Skip to main content

Pagkatapos Ng Luha

Pagkatapos Ng Luha by Joy Reyes

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

Si Nancy, anak-mayamang umibig at nagkaanak sa isang lalaking may-asawa... Si Jona, katulong na umibig sa anak ng milyonarya. Si Darwin, tinalikuran ang kayamanan at sumama kay Jona... Si Elena, ibinigay ng walang pasubali ang dangal dahil sa pag-ibig. Ang kapalit ng kanilang tapat na pag-ibig ay luha at ang kanilang kasaysayan ay isang pagbubukas ng mata at puso sa mga nagmamahal... Basahin at tiyak na titibok na muli ang inyong puso!

Pahiram Ng Iyong Langit

Pahiram Ng Iyong Langit

Read This Book Online

By

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-085-3

Mapagbirong talaga ang pag-ibig. Gaya ng nadama ni Isay. Pinakaiibig din niya si Wally na tanging lalaki para sa pinsan niyang si Lee. Pero hindi niya magagawang agawin ang binata sa pinsan dahil higit pa sa tunay na magkapatid ang kanilang turingan. Saka nalaman ni Isay na may kanser sa utak si Lee. Hindi niya makapa ang tunay niyang damdamin. Matutuwa ba siya dahil sa pagkamatay ni Lee ay malaya na niyang maaangkin ang pag-ibig ni Wally o malulungkot dahil mawawala na sa kanya ang pinakamamahal na pinsan?

Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya

Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2007

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

Magkababata sina Gary at Krissy. Magkasundung-magkasundo sila. Laging magkasama. Hindi nagkakagalit. Kaya marami ang naniniwalang “sila” na pagdating ng panahon. Pero nagbiro ang pagkakataon. Nag-abroad si Krissy. Pagbalik niya galing USA ay mag-on na sina Gary at ang nakababatang kapatid ni Krissy, si Edna. At planado na ang kasal. Lumayo si Krissy para makalimot. At sa malayong bayan ay muli siyang nagmahal. Kay Noel. Akala niya ay liligaya rin siya. Kaya lang, paano mangyayari iyon, may asawa’t dalawang anak si Noel. Ikalawang sakit.

Pangakong Walang Hanggan

Pangakong Walang Hanggan

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2013

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Kakaiba ang unang pagkikita nina Eric at Lara. Paano ay niyakap at hinalikan agad ni Lara sa mga labi ang hindi pa nakikilalang lalaki para iwasan ang isang masugid na manliligaw.

Nabigla si Eric sa ginawa ni Lara pero dahil sa pagtatagpong iyon ay naramdaman ni Eric na umiibig siya sa dalaga. Kaso lang ay may nobya na siya at nakatakda na ang kanilang pag-iisang-dibdib. Ang hindi alam ni Eric ay umiibig din sa kanya si Lara.

Naging mag-on sila. Relasyon na nalaman ni Connie, ang pakakasalan ni Eric.

Puso Ang Magsasabi

Puso Ang Magsasabi

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-041-1

Minahal nang husto ni Patricia ang asawang si Aris at ang dalawa nitong anak. Mahal na mahal din ni Aris ang asawa ngunit natukso ito sa ibang babae. Dahil dito’y isinumpa ni Patricia na gagawin din niya ang ginawang pagtataksil ng asawa sukdang mawasak ang binuo nilang idolong pamilya. Para sa babae ay walang kapatawaran ang ginawa sa kanya ng kabiyak. Saan hahantong ang binabalak ni Patricia? Mabubuo pa kaya ang pagsasamang winasak ng karupukan?

Pusong Markado

Pusong Markado

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Si Myra, disgrasyada, may dalawang anak ngunit bumangon mula sa pagkakadapa at nakilala si Rodel, basketball star hanggang mabuo ang isang pag-ibig na ang kanilang sumpaan ay kamatayan lamang ang makapaghihiwalay... kaya lang, may isang Gretchen na gustong umagaw sa markadong puso ni Rodel. At sa mismong harap ng altar, patuloy na ipinaglaban ni Myra ang kanyang pagmamahal... dinggin kaya ng Diyos ang kanyang mga daing at pagsusumamo?

 

Sa Bawat Patak Ng Luha...Pag-Ibig

Bawat Patak Ng Luha...Pag-Ibig

Read This Book Online

By

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-609-158-3

Umuwi si Ceres sa Pilipinas na umaasam na matutupad na ang pangarap nila ni Gil na pakasal. Hatinggabi siya nakauwi sa kanila at nalaman niyang kinaumagahan ay ikakasal na si Gil kay Alyssa? Itinuring niyang best friend at kababata. Hindi niya nagawang pigilin ang kasal. Pero ipinangako niya sa sariling aagawin niya ang lalaki sa asawa nito. Magsasama sila kahit tawagin siyang kerida lamang ni Gil. Saan hahantong ang banta ni Ceres? Basta lamang ba papayag si Alyssa na agawin din sa kanya ni Ceres si Gil pagkatapos na gawin niyang lahat makuha lamang ang pag-ibig nito?

Sa Muling Pagbubukas Ng Puso

Sa Muling Pagbubukas Ng Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640-015-2

Kay Ester inihabilin ni Ligaya ang kabiyak nitong si Nimrod bago ito pumanaw. Bilang isang mabuting kaibigan – at dahil may pagtatangi rin naman siya kay Nimrod - ginawa niya ang lahat ng paraan upang bigyang pag-asa ang lalaking sa malas ay nawalan na ng ganang mabuhay. Kung magagawa niyang buksan ang puso ni Nimrod na ipininid na nito sa tawag ng pag-ibig, iyon ang malaking tanong. Kung ikaw ang umiibig nang lihim, para sa iyo ang kasaysayan ni Ester.

Sa Pagdating ng Tamang Panahon

Sa Pagdating ng Tamang Panahon

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2007

Print Publisher

Harrel Publishing

Magkasalong kumakain sina Anne at Jake ng isang de-baril na lalaki ang bumungad sa pinto ng Blue Gardenina, ang restaurant na pinamamahalaan ni Anne. Itinaas ng lalaki ang baril at nagsisigaw. “Anne! Lumabas ka! Papatayin kita pag hindi mo binawi ang sumpa sa amin. Dahil sa galit mo ay nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko’t anak! Pagbabayaran mo ito!” saka nagpaputok ang lalaki. Nagulo ang buong restaurant. Nagkanya-kanyang takbo ang mga kostumer. Naiwan sina Jake at Anne. “Sino siya?” tanong ni Jake.

Saan Ang Daan Patungo Sa Langit

Saan Ang Daan Patungo Sa Langit

Read This Book Online

By

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-005-5

Ipinagbili ni Vani ang kanyang sarili sa mayamang si Larry Hernandez sa halagang limang libong piso para pambayad sa nadispalko ng kasintahang si Dino, huwag lamang itong makulong. Ano ang magiging kumplikasyon nito sa kanyang buhay: si Dino na kanyang pinakamamahal, at si Larry na nakakuha ng kanyang pagkabirhen?