Skip to main content

Luis Manzano isosorpresa kay Angel Locsin ang marriage proposal

May 13, 2015

NASA tamang edad na para magpakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin. Thirty-four years old na ang aktor samantalang thirty years old naman ang aktres. April 21 ang birthday ng binata, April 23 ang dalaga.

Napag-uusapan na raw naman ng magkasintahan ang pagpapakasal ayon kay Luis.

“Napag-uusapan, siyempre, gusto kong surprise sa kanya iyon. Pero it’s going to be happening very, very soon,” nakangiting pahayag ni Luis.

Mister na nakikipagbalikan na sa misis 'pinutulan' ng kabit!

MAY 12, 2015

PUTOL ang dalawang daliri ng 41 anyos na lalaki nang tagain ng kalaguyo nito dahil nalaman ng babae na gusto nang makipaghiwalay ng biktima at nakipagbalikan na sa tunay nitong misis.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw, Mayo 11. Ayon sa ulat, pilit na pinapupunta ng suspek na si Marissa Pulayao, 27 anyos, ang biktimang si Vicente Sacramento sa kanyang bahay sa Camarin, Caloocan City upang mag-usap sila ukol sa kanilang relasyon.

Dalaga sinamahan sa kulungan ang naarestong BF

May 12, 2015

DAHIL sa sobrang pagmamahal sa kanyang live-in partner ay minabuti pa ng isang dalaga na makasama ang minamahal sa piitan.

Naganap ang wagas na drama sa totoong buhay nang arestuhin ng mga pulis ang isang drug pusher noong Mayo 11, 2015 sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Redford Lamsen, nasa hustong gulang, at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act. Nakilala naman ang kanyang live-in partner na si Kate Lyn Uy, nasa hustong gulang din.

BLIND ITEM: Magandang aktres ipinagpalit sa iba ng non-showbiz na mister

MAY 11, 2015

LAGING naiiyak ngayon ang magandang aktres na ito dahil sa pagkawasak ng kanyang marriage. Non-showbiz ang kanyang mister.

Anyway, sa kanyang mga totoong kaibigan ay naibahagi naman niya ang dahilan ng kanyang problema. Naka-base kasi dapat silang mag-asawa sa ibang bansa, pero dahil may natanggap siyang work dito sa Pilipinas ay nagpaalam muna siya sa kanyang mister. Sayang din nga naman ang raket, at hindi pa kakalawangin ang kanyang acting.

BLIND ITEM: Male TV host-singer hiwalay na sa misis na aktres

May 11, 2015

MASALIMUOT ngayon ang buhay may-asawa ng isang male TV host-singer at ng kanyang misis na isang aktres. Ang balita kasi ay nakikipagrelasyon na sa iba ang kanyang misis—at hiwalay muna sila sa kasalukuyan.

Hindi napagkikita ngayon ang misis na aktres. Ang kuwento naman ng male TV host-singer kapag natatanong ng press ay nagbabakasyon lang ito dahil may kinakaharap na problema ang pamilya ng kanyang misis.

Kamakailan ay nagwakas na ang project kung saan nagtrabaho pa ang misis ng TV host-singer.