Skip to main content

A special 'Mother's Day' story

May 10, 2015

DALAMHATI NG ISANG INA

Sinulat ni KC CORDERO

MATAGAL nang nakatitig si Aling Modesta sa tsampuradong nakahain sa mesa. Kanina pang alas singko niya inihain iyon. Umuusuk-usok pa. Ngayon, malamig na. Sumulyap siya sa relo sa dingding. Alas nuwebe na ng umaga. Hindi na siguro darating si Emmanuel. Ang kanyang si Emmanuel…

Malungkot na tinakpan niya ang tsampurado. Hindi bale, baka bukas ay dumating na ang kanyang anak. Pumasok na siya sa salas para asikasuhin naman ang ibang gawain.

Seaman na problemado sa love life pinalungkot ang ina sa Mother's Day

MAYO 9, 2015

MALUNGKOT ang Mother’s Day ng isang ginang matapos magpakamatay ang anak na lalaking problemado sa pag-ibig.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng hatinggabi noong Huwebes, Mayo 8, sa bahay mismo ng biktimang si John Anthony Villarosa, taga-2063 Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Isang seaman ang biktima at sinasabing problemado sa kanyang love life.

Beki na iniwan ng BF nagpatalo sa emosyon

MAY 9, 2015

DAHIL hindi diumano matanggap ng isang gay ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang boyfriend ay nagpasya itong wakasan na ang sariling buhay noong umaga ng Mayo 8, 2015 sa Fairview, Quezon City.

Wala nang buhay ang biktimang si Randy Borabo nang matagpuan ng kanyang kapatid na naka-hang sa loob ng tinutulu­yang boarding house sa Lumantad Compound, Barangay West Fairview, Quezon City.

Pagbubuking ni Nadine: Kiss ni James lasang daing!

MAY 8, 2015

PARA kay Nadine Lustre ay ayaw muna niyang magka-girlfriend ang ka-love team niyang si James Reid.

Napapabalitang may nililigawan si James. At isa nga sa sinasabi ay ang kapatid ni Kim Chiu, na ayon kay James ay hindi naman totoo.

Katwiran ni Nadine, baka naman hindi rin maging happy ang magiging girlfriend ni James dahil sa love team nila.

Mister sa puntod ng misis binawian ng buhay

MAY 8, 2015

WALA nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad dakong alas-2:30 ng hapon, Mayo 6, sa loob ng Polo Public Ceme­tery, Valenzuela City si Domingo Enriquez, 65, residente ng 59 Flameco St., Pang­hulo, Obando, Bulacan.

Batay sa naging pahayag sa pulisya ni Edwin, anak ng biktima, dakong alas 7:30 ng umaga nang magpaalam ang kanyang ama na dadalaw sa puntod ng ina. Sumapit aniya ang alas-12:00 ng tanghali ay hindi pa ito bumabalik kaya naisipan niyang sundan ito sa sementeryo.