Skip to main content

LATEST UPLOADS

Aug 28 2012 - 06:41

“Excuse me?” gulat na lingon nito. Hindi nito tiyak kung tama ang narinig. Binagalan nito ang pagmamaneho. “Sabi ko, puwede ka bang mag-pose nang hubad para sa akin? Perfect subject ka kasi para sa painting ang sculpting ko. Maganda ang katawan mo kaya it would be a challenge sa akin na i-capture ka on canvass and wood.” “You paint and sculpt? Now I’m amazed. You’re quite a talented lady, aren’t you? You sing, you paint, you act and can even sculpt. Tell me, is there anything you can’t do?”

Never Meant To Hurt You
Aug 27 2012 - 14:10

“Sabina?” Napapitlag siya sa kinauupuan. Nag-angat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang taong nagpapagulo sa kanyang isip. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Hindi kita nakitang lumapit.” “Nag-alala ako. I saw you leave suddenly. Masama ba ang pakiramdam mo? Is there something wrong?”

My Lovely Bride: Sabina & Illac
Aug 24 2012 - 04:55

Nang mag-decide magbakasyon sa Vigan ang workaholic na si Harry Santillan, he found a lot more than a break from the hustle and bustle of city life. Isang araw na nagpunta siya sa beach, he came across a corked bottle with a rolled-up message inside. It read: I missed our walks in Plaza Burgos, our endless talks while strolling along the white sand beach of Pug-os, hearing mass on Sundays at St. Paul’s Cathedral. But most of all, I just missed you… Kay Kaagad ay naantig damdamin niya sa love letter na nabasa. Alam niyang hindi siya matatahimik hangga’t hindi natatagpuan ang sumulat niyon. In search of the writer ay nakikilala niya si Kat, ang babaeng di niya inakalang mamahalin nang lubos. Pero natuklasan niya na si Kat at ang babaeng sumulat ng love letter ay iisa. Nasaktan siya sa nabatid na iyon. Kaya pa kaya niyang agawin ang pagmamahal ni Kat? At paano niya gagawin iyon?

The Love Letter
Aug 23 2012 - 08:38

A part of her was screaming that she must tell him the truth, that it was impossible that she was Lavinne del Grande. Kung siya si Lavinne, dapat ay may kahit katiting na alaala man lang siya ng naging buhay niya sa piling ng mag-asawang del Grande.

Astrid: The Fake Princess
Aug 21 2012 - 20:20

Hindi na maalala ni Claudine kung kalian niya unang minahal si Martin. Nakalakihan na niyang palagi itong nasa tabi niya, nakaagapay. Halos sanay na rin siyang iyakan gabi-gabi ang katotohanang walang katugon ang lihim na pagmamahal niya para rito. For Martin, she was only the younger sister he never had. Kahit nang sabihin nitong magpapakasal na ito sa nobya nito, hindi siya tumutol kahit gusto niya. Wala siyang karapatan. But opportunity knocked at her door. May pag-asa pa para maging kanya si Martin. Kaya lang hindi iyon magugustuhan tiyak ng lalaki…

All For Love
Aug 20 2012 - 17:47

“Wala ka man lang ba kahit katiting na romantic sense d’yan sa katawan mo? Paano kung kailan kasal na tayo, saka naman dumating ‘yong babaing mamahalin mo talaga? Paano ka pa kakalas sa akin? At ako, paano kung dumating din ‘yong totoong soulmate ko kapag kasal na ako sa ‘yo?” “Erika, ‘yang roma-romantic sense, nasa utak lang ‘yan. Pumayag ka na rin sa gusto ng mga parents natin para wala nang problema.” “Ikaw ‘tong may kasalanan ng lahat, e. Kung hindi kita tinulungan sa drama mo sa Trina na ‘yon, hindi naman magkakaganito. Nadamay pa tuloy ako.” Parang maiiyak na siya habang sinasabi iyon.

Eternity 2: Partners in Crime
Aug 17 2012 - 06:49

“I want my first boyfriend to be my last,” ani Bea kay Dennis. “Paano mo malalaman na siya nga ang right guy for you kung hindi mo susubukang makipagrelasyon sa iba?” “There will always be signs.” Napangiti ito at napailing. “You’re a hopeless romantic. Too old-fashioned.” Tama ito; makaluma siya pagdating sa pag-ibig. Pero hindi naman maialis sa kanya ang paghanga sa iba, gaya ng matinding paghangang nararamdaman niya para sa lalaking ito. And if Bea would be more honest to herself, she would admit she was feeling more than a simple admiration for him… siyang dahilan kaya hindi niya maaaring hayaang maakit si Dennis. He was an expert when it came to playing with women’s hearts…

Nagkataon, Nagkatagpo
Aug 16 2012 - 07:09

ULILANG-LUBOS si Caryl. Namatay sa pakiki-paglaban sa Mindanao ang sundalo niyang ama at ang kanyang ina naman ay sumunod pagkatapos ng isang taon dahil sa sakit na cancer. Inihabilin siya ng huli sa Tita Rizza niya, ang nag-iisang kapatid nito. Dahil doon ay napilitan siyang iwan ang lugar na kinalakihan at lumuwas sa Maynila. Naipagbili na kasi ang lupa’t bahay nila para sa pagpapagamot ng kanyang ina. That was about three years ago.

Caryl: The Pretentious Temptress
Aug 15 2012 - 06:40

Pagdating sa amang si Menandro, tila bato na ang puso ni Yelena. Saksi siya sa paghihirap ng ina dahil sa ginawa ng amang pagtataksil ditto, hanggang nga sa mamatay ang babae sa sakit na cancer. Umuwi man siya sa bayang sinilangan, malayo pa rin sa isip niyang patawarin ang ama. Ang tanging rason kaya siya ay naroon ay upang lalo itong pasakitan. Nais niyang pagdusahin ito sa lahat ng ginawa nito sa kanilang mag-ina. Pero hindi naging madali sa kanya na gawin iyon. Sa tuwina kasi, naroon si Drix na mistulang tagapagtanggol ng ama niya. He was intent on melting Yelena’s heart of stone. At kung hindi siya kayang kumbinsihin ng mga salita nito, his searing kisses would...

The Man I Love - Passionate Encounter
Aug 14 2012 - 05:42

“See?” pagbibiro niya kay Nico nang makatayo. Nagsalubong ang mga kilay nito. “I’m really sorry, Lara,” anito uli sa babae. Hindi na pinansin ng binata ang pagsama ng mukha nito. Hinawakan na lamang siya nito sa braso at hinila palabas. “Ano ba?” pigil na reklamo niya habang pilit ang pagsunod kay Nico sa parking space. She was frantic. He was almost dragging her away. “Nasasaktan na ako, Nico. Please, let go.” Subalit tila hindi siya narinig ng binata.

Sa Akin Lang Ang Iyong Puso