Skip to main content

Duterte may solusyon kung sino ang gagawing First Lady pag nahalal na presidente

January 30, 2016

“PARA walang gulo, bago na lang. Bagong style."

Ito ang naging pahayag ni  Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte nang sabihin niyang ang anak niya ang gagawin niyang first lady kapag nanalo siyang pangulo sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Duterte na ayaw niyang itong maging kumplikado kaya naman hindi niya gagawing first lady ang dating asawa o ang kinakasama niya ngayon.

Grace hindi pa raw hiwalay sa mister

January 29, 2016

TODO tanggi at natatawa na sinagot ni Senador Grace Poe ang mga tsismis na hiwalay na sila ng kanyang mister noon pang Nobyembre ng isang taon.

“Ha?” ang inisyal na reaksyon ni Poe sa tanong kung totoo nga ba ang tsika na wala na sila ng kanyang mister, habang kinakapanayam sa radyo.

Walang respeto sa kadugo

January 29, 2016

NADAKIP na ang lalaking itinuturing na “most wanted person” sa Palawan dahil sa paulit-ulit na paghalay sa sariling kapatid.

Naaresto si Cenon Grimpula, 35, number one sa listahan ng most wanted persons sa Palawan at residente ng bayan ng Quezon, noong Enero 13, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Mimaropa regional police.

Laging nasa huli ang pagsisisi

January 28, 2016

NAARESTO ng mga pulis ang isang lalaki na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa kanyang misis at biyenan.

Nahuli si Rommel Layug sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila, kung saan siya ginagamot matapos uminom ng lason nang magtangkang magpakamatay.

Si Layug ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang misis na si Gloria, 29, at biyenang babae na si Norma Camposano, 68 sa kanilang bahay sa Agatha Subdivision. Si Gloria ay nagbabakasyon lamang mula sa pagtatrabaho sa Japan.

Dahil sa sex enhancer pill lalong hindi narating ang langit

January 28, 2016

PATAY ang isang 50 anyos na mekaniko makaraang uminom ng sex enhancer pill sa Davao City.

Sinasabing kasama ng biktima ang kanyang 50 anyos na nobya nang mag-check in sa isang hotel.

Base sa paunang imbestigasyon, bigla na lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang mekaniko.

Ipinasyang matulog na lamang ng biktima ngunit hindi na ito nagising.

Nakuha sa loob ng bag ng biktima ang lalagyan ng sex enhancer pill.

Hinala ng pulisya, ininom na niya ito bago pa pumasok sa hotel.