Skip to main content

Kaya ayaw nang makipagbalikan

February 1, 2016

PATAY ang isang 48 anyos na ginang makaraang ito ay barilin ng kanyang live-in partner noong enero 14 sa Brgy. San Francisco, Victoria, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Leny Balayong, habang ang suspek naman ay si Efren Lirasan.

Batay sa report ng Victoria Police, nagwala ang lalaki matapos tumanggi ang babae na muling pakisamahan ang suspek na nakipaghiwalay dahil sa sobrang pagkaseloso ng lalaki.

Nagbunot ito ng baril at itinutok sa biktima na sinubukan namang agawin ng huli.

Manyak na, mamamatay tao pa!

February 1, 2016

ISANG 52 anyos na ina ang pinagtataga at nasa kritikal na kondisyon habang ang kanyang 14 anyos na anak na dalagita ay pinagbantaang puputulan ng ulo bago ginahasa ng isang 19 anyos na binata na big­lang pumasok sa bahay ng mag-ina noong Enero 22 sa Sityo Katorse, Barangay Liciada, Bustos, Bulacan.

Tinangay ng FB follower?

January 31, 2016

NAGLAHONG parang bula ang isang 13 an­yos na dalagita sa Cavite matapos magpaalam na magpapa-load lamang sa tindahan noon pang Enero 4 ng kasalukuyang taon.

Kinilala ang nawawa­lang dalagita na si Zichri “Thaya” Mendoza ng Trece Martires City, Cavite, na umano’y hu­ling nakita na kasama ang masugid nitong Facebook follower na si Jomarie Ruiz, 21 anyos, residente umano ng Parañaque City.

Ang huling text message sa boyfriend

January 31, 2016

Nakuha pang maka­pag-text sa kanyang boyfriend para humingi ng tulong bago nalagutan ng hininga ang isang 19 an­yos na dalaga na pinagsasaksak ng hindi pa nakikila­lang salarin habang nagla­lakad pauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng Malilipot, Albay.

Tatlong saksak sa dibdib at tagiliran ang tinamo ng biktimang nakila­lang si Mary Joy Bo­lor, estudyante at residente ng Barangay Canaway ng nabatid na bayan.

Puri o buhay?

January 30, 2016

PINANINIWALAANG nanlaban sa rapist na suspek ang isang ginang dahilan upang pagsasaksakin siya nito matapos salisihan ang asawa nito na nagtungo ng bukid. Naganap ang insidente kamakailan sa Monreal, Masbate.

Kinilala ang pinaslang na ginang na si Alicia Galabayo, 31, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na na­ging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.