Skip to main content

LATEST UPLOADS

Aug 12 2012 - 18:34

Gusto mong iligtas ang kompanya ninyo?" Ian asked. "Oo," derechong sagot ni Kendra. "Gusto mong pakasalan kita?" Iyon ang kondisyon ng ama ng dalaga para isulong ang deal. "Hindi." Nakita niya ang mapaklang ekspresyon ng binata. "Pero nakahanda akong gawin ang gusto mo." She blushed upon realizing the impact of her words. "You are asking too much." sabi nito. Hindi pa, Ian. Kendra would like to say. Hindi ko pa hinihingi ang pag-ibig mo. Now, that would definitely be asking too much...

Sweet Surrender
Aug 10 2012 - 10:48

“Parang kailan lang, dalagita ka pa lang ng unang magkita tayo.”
“Madalas pa akong madisgrasya noon.” Natawa siya. “Well, hanggang ngayon naman.”
“Natatandaan ko pa nang malaglag ka sa swimming pool,” anito na tila binabalikan ang nakaraan.
“At ikaw ang sumagip sa akin.”  Lumingon siya rito. Natawa ito.
“And I still remember nang huli tayong magkausap bago ako umalis...” Nawala ang ngiti sa mga labi nito at tumitig sa kanya.

 

Ikaw Ang Kapalaran Ko
Aug 8 2012 - 08:10

“I want to kiss you, Sam,” anas ni Kyle. His breath gently fanned her face. “W-we shouldn’t…” nagawang sabihin ni Samantha kahit parang binabayo ang dibdib niya. “I know, but I still want to do it anyway,” puno ng pagnanasang sabi nito. “A-ako rin,” pag-amin niya. Iyon lamang ang tila hinihintay nito. Kaagad na bumaba ang mga labi nito sa kanya at wala na siyang namalayan sa paligid niya. Kahit ang katotohanang magkaibigan lang sila at may ibang nagmamay-ari kay Kyle ay nalimutan na rin ni Samantha.

So Wrong, So Right
Aug 6 2012 - 12:19

“Have a drink with me, at least, Kristie.” Humigpit ang hawak nito sa kanyang braso.
Naduwag siya sa epekto ng titig na iyon sa kanya. “H-hindi na... salamat na lang!” piksi niya na kumawala mula rito at hukabang palayo. “Gusto ko nang magpahina. Bukas na lang tayo mag-usap after we get some sleep. Sige na, pinalitan ko ng bagong bedsheet ang iyong kama. Kailangan mo na ring—”
“Kama ko? Dammit, Kristie, hindi ko iyon kama, and you know it! Ating silid? Ano na ang nangyari sa ating kama, sa ating silid na dati nating pinagsasaluhan?”
 

Love Pretenders
Aug 5 2012 - 07:05

 

Malapit nang masiraan ng bait si Russel Ralph Montero sa assignment niya. Ang mission: bantayan ang dalagang anak ni Major Amado na si Avon na gusting pakasal sa sira-ulo nitong nobyong si Carlitos. Kinailangan niyang magpanggap na bading para makapag-apply na assistant sa shop ng dalaga. Gumawa rin siya ng paraan para magkasama sila sa bahay. Ilang beses na nitong pinagdudahan ang kasarian niya. Di lang sapak ang inaabot ni Russel kapag nahuhuli siya ng babae na nakatitif sa mga assets nito. Para namang tukso na dikit ng dikit si Avon. Kapag hindi siya nakapagpigil, papatulan niya talaga ito…

 

Bantay - Salakay
Aug 2 2012 - 06:22

“Bakit ka naman nanliliit?” tanong sa kanya ng binata. Ngumiti siya rito bago sumagot. “Dahil na-realize ko na kaya kong mag-ulam kahit tuyo basta ikaw ang kapiling ko.”  Napayuko siya. “Huwag mong isipin na kaya ko ito ipinagtapat sa iyo ay dahil may pera ka na at may malaking kabuhayan.  Gusto kong malaman mo na kahit ikaw pa ang pinakamahirap na tao sa mundo, ikaw pa rin ang mamahalin ko,” pagtatapos niya.     “Alam ko naman `yan, eh,” nakatawang sabi ni Jeth. “Eh, di boyfriend mo na ako mula ngayon?” “Oo,” simpleng tugon naman niya. “Hanggang sa tayo ay ikasal.” “Hanggang sa tayo ay ikasal,” ulit niya. Lumapit si Jeth sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.  “I love you with all my life,” sabi nito.

Sana Sinabing Mong Mahal Mo Ako
Aug 1 2012 - 03:49

Ayon sa kanyang tiyahin, sa bisperas ng birthday niya, kailangan niyang maglagay ng three red roses sa ilalim ng kanyang unan. Mapapanaginipan niya daw ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Out of curiosity ay sinunod ito ni Lorraine. Ayon pa sa tita niya, ginawa iyon ng ginang noon kaya masaya ang married life nito. Ngunit limang taon niya na iyong ginagawa, pero lagi na lang ay nakakalimutan niya ang mukha ng lalaking napapaginipan sa tuwing nagigising siya. Pero papaano kung matuklasan niyang ang lalaki sa panaginip tuwing sasapit ang birthday niya, ay fiancé na pala ng ate niya?

Roses And Dreams
Jul 30 2012 - 02:57

For a long moment, he didn’t move. And then, with one extended finger, he reached out to trace delicately the line of her jaw, and then the outline of her lips. Prickles of electric heat followed his touch, and her mouth opened slowly. His finger slipped inside and began ever so slowly to caress the sensitive inner surface of her lips.

My Love, My Hero: David
Jul 28 2012 - 23:47

“Natatakot akong bigla ka na lang maglaho pagbalik mo ng Manila,” sabi ni JM. “I need something.” Alam ni Gindy kung ano iyon. Guarantee. Ito ang ang mahirap sa madaliang relasyon, walang masyadong pundasyon. Hayun tuloy, nangangapa sila sa isang bagay na makakapag bigay sa kanila ng katiyakang walang mababago sa ilang linggong paghihiwalay. Bigla, nagkaroon siya ng ideya. Marahil kapag ginawa niya iyon, mauunawaan ni JM ang tindi ng kanyang damdamin dito. Baka sakaling mawala sa dibdib nito ang takot at pag-aalinlangan. Buo ang loob, nag-angat si Gindy ng mga mata rito, umaasang makikita ni JM doon ang kanyang damdamin. “Take me home and I’ll give you the guarantee you need.”

Isang Gabi Ng Pag-ibig
Jul 26 2012 - 05:32

Pinaghiwalay man ng tadhana sina Lean at Agatha nang matagal, pilit pa rin silang pinagtagpo ng kanilang mga pusong wagas na nagmamahal para sa isa’t isa.

Sa Pagbabalik Ng Puso