Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jan 13 2012 - 08:04

Anak ng labandera si Antonette, at naging best friend niya si Ivy, anak ng amo ng kanyang ina. Pero matalino siya, isang katangiang hindi maagaw sa kanya ni Ivy. Mula elementarya hanggang kolehiyo, nakamit niya ang pinakamataas ng karangalan. Ngunit sa paglipas ng panahon, naging magkaribal sila ni Ivy kay Vince. Anak-mayaman, guwapo; halos lahat ng katangian nito ay kababaliwan ng isang babae sa isang lalaki. Ginamit ni Ivy ang lahat upang mapaibig ang binata. Samantalang puso lamang ang pinairal ni Antonette upang sa bandang huli ay maangkin niya ang lalaking pangarap – si Vince...

Somewhere, Forever...
Jan 11 2012 - 09:05

      PITONG taon na ang nakalilipas nang tumakas siya sa kasal na itinakda sa kanya ng kanyang ama at pinili ang makapagtrabaho sa Texas bilang isang nurse.  At sa loob ng mga taong iyon, noon lang siya umuwi.  Tinapos muna niya ang kanyang kontrata at hindi na muna muling pumirma. 

      Kumusta na kaya ang Daddy?  Galit pa kaya ito hanggang ngayon?  Ni isa sa mga sulat niya at tawag ay hindi nito tinugon simula nang umalis siya ng San Jose...

 

For There's Only You
Jan 10 2012 - 09:28

         Sa dalawang lalaking dumating sa buhay ni Edna, wala siyang itulak-kabigin. Parehong guwapo sina Larry at Joel. Parehong may-sinasabi, parehong maginoo.

          Pinili ni Edna ang mas matimbang sa kanyang puso: si Larry.

          Ngunit hindi pala patatalo si Joel pagdating sa pag-ibig. Inilaban niya ang kanyang huling baraha upang maangkin si Edna...

 

Ako, Broken Hearted Forever?
Jan 9 2012 - 11:19

“Is that a magic wand, Lola?” Nanlalaki ang mga matang inagaw niya rito ang stick. Idinuro niya iyon sa kanyang palad. “Gusto ko ng pera!” Subalit walang perang lumitaw sa palad niya. “It’s a fake,” napangiwing baling niya sa kanyang lola. “Bakit n’yo pa ito itinatago? Wala naman palang silbi.” “Isang ordinaryong souvenir para sa iba ngunit para kay Justi ay napakahalaga nito. Para sa kanya, ito ang nagsilbing magic wand sa kanyang buhay, ang nagbigay ng katuparan sa kanyang mga pangarap.” Pagkasabi niyon ay tumanaw sa malayo ang kanyang lola at may ngiti sa mga labing nagpatuloy sa pagsasalaysay ng naging buhay ng babaeng tinawag nitong “Justi.”

Cinderella: Justina The Fairy
Jan 8 2012 - 08:53

Masakit ang naging unang karanasan ni Odessa sa pag-ibig. Binigo siya’t ipinagpalit sa iba ng nobyong si Norman. Nakabawi lamang siya ng makilala at ibigin si Mac. Pero sa malas ay hindi siya basta-basta papayagan ni Norman na mawala sa buhay nito. Paano ba niya ipauunawa sa lalaki na gusto na niyang itiklop ang lahat ng tungkol sa kanilang nakaraan?

Itiklop Na Natin Ang Kahapon
Jan 5 2012 - 09:08

Larawan siya ng isang kaibig-ibig na babae. May taglay siyang kagandahang hindi pangkaraniwan at katawang pang-modelo. Department head siya ng Human Resources Management Divi¬sion ng Bureau of Customs, and still single at the age of twenty-eight. She was twenty-two when she moved out from her parents’ house in BF Homes, Parañaque, at tumira sa isang condo unit, along Roxas Boulevard. Limang taon na rin siyang solong namumu¬hay. Ito ang ginusto niyang buhay, ang matutong tumayo sa saril¬ing mga paa. Noong una’y hindi gusto ng mga magulang niya ang ideyang iyon; ngunit wala nang nagawa ang mga ito nang magpumilit siya.

I Wish You'll Be Mine
Jan 4 2012 - 10:26

Nang una’y hinala lamang ang kay Nitz na may kinalolokohang babae ang kanyang asawa. Hindi kasi sila magkaanak ni Jun at lumalamig na, sa palagay niya, ang kanilang pagsasama.

Inamin ni Jun kay Nitz na oo, ito’y ‘nakadisgrasya’ ng babae. Ang mungkahi pa ni Jun, ariin na nilang anak ang anak nito sa babae.

Nagwala si Nitz. Gantihan ba niya ng kataksilan ang kataksilang ginawa ng asawa?

At naroon lamang si Manny, naghihintay...
 

Una Kang Nagtaksil
Jan 3 2012 - 10:14

The hard wood slammed into her head and created a fiery pain inside it. Umuungol, bumagsak siya sa lupa. Mula sa nagdidilim niyang paningin ay nakita niya ang muling pag-angat ng malapad na kahoy. Kung sino man ang may tangan niyon ay tila handa na nitong ituloy ang pag-utas sa kanyang buhay. She didn’t feel the next blow anymore. But before she blacked out, her last conscious thought was of someone snatching away her shoulder bag...

My Love, My Hero: Brand
Jan 2 2012 - 11:32

 

Si Frank, isang Amerikano, ang humango kay Celia sa lusak ng kasalanan sa bahay-aliwan ng Olongapo. Hindi lang iyon, inibig siya at pinakasalan ni Frank. Sa isip ni Celia, natagpuan na niya ang tunay na pag-ibig. Nang lisanin ng mga Amerikano ang Subic, kasamang umalis si Frank. Ngunit may pangako si Frank kay Celia: babalik ito upang kunin siya at ang kanilang anak. Ngunit nagdaan ang maraming taon, walang Frank na nagbalik. Ni sulat mula sa asawa, walang tinanggap si Celia. Ano ang nangyari kay Frank?

        Hanggang kailan maghihintay si Celia?

 

 

Babalik Ka Pa Nga Ba?
Jan 1 2012 - 19:09

Si LYDA Enriquez ay isa sa mga sumisikat na fashion designers sa bansa. Sa edad niyang beinte-otso ay isa na siyang self-made woman. Maraming humahanga sa galing niya sa pagdidisenyo ng mga damit. Dati-rati ay isa lang siyang manlililip sa isang simpleng patahian ng mga damit. Ngunit nagsumikap siya na makapag-aral kahit dressmaking lang. Trabaho sa araw at aral sa gabi. Wala siyang araw o oras na sinayang. Pinilit niyang magsumikap.

Mahal Kita, Kahit Hindi Dapat