Skip to main content

Minsan Lang Ang Walang Hanggan

Minsan Lang Ang Walang Hanggan

Read This Book Online

By

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-042-X

Namatay sa car accident ang kambal na anak ni Amy pati na ang kapatid nitong si Neri. Dahil shock ay hindi na nakapagsalita at nakakilos nang maayos si Amy. Hindi na rin niya nabigyan ng kaligayahan ang asawang si Kit. Dahil lalaki, naghanap ng kaligayahan sa ibang kandungan si Kit. Minalas na masakim si Emily. Binaril nito si Kit. Sa harap ni Amy, nakatakda pang mawala ang asawa. Matuluyan kayang mabaliw na si Amy?

Minsan Sa Isang Panahon

Minsan Sa Isang Panahon

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

May edad na si Olivia nang umibig sa isang lalaking bata ng sampung taon sa kanya, si Aljon. Ayaw ng lalaki ng commitment sa kanilang relasyon. Hindi daw tamang magpatali sila sa isa’t isa. Nang malamang may nobyo na si Olivia, at saka naman naging desidido sa pagligaw si Dindo, dati nang umiibig sa dalaga. Sino kaya ang pipiliin ni Olivia sa kanila?

Mr. Right

Mr. Right

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Si Ernie ang Mr. Right para kay Rachel. The guy is cool under every possible circumstance. Sagana sa materyal na bagay. May kakayahan at karapatang gumasta pero hindi naging waldas. Simple lang kung pumorma at mahal niya.
Pumasok sa eksena ang guwapong si Damon Crowe, isang Fil-Am na hawig kay Hugh Grant. Isang performing artist daw na masyadong over-confident. Type raw niya si Rachel. Inis na inis ang dalaga sa Tisoy at lahat ng negative adjectives ay ibinato niya rito.
Alam n’yo na kung sino ang Mr. Right para kay Rachel pero kikilitiin kayo at masisiyahan sa takbo ng mga pangyayari.

Naglalambing Ang Umaga

Naglalambing Ang Umaga

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 Magkaiba ang lambing ng umagang alay ni Jun Alvaro kay Libay. Ngunit bakit waring higit na nawili ang dalaga sa lambing ng umaga ni Abel, ang asawa ng kanyang kapatid na si Dorcas?

 

Narito Ako, Nagmamahal Pa Rin Sa Iyo

Narito Ako, Nagmamahal Pa Rin Sa Iyo

Read This Book Online

Publish Date: 

2004

Print Publisher

Harrel Publishing

Secret love ni Nolisa si Alvin. Very close sila sa isa’t isa. Nang inaakala ni Nolisa na liligawan na siya ng lalaki ay bigla namang pumasok sa eksena si Connie na best friend ni Nolisa. Sina Alvin at Connie ang nagpakasal. Naiwang broken-hearted si Nolisa. Pero nakialam ang tadhana at di nagtagal ang pagsasama ng mag-asawa. Nabuhay ang pag-asa ni Nolisa sa pag-ibig ng lalaking lihim na iniibig. Ngunit... matupad kaya ang pangarap niya?

Now And Forever

Now And Forever

Read This Book Online

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

 

Magkalaban sa pulitika ang Pamilya Saragoza at Pamilya Ramirez. Nagpatuloy iyon hanggang sa ikatlong henerasyon. Nangako sina Kate at William na ang pag-ibig nila sa isa't isa ang tatapos sa deka-dekadang alitan ng kanilang pamilya. Ang klase ng pag-ibig nila ay iyong hindi susukuan kahit kamatayan. To them, love never fails. Subalit katulad ng kani-kanilang mga kapatid, nanganganib din na masira ang kanilang pag-iibigan. Paano ba nila matutupad ang pangako kung sila na mismo ang sumusuko na?

 

One More Time

One More Time

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2010

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

So much in love sina Jen at Elmer sa isa’t isa. Kaya itinakda nila ang kasal kahit hindi pa talaga nila balak mag-asawa. Masaya si Lea, ang bunsong kapatid ni Jen para sa kanya. Sa araw ng kasal ay isang trahedya ang naganap.Isang babae ang tumutol sa kasalang Jen at Elmer dahil ito diumano ang may karapatan sa lalaki. Nagkagulo. Hinimatay si Jen at isinugod sa ospital. Labis na nanghina ang dalaga. Nagkasakit. Nang gumaling ay nag-iba siya. Naging masungit at man-hater. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita si Elmer at si Jen. Iniskandalo niya ang lalaki saka patakbong iniwan.

Paano Ba Ang Magmahal

Paano Ba Ang Magmahal

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-064-0

Ang katulad ni Myra ay isang Cinderella na nangarap na mahalin ni Christian. Ang pangarap ay nangyari sa isang drama na kailangan nilang gampanan ng lalaki. Ngunit ang katotohanan ay may hatid na sakit dahil ang putik na pinagmulan niya ay labis na isinusuka ni Christian, at siya mismo ay pinandidirihan nito.

Paano Kung Wala Ka Na

Paano Kung Wala Ka Na

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-024-1

Sa pag-aakalang mapapadali ang inaasam-asam niyang kasal nila ni Julio ay pumayag si Sally na mamasukan ito bilang tagapag-alaga ng mayamang tiyahin ng kasintahan. Nang makawala ay nagloko si Julio sa iba’t-ibang babae. Samantala, umibig naman sa kanya si Gil, ang anak na binata ng mayamang tiyahin ni Julio. At unti-unti na ring napapamahal sa kanya ang mayamang binata. Ang problema ay si Julio. Nagbabalik ito sa kanya at nagyayaya nang pakasal. Gayon din si Gil.

Paano Na Ang Puso Ko?

Paano Na Ang Puso Ko?

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2007

Print Publisher

Harrel Publishing

Ito ay kuwento ng best friends na sina Atleta at Dominique. Super-yaman si Dominique. Pobre naman si Aleta. Ang one thing in common nila ay kapwa sila hindi pa nakakaranas ma-in love. Isang lalaki ang dumating sa buhay ng magkaibigan na kapwa nila minahal nang labis – si Jake. Mahal ni Jake si Dominique bilang kaibigan, ang mahal ng kanyang puso ay si Aleta. Nang malaman ito ni Dominique, nakiusap siya kay Aleta na ipaubaya na sa kanya si Jake. Paano tatanggi si Aleta? Minsan nang iniligtas ni Dominique ang kanyang buhay.