Skip to main content

Nasaan si Dalia?

 

ISA sa mga kontroberyal na kaso ang pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor. Isa sa mga suspek ang kanyang misis na si Dalia Guerrero Pastor, 28, ngunit mula nang maganap ang krimen ay hindi pa nakikita ang babae.

Love triangle ang sinisilip na anggulo sa pagpatay kay Enzo. Sinasabi sa mga ulat na may relasyon si Dalia sa negosyanteng si Domingo "Sandy" De Guzman. Sa testimonya ng mga kasmbahay ng mag-asawa ay sinasabing may “sexual realtionship” ang dalawa at madalas magkita kapag nasa labas ng bansa si Enzo.

Selosang misis nabaril ng mister

WALA nang buhay bago pa nakarating sa ospital ang isang 27 anyos na misis matapos na tamaan ng bala ng improvised caliber .22 sa leeg habang nakiki­pagtalo sa kanyang mister sa Brgy. Angeles, Atimonan, Quezon.

Sa ulat ng pulisya sa lugar, kinilala ang biktima na si Mary Grace Meraque. Nasa kustodiya naman ng himpilan ng pulisya ang suspek na si Vicente Balderosa, 28. 

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nag-ugat sa umano’y hinala ng misis na may kinalolokohang bagong babae ang kanyang mister.

Biyuda tinaga ng binasted na suitor

MALUBHANG nasugatan ang isang 46 anyos na biyuda matapos pagtatagain ng kanyang masugid na manliligaw. Naganap ang krimen noong Abril 17, 2015 sa Purok 4, Barangay Napaod, Labo, Camarines Norte.

Ang biktima na kaagad na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ay nakilalang si Rufina Francisco, 46, residente ng natu­rang lugar.

Ang suspek ay kinilalang si Geronimo Sasatona, nasa hustong gulang, matandang binata at residente rin ng nabanggit na barangay.

Status ng relasyong Megan Young at Mikael Daez, ano nga ba?

NAPAG-UUSAPAN ngayon sa showbiz ang estado ng relasyon nina Megan Young at ng rumored boyfriend nito na si Mikael Daez. Nabanggit kasi ng beauty queen na malabo pa sa ngayon para sa kanya ang pagpapakasal lalo pa at marami raw siyang binubuhay. Ibig sabihin ay siya ang breadwinner sa pamilya ngayon.

Matapos ang kanyang Miss World stint ay balik-GMA-7 si Megan. Balitang siya ang bida sa remake ng Marimar.

Bret Jackson nag-give up na sa romansa kay Andi Eigenmann

INAMIN ng baguhang aktor na si Bret Jackson na tapos na ang relasyon nila ng aktres na si Andi Eigenmann. Kuwento ng binata nang makausap ng press, “Andi and I, we started as friends. We've been friends about 10 months ago. And it developed into something. But at this point in her life, maybe it's not the right time for our relationship.

“And there's nothing wrong with that. There's no bitter feelings between Andi and I, at all. But both of us, it's mutual, both of us decided that it's not the best time.”