Skip to main content

LATEST UPLOADS

Oct 19 2011 - 19:34

Dear Charo,

Isa ako sa masusugid mong tagahanga. Nagsimula akong sumubaybay sa malaganap mong TV program nang minsang mapanood ko ang isang episode na umantig sa aking puso. Sa dinanas ng paghihirap ng main character ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Nakipaglaban siya sa buhay. Pagkatapos kong mapanood iyon ay gumaan ang aking pakiramdam. Nakita kong hindi pala dapat basta mawalan ng pag-asa ang isang tao habang may buhay. May solusyong katapat ang bawat suliranin. Mula noon ay na-hook na ako nang husto sa “Maalaala Mo Kaya.”.....

Maalaala Mo Kaya: Rosaryo
Oct 17 2011 - 17:58

NATULALANG tinitigan lamang ni Niña ang pumpon ng mga bulaklak na nakabitin sa ere. Horror of horrors, inasinta pa yata niyon ang pagbagsak sa kinapupuwestuhan niya. Tinangka niyang umilag ngunit lalo lamang siyang ginitgit ng apat na babaeng nagmistulang pader na nakapalibot sa kanya. She was cornered. Parang bolang na-shoot ang bouquet sa kamay niyang muntik na niyang ihalukipkip kundi lamang mababansagan siyang killjoy.

My Love, My Hero: Michael
Oct 16 2011 - 21:51

Nag-promise si Angela sa kalaro at kababatang si Oliver na pagbabalik nito mula sa America ay magiging sila. Pero nang magbalik si Oliver pagkaraan ng 13 taon ay saka natiyak ni Angela na hindi niya ito mahal kaya tinakasan niya ito, napasa-Maynila. Iniwan ang Cebu. Nakilala niya si Gary, minahal nang labis. Pero hindi siya pansin nito. Maganda at mayaman ang tipo nitong babae, si Marvella. Ipinasya niyang magbalik sa Cebu at pakasal na kay Oliver. Nang wala na si Angela ay saka inamin ni Gary na mahal na mahal niya ito. Pero hindi niya alam kung saan matatagpuan si Angela na walang iniwang address. Sayang na pag-ibig. Sayang na ligaya.

Sinungaling Daw Ang Puso
Oct 14 2011 - 09:41

NANG makaalis ang mga magulang ay saka lang pinakawalan ni Janne ang luhang kanina pa gustong umagos sa kanyang mga mata. Inalo naman siya ni Luke na hindi siya iniwan. Inakbayan siya nito at inihilig ang kanyang ulo sa dibdib nito. “Enough, Janne. Huwag mo na lang ulit gagawin iyon.” Nag-angat siya ng mukha para tingnan ito. “L-Luke, wala kaming ginawang masama. Natulog lang kami, that’s all.” “I believe you, Janne,” sambit ni Luke. “Bakit si Papa, hindi naniniwala?” Masamang-masama ang loob niya.

Ikaw Na
Oct 13 2011 - 21:29

Magkasalong kumakain sina Anne at Jake ng isang de-baril na lalaki ang bumungad sa pinto ng Blue Gardenina, ang restaurant na pinamamahalaan ni Anne. Itinaas ng lalaki ang baril at nagsisigaw. “Anne! Lumabas ka! Papatayin kita pag hindi mo binawi ang sumpa sa amin. Dahil sa galit mo ay nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko’t anak! Pagbabayaran mo ito!” saka nagpaputok ang lalaki. Nagulo ang buong restaurant. Nagkanya-kanyang takbo ang mga kostumer. Naiwan sina Jake at Anne. “Sino siya?” tanong ni Jake. “Si Alex, ang dati kong nobyo na inagaw sa akin ng bestfriend kong si Emma!” Nakita sila ni Alex. Nakaumang ang baril ay tinakbo nito si Anne. “Mamamatay ka! Pagbabayaran mo ang pagsumpa sa amin!” anito na kita sa mukha ang matinding poot.

Sa Pagdating ng Tamang Panahon
Oct 10 2011 - 20:52

HINDI ko mahal si Celine. I never loved her. Iniutos lang sa akin ng manager ko na ligawan ko siya. Ginamit ko ang kasikatan niya upang magkapangalan ako. I’m quitting showbiz. I guess, hindi ito ang mundo ko. Hindi ko kayang mabuhay sa mundong ito. I want a simpler and more peaceful life. And I hope Celine would forgive me. I really am so sorry.”

Heartfelt
Oct 7 2011 - 10:47

Mga bata pa lamang sila ay kaaway na ni Leilani si Lester. Pilyo kasi ito at madalas siyang pinapaiyak. Ang kakambal nitong si Chester ang palaging masuyo sa kanya, ang nagpapahalaga sa damdamin niya. Masisisi ba si Leilani kung si Chester ang pangarapin niyang maging partner sa buhay? Bigla, sabay na nawala sa buhay niya ang kambal. Bigla, sabay ring nagbalik. At nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Leilani. Naging boyfriend niya si Chester. Saka naman nalito si Leilani. Bakit si Lester ang nakapagpapabilis sa tibok ng kanyang puso? Bakit siya nasaktan nang makita itong nakikipaghalikan sa girlfriend na si Alyssa? Nang madama niya ang init ng mga yakap ni Lester, nang matikman niya ang tamis ng mga labi nito, saka natiyak ni Leilani... si Lester na ang lalaki sa mga pangarap niya. Ngunit magagawa ba niyang saktan si Chester?

Dreamin' Of You
Oct 4 2011 - 18:43

Bilang huling hirit bago mapilitang lumagay sa tahimik ang malditang si Trixie, naglamiyerda siya’t ang mga kaibigan sa Mirgao Beach Club. Doon sa auction na pakulo ng isang charitable institution, nakatuwaan niyang bilhin si Rigo. Ang kapalit ng malaking halagang ibinayad niya --- isang araw na pagkakasama nila ng lalaki sa pamamasyal. Nainsulto si Rigo sa sinabi niya at para makaganti, dinala siya sa isang isla para parusahan. Hindi lang nito natantiya ang katarayan niyang naging dahilan upang mawasak ang bangkang sinasakyan nila’t ma-stranded sila sa liblib na isla. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya’t ito ang kasama niya sa isla. Dahil kung hindi, baka unang araw pa lang nila roon ay namatay na sila. Ang problema, diyata’t unti-unting nahihimok ang puso niyang mahalin ito ... sa kabila ng natuklasang may koneksiyon pala si Rigo kay Paolo, ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng amang si Don Manolo.

Bihag Mo Ang Puso Ko
Oct 3 2011 - 21:01

Ordinaryo lamang ang kuwento ng pag-ibig ni Cindy. Minahal niya si Arvin at minahal din siya. Nagtiwala siya rito nang lubos. Unang pagkakasala ni Arvin, dinala siya nito sa motel. Hindi siya pumayag. Ikalawang pagkakamali: May dating nobya si Arvin, ang tisay na si Trixie at buntis ito. Pagkakasala ni Arvin na walang kapatawaran. Ayaw na niya kay Arvin. Ayaw na rin niyang umibig pa. Wala nang isa pang chance para magkabalikan sila. Pero naaksidente si Arvin. Agaw-buhay. Hinihingi nito ang kanyang patawad. Ano ang ipapasya ni Cindy?

Hanggang Saan Ang Pag-ibig Mo?
Sep 30 2011 - 09:03

MALAYO na ang ayos at hitsura ni Edna kumpara sa huling pagkakataon na nakita ni Alex ang dating nobya. Higit itong gumanda. Kaakit-akit. Minsan pa, dala nito ang karismang umaakit sa kanya. Mahabang panahon na ang lumipas. At kahit may poot sa kanyang dibdib sa babaing nagwasak ng kanyang puso, natuklasan ni Alex na hindi ito ganoon kadaling tanggihan. Gaya pa rin nang dati. Kayang paikutin ni Edna sa kanyang mga palad. Paano niya titimbangin ang kanyang damdamin gayung may nagmamay-ari na ng kanyang puso na hindi naman iba sa babaing nagdulot sa kanya ng pait, mula pa noon hanggang ngayon.

Mula Noon Hanggang Ngayon