Skip to main content

LATEST UPLOADS

Sep 30 2012 - 08:26

“Denise, let’s settle this, okay, honey?” bulong nito. Hindi pa siya handang makipag-argumento sa kanyang puso at isipan. Hinayaan niyang maramdaman niya ang bagong tuklas na damdamin. She must study it and decide later. Tinitigan nito ang mukha niya; hinaplos nito iyon—nagbaba¬lik ang Evan James na kilala niya noon. Gentle and sweet. “Please, let me love you for the second time,” pagsusumamo nito.

Pangako Ng Kasal
Sep 28 2012 - 04:30

“I’m glad natupad ang mga pangarap mo,” mahinang sabi ni Jade kay Rommel. Ngumiti ito, may pait sa mga labi. “Salamat. Ikaw, kumusta ka na? Bakit dalaga ka pa rin hanggang ngayon?” tanong nito. Wala siyang nakahandang sagot. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. “ Naging b-busy ako sa trabaho ko,” pagsisinungaling niya. “Really?” Nilapitan siya nito. Nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong yakapin. Hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya nagawang tumutol. Hindi man niya aminin ay pinanabikan niya ang sumunod nitong ginawa. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili dahil heto siya at parang baliw na umiibig pa rin…

The Senator's Daughter
Sep 26 2012 - 05:38

Lahat ng hibla ng pag-ibig ay pinatay ng poot, ng galit at pagkamuhi sa lumikha ng malagim na gabing iyon. Kaya sumumpa si Leda na hanggang sa huling tibok ng puso, ipaghihiganti niya ang dinanas na kasawian. Pero dumating sa buhay niya si Max, isang abogado. Mabait, maunawain at mapagmahal. Si Sato, ang hapones na nagbigay kay Leda ng lahat ng kaginhawahan... Si Bingo na isip-bata ngunit tapat ang paghanga... at ang tinik na si Congressman Vienes na dumurog sa kanyang kaluluwa at pagkababae. Ito ang isinama niya sa hukay... pagbabayarin niya sa ginawang kahayupan.

Huling Tibok Ng Puso
Sep 25 2012 - 06:43

“Nade, ayusin mo nga ang mga sinasabi mo. Hindi kita maintindihan.” “Ano’ng mahirap intindihin doon? I want to take you home. You and your son. At sa pagkakataong ito ay hindi mo na siguro iisipin na may ulterior motive ako dahil mabuti na ang lagay ng anak ko and I don’t need anything from you anymore. Nothing except your love.” “Love? Ako ba, eh, inuuto mo? Para namang hindi ko alam na may Meg ka at—” “She never meant much to me. At ako man ay ganoon din sa kanya. Besides, after what she did, sa tingin mo ba ay gugustuhin kong masilayan pa siya? Idagdag pa roon, paano ko siya hahayaang manatili sa buhay ko kung may iba na akong mahal? And this time, the feeling is genuine.” “H-ha?” Parang hihimatayin yata siya. “Oh, Carrie, it took me a while to realize it but I’m in love with you.”

Down On Luck
Sep 24 2012 - 06:33

Nagulat si Lorraine nang sabihin sa kanya ni Jacob na magsama sila sa iisang bubong. “I promise, no touching. Unless…” dagdag nito, “unless you make the first move.” Napanganga siya. “You have an incredible ego! Do you think I would jump into bed with you?” Tumawa ito. “Okay, so you won’t. Your answer, please?” Napaisip siya. This was her chance to give him a dose of his own medicine! “Okay, if that’s what you want, fine with me!” “Good. Tomorrow ay magsasama na tayo.” Tomorrow! Ganoon na ba kabilis ang kanyang death sentence? And good grief, hindi rin siya makapaniwala na nagpatangay siya sa kalokohan ng lalaking kanyang kaaway.

Pretend You're In Love
Sep 23 2012 - 04:58

May malagim na nakaraan sa pagitan ng magkapatid na Rem at Jules. Dahil iyon sa pag ibig sa iisang babae kay Grace.. Na humantong sa kamatayan ng babae. At pagkabaliw ni Jules! Marami ang nagsasabi, naganap ay ganoon dahil sa sumpa na minana ng angkan ng magkakapatid na Rem at Jules sa mga naunang namahala sa Vida Verde, ay isang pag-aari nila. Iyon ang tutuklasin ni Cel. Nobya sa kasalukuyan ni Rem at sa kung anong biro ng tadhana ay kamukha ni Grace!

Magkapatid Sa Dugo, Magkaribal Sa Puso
Sep 21 2012 - 06:54

Ang sabi ni Gwen, gusto niyang gawing project si Brad para maging king of her heart. “Gusto kong bihisan ka na mukhang bad boy. Gawin nating flat tops ang buhok mo, complete with dye and gel. Naka-leather vest ka lang at kita ang dibdib mo. Leather pants with matching Outback boots. Complete accessories of silver chains and rings. Tapos nakasakay ka sa big bike. May hikaw ang ilong at dila. Whoa, Brad! Papa material ka na sa akin pag nagkataon!” Pero naglalaro pa lang sa isip ni Brad ang larawan, gusto na niyang maduwal.

King Of My Heart
Sep 19 2012 - 06:23

Kung si Reydom ang tatanungin, tinik sila ni Faith sa lalamunan ng binata. But he loved them both. At ang pagpapahalagang iyon nito ang dahilan kung bakit kahit mahirap ay tinitiis nila ni Faith ang bawat isa. Maraming mga pintas sa kanya ang dalagita. In return, marami rin siyang ayaw rito. Sa kabuuan, patas lang sila. He smiled ironically at itinuloy ang pagkain ng ice cream.

By Heart
Sep 18 2012 - 04:03

“Bakit ngayon ka lang?” sumbat ni Gabby kay Andrea. “Akala ko ba ayaw mo sa akin bilang bodyguard mo dahil babae ako? “Tapos ngayon, nagagalit ka na hindi n’yo ako kasama?” pagtataray niya na ikinalisik ng mga mata ng lalaki. Humugot ng hininga ang dalaga para kalmahin ang sarili. Kailangan niyang alalahanin na para magawa niya ang kanyang trabaho nang hindi napapansin ng publiko, they were supposed to act sweet toward each other… she has to act like she was in love with Gabby. She sneered. Siya, in love sa mayabang na lalaking ito? Not a chance.

My Lovely Bodyguard
Sep 15 2012 - 22:50

Nang mamatay ang kanilang mga magulang, ang mabigat na responsibilidad ng pagdadala sa pamilya ay nalipat sa panganay na si Elisa. Bukod sa gipit nilang kalagayan, natuklasan pa niya na nakasanla ang kanilang lupa at bahay kay Theo Romano at nakatakda nang ilitin ito ng haciendero. Mawawalan sila ng tirahan at kabuhayan. Paano makukumbinsi ni Elisa ang ruthless na haciendero para bigyan sila ng palugit para makabayad? Kailangan gumawa ng paraan ang dalaga, gaano man ito karahas.

Sapagkat Ikaw Ay Akin