Skip to main content

Single mom na nanghihingi ng suporta sa ka-live in, sapak ang natanggap

May 7, 2015

INIREKLAMO sa pulisya ni Icy Flores, 21 anyos, isang single mom at residente ng Concepcion Uno ang dati niyang live-in partner na si Donald Fernandez, nasa hustong gulang at naninirahan sa Parang, Marikina City.

Ayon sa biktima, alas 12:45 ng hatinggabi ng Mayo 6 nang mangyari ang pana­nakit sa kanya ng suspek sa BG Molina St., corner J.P. Rizal, Concepcion Uno.   

Misis na nakikipagkalas na sa 'lover' sinaksak

MAY 7, 2015

ISANG 40 anyos na ginang na plano na sanang makipaghiwalay sa kanyang lover ang namatay matapos saksakin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Baliwag, Bulacan noong Mayo 5 ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Fatima Dayrit.

Ginagamot naman sa Marcelo Hospital ang sugatang kapitbahay ng biktima na si Rolando Santos. Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya ang 58 anyos na suspek na si Dading Ubaldo alyas “Amang Kuba” na lover diumano ni Fatima.

Wedding date nina Vic Sotto at Pauleen Luna secret muna

MAY 6, 2015

KAMAKAILAN ay kinulit ng movie press si Pauleen Luna. As usual ay napag-usapan kung kailan ba ang kasal nila ng BF na si Vic Sotto. Pag-amin ng aktres ay may napili na siyang wedding date kung sakaling siya raw ang masusunod.

BLIND ITEM: Pa-booking pa rin ang sexy actress

MAY 6, 2015

MULA nang hindi maging forever ang love life ng sexy actress na ito sa una niyang relasyon ay naligaw na siya ng landas. For a while ay inakala ng mga showbiz insiders na nagbago na siya at nagtatrabaho na nang marangal, pero hindi pala.

Hindi pa niya iniiwan ang kanyang “raket” at hanggang ngayon ay pa-booking pa rin. Hindi po booking sa pagbiyahe sakay ng barko o eroplano, kundi booking sa mga lalaking handang bumayad matikman lang ang kanyang kandungan.

Groom na hindi sumipot sa araw ng kasal idinemanda ng pamilya ng bride

MAY 5, 2015

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang groom-to-be sa Quezon City makaraang hindi nito siputin sa kasal ang kanyang bride-to-be noong Abril 29, 2015.

Mismong ang pamilya ng babae ang nagreklamo sa pulisya laban sa lalaki.

Kuwento ng ama ng bride-to-be, ilang oras nilang hinintay ang mamanugangin ngunit hindi ito sumipot sa kasalan.

Depensa ng lalaki, na-flat ang gulong ng kanyang kotse kaya siya na-late ng ilang oras.

Hindi tinanggap ng pamilya ng babae ang dahilan ng groom kaya tuloy ang demanda.