Skip to main content

LATEST UPLOADS

Sep 14 2012 - 05:29

Nang unang makatagpo ni Dianne si Brad, malaki na ang problemang dinadala niya. Sa kanya inihabilin ng ate niya ang responsibilidad nito sa anak nito sa pagkakasala. Paano ba niya ipapaliwanag iyon sa kanyang mga magulang? Umalis siyang dalaga sa kanila; ngayon ay babalik siyang may anak na, ngunit walang asawa! Nang sumunod na aksidenteng pagkikita nila ni Brad, hindi na nila naiwasan ang isa’t isa. Tila ipinag—aadyang pagtagpuin sila ng tadhana. Sa pagkakataong iyon ay nahingahan na niya ito ng problema, naging karamay, hanggang sa ito na ang gumanap sa isang napakahalagang papel sa buhay nila ng kanyang pamangkin. Ito na ang nagpakilalang asawa niya at ama ng bata nang hindi siya paniwalaan ng kanyang mga magulang!

Endings and Beginnings
Sep 13 2012 - 05:10

“Gusto ko lang sanang magpakilala sa’yo nang pormal,” anang lalaking humabol kay Ina. Tanda niya pa ang kapreskuhan nito noong una silang nagkaengkuwentro kaya nagtaray siya. “At bakit, sa palagay mo, magkakainteres akong makilala ka? Na guwapo…” Natigilan siya nang tumambad sa paningin niya ang nakaburdang pangalan sa uniporme ng lalaki: Lt. Kyle Magdayao. Napatayo siya ng tuwid at masama ang loob na sumaludo rito. “Begging your pardon, Sir.” He gave her a disarming smile. “I will accept your apology kung papayag kang mag date tayo.” Bukod sa bawal tumanggi sa isang senior officer, hindi niya rin iyon magagawa dahil sa mga mata nitong napakalagkit tumingin. “Sir, yes, Sir,” aniya. Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki…

The Man I Love - Safe In Your Arms
Sep 12 2012 - 07:13

SA pagbabalik ni Trisha sa kanilang asyenda sa Bacolod, matapos ang mga kabiguang dinanas niya sa Maynila na may kinalaman sa kanyang career, naiwan niya sa roon ng kanyang nobyong si Chuck. Nagkalapit naman sila ng kanyang kababata at maituturing na childhood sweetheart na si Mark. Isang trahedya ang naganap sa kanilang pamilya at kinukutuban siyang may kinalaman doon ang kababata. Ang dating hindi makabasag-pinggan na dalaga ay naging tila isang tigre sa bangis at lupit. Sabi nga ni Mark, wala itong puso. Iyon din ang obserbasyon sa kanyang marami. Maging ni Chuck.

Ang Babaing Walang Puso
Sep 10 2012 - 07:03

ALESSANDRA had the time of her life playing Rafael’s wife, knowing that her chances of becoming his real wife was something close to impossible. Tinotoo niya ang pangakong gawin na parang hari ito. Ipinagluto niya ito, pinagsilbihan at binuhusan ng atensiyon. Siya man ay nag-enjoy sa pagpapakamartir dahil napakasarap palang maglingkod at magpasakop sa taong isang iniibig. Kahit na hindi dapat ay hinayaan niyang masilip nito ang tunay na pagkatao niya

Alessandra: The Heart Stealer
Sep 7 2012 - 04:55

“I don’t want your damned flowers!” derechong sabi ni Maia sa nakangising si Jerry. “Ano’ng masama d’on? Babae ka naman, hindi ba?” paalala nito sa mga hinala noon sa school na tomboy siya. “Kung inaakala mong makakadagdag ito sa pagkalalaki mo, nagkakamali ka. Loser ka pa din para sa akin!” “We’ll see about that,” hamon nito. He quickly wrapped his arms around her and gave her a hard kiss on the lips. Talo ako, amin niya sa sarili habang tinutugon ang halik ng binata.

Surrender To Me, My Love
Sep 6 2012 - 05:51

“THANK you. Thank you very much,” taos-pusong pasasalamat ni Micah kay Dave. “I won’t forget what you did for me for as long as I live.” “You’re very much welcome,” tugon nito. “Pero ewan ko kung uulitin ko pa `yon kung mahaharap uli ako sa gano’ng sitwasyon. Many people praised me for it. But I also got a lot of flak. Mali raw `yong ginawa ko. Inilagay ko lang daw lalo sa panganib ang buhay mo. Paano nga naman kung sumablay ako? Kung hindi ko tinamaan `yong suspect? Sabi ng mga experts, na nabasa ko sa mga diyaryo, ang tendency raw ng suspect na `yon kung sumablay ako ay ang mamaril sa direksiyong pinanggalingan ng bote. Matao `yong kinaroroonan ko. Tiyak na marami siyang tatamaan.” “Pero no’ng inaasinta mo pa lang ng bote `yong hostage taker, sigurado ka ba no’n na tatamaan mo siya?” tanong niya rito. “Yeah, I was confident that I will hit him.” “You were also confident that you could save me?” “Yes, I think so.”

Free My Heart
Sep 4 2012 - 05:24

The moment Missy set her eyes on Eric, for the first time in her spoiled, sheltered and easy life, she fell in love. Kaya nga kinulit niya ang ama na ipasok siya bilang sekretarya ng binata. Iyon ay sa kabila ng katotohanang pag-aari nila ang kompanyang iyon. Mariin ang pagtanggi ni Eric. “I don’t have any intention of working with a Barbie doll-looking girl whose major concern is how not to break her nails!” Tumaas ang kilay niya. Duh! Kasalanan ba niyang maging maganda? She graduated at the top of her class. How hard could working as his secretary be? Hindi susuko si Missy. Ipapakita niya kay Eric that she was matured enough for the job… and for his love.

Nagkamali Ba Ang Puso?
Sep 3 2012 - 05:57

“YOU’RE leaving me here?” bulalas ni Miggy. Painosenteng ngumiti si Bugs. “Hindi ko ba nabanggit sa iyo? May pupuntahan ako. Dito ka muna sa Hyper. Babalikan na lang kita mamaya before closing.” “Where the hell are you going?” His eyes had turned stormy gray. Mukhang manlulumpo ito ng tao. “I have a date.” Tumabingi ang ngiti niya. Instinct told her to dive under the counter, pero siyempre, hindi niya ginawa iyon. She was too tough to be intimidated. Besides, kahit lukut-lukot ang mukha, guwapo pa rin ito. “You have a date?!” Dinig yata ng buong Hyper ang tinig nito. Napangiwi siya. “Sshh... Malakas pa sa CounterStrike ang boses mo.”

My Lovely Bride: Bugs & Miggy
Aug 31 2012 - 07:31

Nagulat si Patty nang lumabas siya sa cubicle at nakita niya si Gerard na nakatayo sa kanyang harapan. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “I just want to talk to you,” mahinahong sabi ng binata. “Wala na tayong dapat pag-usapan,” mariing tanggi niya na sinubukang lumabas ng pinto ngunit hinila siya nito at isinandal sa pader. “Bakit umiiwas ka?” “Ano bang umiiwas ang sinasabi mo?!” “Mahal mo ba talaga si Ryan o ginagamit mo lang siya para saktan ako?” “Mahal ko siya at siya lang ang minahal ko at mamahalin ko habang-buhay.” “Talaga?” balik nito at siniil ng halik ang labi niya. Kahit pa sinasabi ng kanyang utak na kumawala rito at lumabas ng rest room ay hindi niya napigilan ang sarili na sagutin ang mga halik nito. Naramdaman niyang muli ang panghihina na kanyang nararanasan sa tuwing hahalikan siya nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung bakit hindi niya nararamdaman iyon kay Ryan.

Magbalik Ka Sa Akin
Aug 30 2012 - 12:32

“Then it’s confirmed, Angela. Mula ngayon ay ikaw na ang surrogate mother ni Christine.” Napahumindig siya. Surrogate mother? Puwede nga naman iyong substitute word for tutor-governess. Ngunit kahit pa. Bakit sa pandinig niya ay iba ang dating niyon? “You accept the job?” “I’m... I’m still not sure.” “What can I do to make you sure?” Ano nga ba? Napatitig siya rito. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya nang pagkatamis-tamis. Nakadama siya ng pagkailang. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Mahal Mo Ba Ako?