Skip to main content

LATEST UPLOADS

Feb 1 2012 - 09:26

Ni sa kamag-anak, kaopisina, o sa village na tinitirhan niya ay wala rin. Hindi Benedict ang pangalan ng lalaking nagde-deliver ng diyaryo sa bahay nila tuwing umaga, sigurado siya. Lalong hindi rin Benedict ang pangalan ng bantay sa bakery na madalas niyang bilhan ng pan de sal sa umaga. Hindi rin Benedict ang pangalan ng pari sa parish church nila. At wala rin siyang kilalang artista o singer na ganoon ang pangalan. Saan kaya nanggaling ang pangalang iyon? May naging alaga siyang pusa noon pero sigurado siyang hindi Benedict ang ipinangalan niya roon.

A Destiny Named Benedict
Jan 31 2012 - 09:12

Ang pang-apat na dalaga sa Isla Tahatma, si Karla, ay hinangaan at minahal ng ina ni Franz, si Mrs. Leviste. Para kay Mrs. Leviste, mapapabuti lamang ang kanyang makisig at playboy na binata kung ito’y magpapakasal kay Karla, ang dalagang nag-alaga noon kay Franz nang mapadpad ito sa Isla Tahatma kasama ang anim na kaibigan. Kinuha ni Mrs. Leviste si Karla sa Tahatma at halos ginawa na itong prinsesa sa kanyang mansiyon. Umasa ang ginang na sa ganitong paraan ay mapapaibig si Franz kay Karla nang lubusan. Ngunit ang nangyari ay masakit. Inapi lamang ni Franz ang dalagang Tahatma...

Apoy Sa Puso
Jan 30 2012 - 20:01

 

When she first met Mikel, hindi gaanong nagustuhan ni Mika ang nakita. Yes, he was devastatingly  handsome and ruggedly sexy. Pero ang mga katulad nito ay naglalaro sa pag-ibig. Kailangan niyang umiwas bago lumampas sa halik ang mga advances ng binata na kahit anong anong tanggi ni Mika sa sarili ay totoong nagugustuhan niya. Nang makilala niya si Angelo, iisa lamang ang ipinagtaka ni Mika. Oo nga at na-conclude niyang identical twin ito ni Mikel subalit hindi sapat ang katotohanang iyon para magkaroon siya ng parehong damdamin sa dalawang lalaki. Bakit pareho ang naramdaman niya sa magkaibang halik na ibinigay nina Mikel at Angelo? At kanino siya mapupunta? Kay Mikel o kay Angelo? Dahil hindi nga ba’t hindi laruan ang pag-ibig?

 

Ang Brusko o Ang Maginoo
Jan 27 2012 - 10:02

Ang mababaw na clef chin, ang panlalaking ungos ng matangos na ilong. At bukod sa prominenteng cheekbones, kapansin-pansin din ang mamula-mula nitong mga pisngi na halatang pinaso ng araw. Makinis ang mukha nito bagaman may ilang bakas ng tagihawat sa baba. Hoy, Rancy, mas guwapo pa rin sa kanya ang crush mong si Jayson. Ipinilig na lang niya ang ulo tanda ng pagpipilit na palisin ang pigura ni Gaylord sa kanyang isip.

Ayoko Sa'Yo, Guwapo Ka, Eh!
Jan 25 2012 - 08:51

Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata nang makitang umiyak si Abril noon habang tinatawag ang pangalan niya. Malungkot na pinagmasdan niya ang pagsakay nito sa taxi kasama ang mga bagong magulang nito.
      Nakasungaw pa ang ulo nito habang papalayo ang taxi. Nang mawala na ang taxi sa paningin niya, naupo siya sa lupa at hinayaan ang sariling umiyak.
      At ngayon, muli niyang nakita ang kanyang si Abril. Ngunit sa isa namang maling pagkakataon.

 

 

My Love, My Hero: Adventure
Jan 23 2012 - 20:29

Inilaan sa kanya ng magkapatid na Barbara at Guadalupe ang buong second floor ng bahay. May dalawang magkanugnog na silid na siyang magiging opisina niya. Bukod pa roon ang silid na kinaror­oonan niya. May maliit na sala na sitting room daw ang tawag ayon kay Barbara. May bathroom sa dulo ng hallway. It was more than she imagined...

 

Love Comes Knocking
Jan 22 2012 - 14:18

Playboy si Bobby. Nagagawa itong patawarin ni Elvira sa tuwing nahuhuli niya itong may nililigawan. Pero dumating din ang puntong napundi na si Elvira. Nang muli niyang natutop na may kasamang ibang babae ang nobyo, nakipagbreyk na siya rito. Pinal ang kanyang desisyon. Ngunit paano kung mali pala siya pagkat may iba pang kahulugan ang kanyang nakita?

Ang Umiibig Ay Hindi Umaayaw
Jan 20 2012 - 09:13

 Okay na okay! nagdiriwang na sagot ng puso niya lalo na nang walang kahirap-hirap siyang binuhat nito. Gusto niyang kumaway sa mga nagkalat na puno at halaman a la Miss Universe just for the heck of it. Unang beses niyang mabuhat nang ganoon at hindi niya maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman. Iyon din ang unang pagkakataon na naramdaman niya kung gaano kasarap ang maging isang Eba.

     Ikinawit niya sa leeg nito ang mga braso niya at buong pusong sinamyo ang bango nito. “Hmm, what’s that fabulous scent you’re wearing?”

Biru-Biruan Ng Puso
Jan 17 2012 - 19:39

Now she was shocked. Nalaglag ang kanyang panga at hindi makapagsalita. Kambal? May kakambal siya! Natatandaan niya na minsan ay pumasok na rin sa isip niya iyon, kapag nag-iilusyon siya. Iniisip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng may kakambal? Sabi ng marami ay pareho raw ng takbo ng isip ng mga kambal, lalo na at identical.

My Lovely Bride: Pat and Stan
Jan 16 2012 - 18:02

Mga bata pa sila, bukas na sa kaalaman ni Dishella ang masidhing pangarap ng kasintahang si Dexter na makapagtrabaho sa Amerika. Dumating ang pagkakataong iyon nang mag-alok ng tulong ang tiyahin ni Dexter, na isa nang American citizen at nakabase na ang buong pamilya sa California.

            Ngunit ang pinakamadaling paraan upang legal na makapunta si Dexter sa Amerika ay ang magpakasal ito sa ampon ng tiyahin na si Janette. Si Janette na mga bata pa sila’y kinakitaan na ni Dishella ng malaking pagkakagusto kay Dexter.

            Paano siya magtitiwala na hindi maaagaw ni Janette ang pagtingin ni Dexter kung magsasama ang dalawa sa iisang bubong sa Amerika bilang huwad na mag-asawa?

 

Paano Magtitiwala Ang Puso?