Skip to main content

Nang Dahil Sa Pag-ibig

Nang Dahil Sa Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-705-9

Masidhi ang ambisyon ni Teresa. Mula pagkabata, pinangarap na niyang maging isang artista sa pelikula. At dumating sa kanya ang isang malaking pagkakataon nang ma-discover siya ng isang direktor. Ngunit mahigpit iyong tinutulan ng nobyo niyang si Emil. Ayaw siyang payagan ng lalaki na mag-artista. Nang isang gabi’y pasukin si Teresa ng isang lalaki sa kanyang silid at pagsamantalahan, isang tao lang ang pinaghihinalaan niya. Si Emil. Hinalay siya ng lalaki upang tuluyang mahadlangan nito ang pangarap niyang pumasok sa mundo ng pelikula!

Paano Magtitiwala Ang Puso?

Paano Magtitiwala Ang Puso?

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-489-0

Mga bata pa sila, bukas na sa kaalaman ni Dishella ang masidhing pangarap ng kasintahang si Dexter na makapagtrabaho sa Amerika. Dumating ang pagkakataong iyon nang mag-alok ng tulong ang tiyahin ni Dexter, na isa nang American citizen at nakabase na ang buong pamilya sa California.

Sa Kandungan Ng Kaaway

Sa Kandungan Ng Kaaway

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-523-4

Hindi malaman ni Shantana kung matatawa o maiinsulto sa kondisyong hinihingi ni Ricardo Riego kapalit ng iniaalok nitong tulong sa kanya. Magsama raw sila bilang huwad na mag-asawa. Isang kondisyon iyon na para kay Shantana ay isang malaking kalokohan. Ano ang nagbuyo sa lalaki upang alukin siya ng ganoong kasunduan? Dahil ba siya ang nasa gipit na kalagayan at iniisip nito na madali siya nitong mapapapayag sa kalokohang iyon? Hah, hindi siya sa ganoong patalim kakapit. Hindi sa patalim na iniaalok ng isang kaaway na tulad ni Ricardo Riego!

Sa Ngalan Ng Dakilang Pag-ibig

Sa Ngalan Ng Dakilang Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-405-X

May girlfriend na si Carlo – si Melissa. Ngunit ayaw ng mga matapobreng magulang ng dalaga kay Carlo. Pilit pinaghihiwalay ng mga ito ang magkasintahan. Pero hindi mapapayagan ni Clarisa na mangyari iyon. Tumulong siya sa pakikipaglaban ng pag-iibigang Carlo at Melissa. Ginawa niya ang lahat upang magtagumpay ang pag-ibig ng dalawa. Gumawa ng isang hakbang na alam niyang isang malaking kagagahan. Ngunit wala siyang pinagsisisihan. Dahil ang lahat ay ginawa niya sa ngalan ng wagas at mapagparayang pag-ibig kay Carlo...

Sa Pagitan Ng Poot At Pag-ibig

Sa Pagitan Ng Poot At Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-824-577-3

Aktibista si Malou. Sundalo si Glen. Itinuturing silang mortal na magkaaway sa lipunan. Nang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig sa isa’t isa, maraming isinuko si Malou, kabilang na ang pagpapahalaga niya sa kanyang mga prinsipyo’t paniniwala bilang isang makakaliwa. Pinili niya ang pag-ibig ni Glen, sa paniniwalang sa piling ng lalaki, pawang kaligayahan lang ang kanyang madarama. Ngunit sinaktan siya ni Glen. Pinaluha. Tama bang balikan niya ang buhay ng isang makakaliwa upang maging madali ang paglimot sa lalaki?

Sapagkat Mahal Kita

Sapagkat Mahal Kita

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-557-9

Isang magaling na manananggol si Evelyn. Tinitingala. Iginagalang. Dahilan upang pangimian siya ng mga lalaki. Kaya sa kabila ng pagiging matagumpay niya sa kanyang propesyon, hungkag ang buhay pag-ibig ng dalaga. Sadyang itinalaga na ni Evelyn ang sarili sa pagtandang dalaga. Ngunit dumating ang sandaling may isang nagkalakas-loob na magtapat sa kanyang pag-ibig. Ang lalaki’y si Cezar. Isang bilanggo. Ang kaso’y mabigat na “rape”. Paano natutuhang ibigin ng abogadang si Evelyn ang isang maituturing na kriminal na tulad ni Cezar?

Sapat Na Ang Minsa'y Minahal Mo Ako

Sapat Na Ang Minsa'y Minahal Mo Ako

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-533-1

Hindi karaniwang nangyayari sa araw-araw na umibig sa isang tulad ni Nimfa ang binata, guwapo, mayaman at edukado na tulad ni Jordan. Sa tulad ni Nimfa na bukod sa isa lang pipitsuging singer/receptionist sa isang club, ay may anak pa sa pagkadalaga. At para kay Nimfa, ang di-pangkaraniwang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang alok ni Jordan na pakasalan siya. Siya mismo kasi’y hindi makapaniwala na tunay nga ang nadaramang pag-ibig para sa kanya ng lalaki. Kaya hindi kailanman hinangad ni Nimfa na itali si Jordan sa kanya bilang asawa.

Subukin Man Ang Pag-ibig

Subukin Man Ang Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-305-3

Penpals sina Rossana at Gabriel. Nag-ibigan at naging magkasintahan sila sa panulat, sinubok ng tadhana ang tibay ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Ibang Gabriel ang nakaharap ni Rosanna, isang lalaking iba na ang pangalan. Ang lalong masakit, nagkaroon ng simpatya si Gabriel sa pinsan ni Rossana, si Carol.

Tubusin Mo Ang Kasalanan

Tubusin Mo Ang Kasalanan

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-865-9

Malaki ang kasalanan sa akin ng iyong ama! Naniningil lang ako!” Ito ang sinabi ni Rowel kay Jayne nang dukutin siya nito at pagtangkaang halayin. Walang ideya si Jayne kung ano ang kasalanang tinutukoy ng lalaki. Ngunit nang malaman niya ang lahat, siya mismo ang nag-alay ng sarili niya kay Rowel. Isinakripisyo niya ang sarili upang tubusin ang kasalanan ng kanyang papa sa lalaki. Ngunit may pagsasakripisyo ba na sa halip na magdusa ay nag-enjoy pa nang husto ang gumawa?

You Belong To Me

You Belong To Me

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-923-X

Ikakasal na lamang sila noon ni Adrian nang matuklasan ni Via ang kataksilan ng lalaki. Dahil doon, tumalikod siya sa nakatakdang kasalan. Nagtungo ang lalaki sa Amerika at hindi na sila muli pang nagkita. Pagkalipas ng apat na taon, muling nagbalik si Adrian at nagsabing gagawin nito ang lahat upang muling mahalin ni Via. Ngunit masyado nang huli para dugtungan ang nakaraan nila ni Adrian. Dahil bukod sa ikakasal na si Via sa ibang lalaki, hindi niya na rin alam kung paano pa muling magtitiwala kay Adrian.