Skip to main content

LATEST UPLOADS

Nov 17 2011 - 20:48

Sugatan si Gil nang matagpuan ng nanay ni Nelia sa likod-bahay nila. Inakala tuloy ng dalaga na ang lalaki’y takas na bilanggo, magnanakaw o nagbebenta ng mga bawal na gamot . At tahasan niyang ipinamukha iyon kay Gil. Ngunit natuklasan niyang taliwas sa lahat ng inaakala niya ang tunay na pagkatao ng lalaki. Paano pa siyang makakaharap sa lalaking sa kabila ng malaking naitulong sa kanyang pamilya’y inakala pa rin niyang masama? Mahalin pa rin kaya siya ni Gil sa kabila ng lahat?

Kahit Hindi Mo Sabihin
Nov 16 2011 - 20:38

Selebrasyon iyon ng ikalabingwalong kaarawan ng kaisa-isang anak na babae ni Don Augusto Hoseña, isang kilalang hacendero sa lalawigan ng Negros Occidental. Mula sa Maynila ay nagtungo sila ni Jules doon para makiisa sa naturang okasyon. Wala siyang kaide-ideya na ganoon kayaman ang pamilya nina Gretchen, na ayon sa pinsan niya ay kasintahan nito. Hindi tuloy niya maiwasang maasiwa. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.

Kung Hindi Rin Lang Ikaw
Nov 14 2011 - 11:41

 Lumuwas ng Maynila si Maricel para sundin ang pakiusap ng kapatid niya. But she never thought it would become worse of all worst. Naaksidente siya.  At nagising na lang siya sa isang ospital, sa harap ng isang estrangherong lalaking malamig pa sa yelo ang tinging ipinupukol sa kanya. His words were roughly too disgusting, para mapagtanto niya na napagkamalan siya nitong ang kakambal niyang si Marinel. Paano niya ngayon itutuwid ang maling paniniwala ng lalaki kung ayaw nitong paniwalaan ang bawat sinasabi niya? Paano niya haharapin ang tila abot-hanggang langit na galit nito sa kanya sa pag-aakalang siya si Marinel?

 

          

 

Win Through Your Love
Nov 13 2011 - 09:40

You were right under my nose all along. Iyon ang sabi ni Arion kay Randi. Ilan kaya sa mga naghahanap ng mamahalin ang tingin nang tingin kung saan-saan gayong ang nakatadhana pala sa kanila ay nasa tabi-tabi lang? Kaya sa mga hindi pa nakakatagpo ng kanilang better-half, talasan lang ang paningin at ang pakiramdam. Baka naman ang hinahanap ninyo ay nariyan lang sa harap ninyo.

My Love, My Hero: Arion
Nov 11 2011 - 09:38

Ang tunay na pag-ibig ay nadama ni Editha sa katauhan ni Ralph. Na-develop ang pag-ibig nila sa isa’t isa pagka’t sila’y magkaibigan at magkaopisina. Ngunit nang dumating sa buhay niya ang guwapong TV actor na si John Alberto, bakit naranasan pa rin ni Editha ang tinatawag na pag-ibig sa unang pagkikita?

Alagang Puso
Nov 10 2011 - 11:29

Ang katulad ni Myra ay isang Cinderella na nangarap na mahalin ni Christian. Ang pangarap ay nangyari sa isang drama na kailangan nilang gampanan ng lalaki. Ngunit ang katotohanan ay may hatid na sakit dahil ang putik na pinagmulan niya ay labis na isinusuka ni Christian, at siya mismo ay pinandidirihan nito.

Paano Ba Ang Magmahal
Nov 9 2011 - 19:47

WALA sa sarili si Fifi habang naglalakad. Saan naman kaya siya pupunta? Ano kaya kung mag-imbestiga muna siya bago siya magpakalayu-layo? Baka tama ang hinala niya, malay niya. Baka nga may kinahuhumalingang babae ang kanyang ama kaya ganoon na lamang kung tratuhin siya nito gayong dati-rati naman ay siya ang buhay nito.

Sinisinta Kita Di Ka Kumikibo
Nov 6 2011 - 20:11

 Bunga ng pinag-isang tibok at pintig ng puso si Aurora Avilla, ang newcomer na naging best actress sa Film Festival. ...Pero may aninong gustong wasakin ang kanyang tagumpay dahil sa sumbat ng isang madilim na nakaraan. Kaya lang, nakialam ang tadhana. Tulad ng unang pakikialam, para si Aurora Avilla ay patuloy na mabuhay. Kasaysayan ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig na iisa ang hatid na aral. Kung nasaan ang puso mo, naroon ang walang hanggang kaligayahan.

 

 

Kung Nasaan Ang Puso Mo
Nov 4 2011 - 20:33

HALOS hindi pa rin makahinga si Romina sa tindi ng takot. Nalaman na lamang niyang nakakulong na siya sa mga bisig ni Jared at umiiyak sa dibdib nito. “Tahan na. Halika. Umalis na tayo sa lugar na ito.” Nang matiyak nito na nasa mga kamay na ng mga security guards ang mga lalaki ay inalalayan na siya nito palayo sa mga tao. “May dala ka bang kotse?” pagkuwa’y tanong nito. “Yes. Nasa parking.” “Okay, let’s use your car.” Naging sunud-sunuran siya rito. Awtomatikong iniabot niya rito ang susi ng kanyang sasakyan nang sapitin nila ang parking area.

Sa Iyo Tumibok Ang Puso Ko
Nov 3 2011 - 20:21

SA sandali ng pangangailangan ay inabandona ni Elgin ang kasintahang si Yna Lei. Inakala niyang nagtaksil sa kanya ito nang maaksidente ito na kasama sa sasakyan ang dating kasintahan. Ang kanyang pagkukulang kay Yna Lei ay pinunan naman ng kanyang bestfriend at kasosyo sa negosyong si RR. In the process ay na-developed ang damdamin ni Yna Lei kay RR at tinugon nito ang inihahandog na pag-ibig ng lalaki. Saka naman nagbabalik si Elgin at sumusumpang gagawin ang lahat para mabawi ang kasintahan kay RR. Maulit pa kayang muli ang dati’y matamis nilang kahapon?

Sana'y Maulit Muli