tagal niyang inabangan. Araw-araw, walang palya, binubuksan niya ang kanilang mailbox upang i-check kung may sulat na siya mula kay Luke. Napasugod si Lolo Teban, napahawak sa jungle bolo na nakasabit sa may baywang. “Taknaidana!” singasing nito na inilabas pa ang bolo.

Who's Sorry Now
Nov 30 2011 - 21:37

Ang unang kabiguan ni Portia ay naganap sa mga kamay ni Hans. Isinangla niya rito ang lahat-lahat kasama na ang kanyang dangal. Nang may mabuo sa kanyang sinapupunan saka niya natuklasan ang isang masakit na katotohanan. May asawa na ito! Sa mga panahong gulo ang kanyang isipan ay nakatagpo siya ng pansamantalang kanlungan sa katauhan ni Jeff; isang mabuting Samaritano na handang tumulong sa mga nangangailangan. Dahil sa kabaitan nito, natuklasan ni Portia na muli na naman siyang umiibig. Ngunit paano? Hindi na siya malinis. Bukod doon, mukhang siya lang ang may damdamin kay Jeff. Concern lang ito sa kalayagan niya. Mayroon na itong nobya: si Riza. Wala na yata siyang karapatan para lumigaya.

Unang Nawala Ang Mga Pangarap
Nov 29 2011 - 09:32

MASUSING pinag-aaralan ni Milet ang kabuuan ng kanyang pinsang si Sarah. “‘Insan, hindi naman sa tinatakot kita. Ang kaso nga lang sa ayos mong ‘yan, ni wala man lang mag-iisip na manligaw sa ‘yo. Sige, ikaw rin, baka matuluyan ka nang maging old maid niyan.” Old maid. Iyon ang palaging bukambibig ni Milet na ubod ng galing pumorma at kabi-kabila kung mag-boyfriend. Tingin nito sa kanya ay kulang na lang na magsaya at papasa nang maging lola.

Tanda Ng Pag-ibig
Nov 25 2011 - 15:06

Sa unang kita pa lang ni Bette kay Jake ay may kakaiba na siyang naramdaman para sa misteryosong binata. Pero nalaman niyang alipin pa rin si Jake ng pag-ibig at alaala ng namatay nitong nobya. Hanggang kailan masisikil ni Bette ang lihim niyang pag-ibig kay Jake? At si Jake, paano ito makakalaya sa bilanggong puso nito kay Alona?

Bilanggong Puso
Nov 24 2011 - 10:44

NAPAANGAT ang kilay ni Jerico Pizzaro nang mahagip ng mga mata niya ang isang maliit na news item sa entertainment section ng Manila Bulletin. Tamsin Kortright to dance ballet? hindi kumbinsidong sabi niya sa isip. He couldn’t quite believe that the pretty recording artist and performer could as well dance ballet and show her belly-button. Pero ayon sa balita, magpe-perform ito sa CCP—at hindi iyon isang concert kundi ballet. The Nutcracker, para sa nalalapit na Pasko.

My Lovely Bride: Tamsin & Jerico
Nov 23 2011 - 10:09

Chico Gamaliel lives in the fast lane. Kasalamuha niya ang mga rich and famous sa lipunan. Maging ang uri ng kanyang libangan ay para lang sa moneyed few. Hindi mabilang ang dami ng mga babaing pinaglaruan niya sa kanyang mga palad. Then a nasty incident happened. Pakiramdam ni Chico ay pinagtampuhan siya ng mundo. Saka muling nagpakita ang mysterious girl na si Gina na laging nagpi-flirt sa kanya at nagbigay ng isang offer na sabi nga nito ay hindi kaya ni Chico na i-resist. Tinanggap ni Chico ang offer. Saka niya natuklasan… may itinatago sa kanya si Gina. May kinalaman kaya iyon kay Karen… Si Karen… ang babaing nagsabing babalikan si Chiko pagdating ng tamang panahon. And now is the right time…

Karen Po... Hindi Gina
Nov 22 2011 - 10:32

Six years ago ay deeply involved sa isa’t isa sina Maureen at Chris. Ngunit dahil sa mga insurmountable odds sa pagitan nila ay napilitang mawalay ang matinding damdamin nila para sa isa’t isa. Ngayon ay isa nang malaking kabaliwan para kay Maureen ang makipagbalikan pa sa dating kasuyo. Pero nang muli niyang madama ang mapusok nitong halik ay napagtanto niyang mas malaking kabaliwan ang ipagkait dito ang karapatan nito sa kanya. Dahil simula’t sapul ay si Chris ang tanging lalaking itinitibok ang kanyang puso... at kahit kailan ay handa siyang mahalin ulit nito...

To Love You Again
Nov 20 2011 - 11:37

Nagkaroon ng relasyon si Rad kay Elvie pagkat iyon ang hinihingi ng pangyayari: magkasama sila sa bahay. Nang totohanang umibig siya, kay Gee, nagkaroon siya ng problema. Paano niya mapakakasalan si Gee nang hindi niya masasaktan si Elvie? Pinakasalan din ni Rad si Gee. At nalagay siya sa katawa-tawang sitwasyon na kailangang pakisamahan niya si Elvie at si Gee, ang tunay niyang asawa ay dadalaw-dalawin lamang niya na tulad sa isang kerida...

Si Misis Ay Number Two