Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jul 25 2012 - 06:54

Halos gabing-gabi ka na iniuwi ng lalaking ‘yon, ah.” May pang-uuyam sa tono ni Rusty na ipinagtaka ni Janelle.
“Ano ba ang problema mo? Wala ba akong karapatang magsaya sa piling ng mga kaibigan ko? Denny happens to be one of them. And I want to have fun!” Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Rusty. Nakadama ng panic ang dalaga nang hubarin nito ang suot na t-shirt sa harap niya. “A-anong gagawin mo?” kinakabahang tanong niya.
“You want fun, di ba? Ako na lang ang magbibigay niyon kesa kung sinu-sinong lalaki!” marahas na sabi ng binata. Mabilis siya nitong dinaganan at siniil ng halik sa labi.
Janelle had dreamt of being kissed by him. But never like this.

 

 

 

Kahit Kapirasong Pag-ibig Lang
Jul 23 2012 - 07:32

Nginitian siya ni Mama Madel. “Alam mo, kung hindi mapagmahal `yang ama mo, nunca kong patulan. Wala namang datung.” Humagikgik ito. “Kaso, tinamaan ako ng tunay na pag-ibig. Sana, ikaw, `pag umibig, doon sa mayama—” Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil nakarinig sila ng malakas na kalabog sa labas. “Papa!” sigaw niya at sumugod sa labas. Nakahandusay sa semento ang papa niya, tutop ang dibdib. “Federico!” Dinaluhan ito ni Mama Madel.

Cinderella: Cinny, The Tamed Shrew
Jul 22 2012 - 08:21

“You know I want you so much, Kristine…” anas nito nang sandaling maghiwalay ang mga labi nila. Nag-uulap sa emosyon ang mga mata nito. “Alam mong may mangyayari kapag nagpatuloy tayo. I’ll stop if you tell me to stop. But I wish—” Masuyong tinakpan ni Kristine ng dalawang daliri ang bibig ng lalaki para putulin ang sasabihin pa nito.

Lost In Your Embrace
Jul 19 2012 - 17:34

The kiss was long, slow, tender, and loving. Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niyang namnamin ang masarap na pakiramdam na idinulot niyon sa kanya. “Did you miss me? She opened her eyes. “After five days of not seeing you? No. Never,” sagot niya. “Never?” Lumanding ang kamay nito sa kanyang baywang. May kiliti siya roon. “Na-miss pala. Na-miss po kita. Pero kiniliti pa rin siya nito.

My Everything
Jul 18 2012 - 08:06

Tatlo lang ang misyon sa buhay ni Emily noon: mapasaya si Marco, makuha ang atensyon ni Marco at maging proud si Marco sa kanya. Hanggang sa ma-realize niya kung gaano ka-pathetic ang sitwasyon niya. Para siyang nanlilimos ng pagtingin nito. So without a word, she left him. Ganoon na lang ang pagtataka ni Emily nang galit at panunumbat ang iniharap ni Marco sa kanya sa muli nilang pagkikita matapos ang limang taon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi nagustuhan ng lalaki ang pag-alis niya noon. Gustong isipin ni Emily na minahal din siya nito but it seemed impossible. Mas kapani-paniwala pang isipin na nasaktan ang ego nito dahil nagawang isawalang-bahala ng isang ordinaryong gaya niya, ang isang katulad nito…

 

Ayoko Na Sana
Jul 16 2012 - 13:16

              “You spent a month trying to learn the violin? What for?”  

                “So, I can make this moment a perfect one for you.” Lumuhod ito sa harap niya. Inilapag nito sa lupa ang hawak na violin at may dinukot na kahita sa bulsa nito. Binuksan nito sa harap niya ang kahita. “Will you marry me, my beautiful soul?”

Beautiful Soul
Jul 15 2012 - 07:56

“Ayokong mag-asawa, pero gusto kong magkaanak.” Nasamid si Nathan sa gulat nang marinig ang sinabi ni Bethany. Hindi nito marahil inisip na ang tulad niyang tila manang manumit ay may ganoon ka-liberal na plano sa buhay. “Bakit?” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Why not? I can as a good provider as any man could be. Hindi porque nag-iisa ako, hindi ko na maaalagaan ang magiging baby ko. So okay lang sa ‘kin maging sperm donor lang ang kung sino mang magiging ama ng baby ko.” Napansin niyang natahimik si Nathan nang ilang sandali. “What are you thinking?” Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi ng binatang boss. “I’m thinking that if you really want a sperm donor… ako na lang.” Muntik nang himatayin si Bethany sa narinig.

Inosenteng Puso
Jul 12 2012 - 06:59

“All set, Courtney, darling?” Nginitian ni Courtney ang literary agent at kaibigan niyang si Lizzie. Isa itong Amerikana, dating contributor sa pinagtatrabahuhan niyang magazine noon. “All set. I’m a little nervous, though.” “Nervous?” Tumawa ito. “Well, I don’t blame you. It’s your first book. I can’t believe you’re officially an author of a best-selling book.” “Shut up!” natatawang saway niya rito. Ano bang best-selling book agad ang sinasabi nito? Pipirma pa lang siya ng selling contract sa publisher ng libro niya.

Breakfast At Courtney's
Jul 11 2012 - 07:26

It was probably fate’s way of intervening in Adelle’s too mundane life. Isang gabi ay sumulpot sa kanyang pinto ang kapitbahay niyang abogado. Hinang-hina ito dahil sa forty degrees yatang temperature. Tulak ng kagandahang-loob, minabuti niyang alagaan ito sa mismong silid niya. Hindi niya akalain na ang kabutihang ginawa niya ay magdudulot ng pahamak sa kanya. Nagising siya kinabukasan at natagpuan ang galit nag alit niyang lola habang nakatingin sa kanila ng di-nakikilalang lalaki na naabutan nito sa kanyang unit. Lalong lumaki ang problema ni Adelle nang sa halip na itanggi ni Keith ang hinala ng matanda, sinabi nitong nagmamahalan sila at handa siya nitong panagutan!

Lead Me To Love, Adelle
Jul 9 2012 - 06:34

What if someone set out to kill her? That’s ridiculous! She tried to dismiss the thought. Sa pelikula lang nangyayari ang ganoon. But she couldn’t shake off the feeling. Kinakabahan na siya kaya nang may marinig siyang kaluskos ay napalundag siya mula sa kama. Hindi na niya gaanong pinag-isipan ang gagawin. She ran straight to the door that lead to Ivar’s room.

My Love, My Hero: Ivar