Skip to main content

Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap

Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

KATULAD ng ibang mabait na anak, maraming pangarap si Olivia para sa kanyang mga magulang. Mga pangarap na hindi maalis sa isip niya kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig na iniaalok ni Raymond. Hindi maibigay ng binata ang mga pangarap na iyon. Lumuwas si Olivia ng Maynila at nakilala niya si Pablo. Naramdaman niya, ang lalaki ang magiging susi para sa hinahangad niya. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Pablo na labis na ikinabigo ni Raymond. Ngunit ang masakit, hindi niya lubusang kilala si Pablo.

Sana Dalawa Ang Puso Ko

Sana Dalawa Ang Puso Ko

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Sa kagustuhan ng mga magulang ni Sandra na maging American citizen ang anak ay ipinakasal nilang pilit kay George. Masakit sa loob na talikuran ni Sandra ang katipang si Joel sa pagsunod sa mga magulang. Hanggang saan hahantong ang pagiging mabuting anak niya? Hanggang kalian niya maisusuko ang pag-ibig?

Sana'y Maulit Muli

Sana'y Maulit Muli

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

SA sandali ng pangangailangan ay inabandona ni Elgin ang kasintahang si Yna Lei. Inakala niyang nagtaksil sa kanya ito nang maaksidente ito na kasama sa sasakyan ang dating kasintahan. Ang kanyang pagkukulang kay Yna Lei ay pinunan naman ng kanyang bestfriend at kasosyo sa negosyong si RR. In the process ay na-developed ang damdamin ni Yna Lei kay RR at tinugon nito ang inihahandog na pag-ibig ng lalaki. Saka naman nagbabalik si Elgin at sumusumpang gagawin ang lahat para mabawi ang kasintahan kay RR. Maulit pa kayang muli ang dati’y matamis nilang kahapon?

Sapagkat Ikaw Ay Akin

Sapagkat Ikaw Ay Akin

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640-111-6

Nang mamatay ang kanilang mga magulang, ang mabigat na responsibilidad ng pagdadala sa pamilya ay nalipat sa panganay na si Elisa. Bukod sa gipit nilang kalagayan, natuklasan pa niya na nakasanla ang kanilang lupa at bahay kay Theo Romano at nakatakda nang ilitin ito ng haciendero. Mawawalan sila ng tirahan at kabuhayan. Paano makukumbinsi ni Elisa ang ruthless na haciendero para bigyan sila ng palugit para makabayad? Kailangan gumawa ng paraan ang dalaga, gaano man ito karahas.

Si Renzo, Si Alex At Ako

Si Renzo, Si Alex At Ako

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Sinungaling Daw Ang Puso

Sinungaling Daw Ang Puso

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2007

Print Publisher

Harrel Publishing

Nag-promise si Angela sa kalaro at kababatang si Oliver na pagbabalik nito mula sa America ay magiging sila. Pero nang magbalik si Oliver pagkaraan ng 13 taon ay saka natiyak ni Angela na hindi niya ito mahal kaya tinakasan niya ito, napasa-Maynila. Iniwan ang Cebu. Nakilala niya si Gary, minahal nang labis. Pero hindi siya pansin nito. Maganda at mayaman ang tipo nitong babae, si Marvella. Ipinasya niyang magbalik sa Cebu at pakasal na kay Oliver. Nang wala na si Angela ay saka inamin ni Gary na mahal na mahal niya ito.

The Finality

The Finality

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Parehong galing sa bigong relasyon sina Maurea Manzilla at Lucio Mantarin. Parehong tanggap ang katotohanang sila ang nagkulang sa kani-kanilang mga nakarelasyon. At kapwa nangakong oras na sila’y magkaroon uli ng relasyon, sisiguraduhin na nilang hindi na sila magkukulang pa.
Magiging totoo kaya sina Maurea at Lucio sa kani-kanilang mga pangako? Magiging totoo rin kaya sila sa kani-kanilang mga nararamdaman? Kapwa sila naging biktima ng maling pagmamahal! Nakatali silang pareho sa obligasyon nila sa trabaho!

The Guardian's Soulmate

The Guardian's Soulmate

Read This Book Online

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Angeline was in great danger and unfortunately for Daniel, his only choice was to go with her. Hindi lamang buhay ni Daniel ang inilagay ni Angeline sa panganib, di na rin natuloy ang nakatakdang engagement ng lalaki para sa girlfriend nito. Ngayong tuluyan nang nasira ang relasyon ni Daniel at ikakasal na sa iba ang ex-girlfriend nito, kakayanin bang pagbayaran ni Angeline ang lahat makabawi lamang sa mga atraso niya sa binata? What if love intervenes, is she ready to keep that to herself and mend a broken heart?

 

The Odds

The Odds

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Malaking eskandalo ang naranasan ni Lizandra Cristo kaya nagdesisyon siyang magsimulang muli sa malayong lugar. Pero sinusundan siya ng mga mapanghamong pagkakataon. Sinusubukan ang kanyang tatag.
Nakilala niya si Denon Martin, isang lalaking tumambay sa dalampasigan. Ang akala niya, binata ito. Pero isang araw, may sumulpot na babae sa kanyang bahay at nagpakilalang asawa ng lalaki.
Nagkandabuhol-buhol pa ang mga sitwasyon sa pagitan nila. Hindi malaman ni Lizandra ang gagawin. Subalit nasa tabi niya sa tuwina si Denom. Hindi siya pinababayaan.
Pero ang katotohanang may asawa ito ay labis niyang ikinalungkot. Ni hindi niya alam kung ano ang kanyang inaasahan dito!

The One For Me

The One For Me

Read This Book Online

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Corp.

 

Mula sa magkaibang katayuan sa buhay sina Dr. Raul Ramirez at Melisa Ocampo. But it’s like they were designed for each other by fate. Hanggang kailan nga ba susubukan ang tibay ng lihim na pagtingin para sa isa’t isa ng dalawa kung kabuntot niyon ang mga hadlang? Sadya nga lang bang mapaglaro ang tadhana at kailangan lang nilang maki-ride on dahil nasa isa’t isa pa rin ang matamis na pangako ng bukas?