Skip to main content

Matulis na lolo naaktuhang nakapatong sa misis ng kaibigan

MAY 5, 2015

NAUWI sa karahasan ang friendship ng dalawang lalaki nang matuklasan ng isa ang relasyon nito sa kanyang misis.

Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 63 anyos na lolo makaraang maaktuhan na nakikipagtalik sa asawa ng kanyang kaibigan at kapitbahay  sa Brgy. Malungon, Makilala, North Cotabato.

Away sa kalye ng magkarelasyon nauwi sa pamamaril

MAY 4, 2015

NASUGATAN sa kaliwang paa ang isang 38 anyos na babae matapos barilin ng kanyang se­losong ka-live in habang sila’y nagtatalo sa kalye noong umaga ng Mayo 3 sa Tondo, Manila.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ivy Lugtu, taga-1057 Masinop St., Tondo, Maynila matapos ang insidente. Agad namang tumakas ang kinakasama nitong si Abelardo Calilong, 50 at  residente ng 1057 Masinop St., Tondo, Manila.

Napagkamalang 'sweet lover' ng misis, driver tinusok ng selosong mister

MAY 4, 2015

ISANG taxi driver ang nasaksak ng kapitbahay nito dahil sa hinalang may relasyon ang biktima at ang misis ng suspek sa Pasig City noong May 2 ng gabi.

Agad naisugod sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Ronelo Pinion, 42, may asawa at residente ng Labanos Extension, Napico, Bgy. Manggahan, Pasig City dahil sa tinamong malalim na saksak sa kaliwang braso at kaliwang bahagi ng tiyan.

Perfect match natagpuan sa 'wrong send'

NANINIRAHAN si Rachel Perez sa Bangkok, Thailand. Sa Texas, USA naman naka-base si Ruben P. Salazar. Isang “typo error” ang naglapit sa kanilang dalawa.

January 10, 2007, nagtatrabaho sa isang computer lab sa Waco at nagbabasa ng e-malis niya si Ruben nang may makita siyang e-mail na naka-address sa isang “RP Salazar.”

Maja sa naging breakup nila ni Gerald: 'Tinanggap ko agad'

NAGAWANG magbiro ni Alex Gonzaga kay Maja Salvador tungkol sa pagiging single ngayon ng aktres sa concert ng una noong April 25.

Nag-perform kasi ang dalawa ng isang dance showdown ng mga kanta ni Beyonce.

Habang nagbibiruan ang dalawa sa harap ng audience matapos ang performance, sabi ni Alex ay may nakalimutan siyang isama na kanta na tamang-tama raw sa sitwasyon ni Maja ngayon.

“Hindi ko naman alam na napapanahon ‘to. Hindi ko naisama ‘tong kantang 'to. Kuya, pa-play nga,” utos ni Alex sa banda.