Skip to main content

Ang Panaginip Ko'y Ikaw

Ang Panaginip Ko'y Ikaw

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-679-6

Nasa elementary si Jenna nang matuklasan niya ang kakaibang kapangyarihan. Na ang isang pangyayari, basta’t malinaw na malinaw niyang nakita sa kanyang panaginip ay tiyak na magkakatotoo. Sabi ng isang manghuhula, taglay daw niya ng isang kakaibang psychic power. At naniwala naman si Jenna. Magtatapos ng high school si Jenna nang mapanaginipan niya ang isang lalaki na nagpakilala sa kanya sa pangalang Harmond Pedragoza. At ayon sa kanyang panaginip, ang lalaki ang nakatakdang makaisang-dibdib niya. Mula noon, naging tila obsesyon na para kay Jenna ang matagpuan ang lalaki.

Ganoon Kita Kamahal

Ganoon Kita Kamahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-739-3

Noon ay si Bien. Nawala kay Clarisa ang unang pag-ibig nang dahil kay Hannah, ang kanyang kapatid. Sumunod ang kanyang papa. Nawala rin sa kanya ang mahal na ama nang dahil sa kagagawan ng kapatid. At ngayon, si Erick naman ang nakatakdang mawala sa kanya nang dahil pa rin kay Hannah. Lahat na lang ba ng lalaking minamahal niya ay hahayaan niyang mawala sa kanya nang dahil sa kagagawan ng kapatid sa ama? A, hindi na sa pagkakataong ito. Makikipagtuos na siya kay Hanna. Ipaglalaban na niya si Erick!

Hanggang Kailan Ako Magdurusa

Hanggang Kailan Ako Magdurusa

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-607-9

Matinding atraksiyon ang naramdaman ni Mabel sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Albert. Matinding atraksiyon na nang lumaon ay nauwi sa labis na pag-ibig. Ngunit hindi maaaring suklian ni Albert ang pag-ibig niyang iyon dahil engaged to be married na ang lalaki sa nobya nito. Isang katotohanang hindi matanggap ni Mabel. Ipinangako niya sa sarili na kailangang mapasakanya si Albert sa anumang paraan. Kaya nang itakda ang kasal ng lalaki, gumawa siya ng plano. Dalawang araw bago ang kasal, kinidnap niya si Albert!

Ideal Man Sa Manhid Na Puso

Ideal Man Sa Manhid Na Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-371-1

Ang ideal man ni Erica ay isang lalaking malaki ang edad sa kanya, hinog ang isip at guwapo. Ang lalaki ay natagpuan niya sa katauhan ni Marc, na unang kita pa lamang niya ay nagpatibok na sa kanyang puso. Ngunit natuklasan niya na ang ideal man ay hindi pinapangarap kungdi idinidikta ng puso...

Ikaw Ang Tunay Kong Mahal

Ikaw Ang Tunay Kong Mahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-885-3

Hindi maganda ang unang pagkikita nina Lanz at Jazz. Sukat ba namang makapagkamalan ni Jazz na mekaniko ang bagong panginoon ng Hacienda Villarosa? Isa nga iyong malaking insulto sa pagkatao ng lalaki. Ngunit sapat na ba ang pagkakamaling iyon ni Jazz para insultuhin din siya nito nang paulit-ulit sa tuwing magkikita sila? Labis nang nasasaktan si Jazz sa mga ginagawa sa kanya ni Lanz. Ngunit sa kabila niyo’y hindi niya mapigil ang puso, na sa unang kita pa lang niya kay Lanz ay napaibig na nang lihim sa lalaki.

Ikaw Na Naman

Ikaw Na Naman

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-824-124-8

Sa paghahanap sa nawawalang kapatid, nakilala ni Hanna si Jerich. Hindi maganda ang unang impresyon dito ng dalaga. May pagkaantipatiko kasi at makulit ang binata. Ngunit ang ipinagtataka niya, kahit saan siya magpunta ay laging nagkukrus ang landas nila ng lalaki. Coincidence nga lang ba o sa sadyang sinusundan siya ni Jerich? Anuman ang totoong dahilan, umiiwas si Hannah na lumalim ang pagkakakilalang iyon. Ayaw na niyang muling mahulog ang loob sa isang lalaki matapos ang isang masaklap na kabiguan sa pag-ibig. Ngunit paano niya nga ba maiiwasan ang charm ng isang tulad ni Jerich?

Kasalanan Ba Ng Puso

Kasalanan Ba Ng Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-916-7

Sa unang kita pa lang ni Almira kay Paolo, napansin na niya agad ang kakaibang karismang taglay ng lalaki. Guwapo. Makisig. Edukado. At higit sa lahat, mayaman. Ngunit dagling sinikil ni Almira ang pagkaakit na naramdaman niya para sa binata. Wala siyang karapatang makadama ng ganoon para kay Paolo dahil hindi siya nababagay rito. Isa lamang siyang alila kung ituring sa bahay ng kanyang madrasta. Higit sa lahat, si Paolo ay pag-aari na ng anak ng kanyang madrasta na si Wanda, na hindi makapapayag na maagaw ng iba ang lalaking pangarap nito.

Kung Ako'y Iiwan Mo

Kung Ako'y Iiwan Mo

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-627-3

             Sabi kay Mae ng kaibigan niyang si Malou, hindi raw dapat pagkatiwalaan ang mga uniformed men. Dahil likas daw sa mga ito ang magiging babaero. Ang pagiging manloloko. Nang umibig si Mae kay Ricky na isang miyembro ng PNP, binalewala niya ang babalang iyon ng kaibigan. Nagtiwala siya sa pag-ibig ng lalaki nang walang pasubali. Ibinigay niya ang puso, ang kaluluwa, ang lahat-lahat.

Mahal Kita, Maging Sino Ka Man

MAHAL KITA, MAGING SINO KA MAN

Read This Book Online

Publish Date: 

1997

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-795-4

Maganda ang simula ng pag-iibigan nina Vergel at Mia. Makulay ang kanilang relasyon. Smooth-sailing wika nga. Wala silang pinagkakagalitang anuman. Walang pinag-aawayan. Ngunit isang araw, bigla na lang kinakitaan ng panlalamg sa nobyo si Mia. At nang usisain ni Vergel, umamin si Mia na may iba na siyang mahal. Ewan kung dahil sa natanim na poot kay Mia, nang may mangyaring krimen sa pamilya ng dalaga, siya ang agad na inakusahang suspect ni Vergel. Saan tutungo ang pag-ibig na lihim pa rin nilang nadarama sa isa’t isa?

My Protector

My Protector

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-141-8

May panganib sa buhay ni Meg. Isang obsessive admirer ang nanggugulo’t nagbabanta sa kanyang buhay. Kailangan niya ng protector, isang bodyguard. At ang most qualified sa position ay si Derick Romasanta, isang makisig na private investigator na nanggaling pa sa US. Ngunit may kondisyon si Derick. Para mabantayan nito ang kaligtasan ng dalaga sa loob ng beinte-kuwatro oras, kailangang magpanggap silang dalawa bilang mag-asawa. Tumutol ang isip ni Meg. Pero hindi ang kanyang puso.