Skip to main content

Kung Kulang Pa Ang Pag-ibig

Kung Kulang Pa Ang Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640:025-X

Sinikap ni Rosette na maibigay kay Louie ang pag-ibig na hinahanap ng lalaki, nguni’t waring hindi sapat ang pagmamahal para sila ganap na lumigaya. Ano pa kaya ang maibibigay at magagawa ni Rosette para maantig ang bakal na puso ni Louie?

Kung Maghihilom Pa Ang Sugat

Kung Maghihilom Pa Ang Sugat

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-070-5

Hindi akalain ni Mildred na mangyayari iyon. Na ang pinagmamalasakitang estudyante, na napapabayaan ng negosyanteng mga magulang, ay iibig sa kanya. Sa kanya na may asawa at anak. Isang pag-ibig na matindi. Hahamakin ang lahat. Nalagay sa isang mahirap na sitwasyon. Paano niya ipauunawa sa teenager na hindi pagmamahal ang ipinakita niyang pagmamalasakit dito? At paano niya ipaliliwanag sa asawang si Alex na wala siyang relasyon sa teenager liban sa relasyong estudyante-guro?

Kung Nasaan Ang Puso Mo

Kung Nasaan Ang Puso Mo

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Harrel Publishing

 Bunga ng pinag-isang tibok at pintig ng puso si Aurora Avilla, ang newcomer na naging best actress sa Film Festival. ...Pero may aninong gustong wasakin ang kanyang tagumpay dahil sa sumbat ng isang madilim na nakaraan. Kaya lang, nakialam ang tadhana. Tulad ng unang pakikialam, para si Aurora Avilla ay patuloy na mabuhay. Kasaysayan ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig na iisa ang hatid na aral. Kung nasaan ang puso mo, naroon ang walang hanggang kaligayahan.

 

 

Kung Wala Nang Pag-ibig

Kung Wala Nang Pag-ibig

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Corp.

 

Lay - Ann, Minahal Kita Agad

Lay - Ann, Minahal Kita Agad

Read This Book Online

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

Nang makilala ni Brendon si Lay-Ann, tinanggap agad siya ng dalaga bilang isa sa mga facebook friends nito. Hindi niya inaasahang magugustuhan agad niya ang dalaga kahit hindi pa sila nagkikita ng personal. Nagising na lang siya isang umaga na buo ang planong paibigin ito. Hindi siya nabigo sa inaasam na iyon dahil inibig din siya ni Lay-Ann – ngunit sa iba nga lang niyang katauhan! Paano niya haharapin ang problemang ito gayong batid niya na maaari siyang kasuklaman ni Lay-Ann dahil ayaw nito sa taong sinungaling?

Magdusa Man Ako

Magdusa  Man Ako

Read This Book Online

By

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-022-5

Nagdusa nang labis si Mari nang iwan siya’t sukat ng asawang si Roman nang walang paalam. Sa patuloy na pag-agos ng buhay ay nakilala niya si Efren na nangangako ng bagong kaligayahan para sa kanya at sa anak na si Dennis.

Handa na siyang taluntunin ang bagong langit, nang magbalik si Roman. Ang tunay na asawa at ama ng kaisa-isang anak.

Magkapatid Sa Dugo, Magkaribal Sa Puso

Magkapatid Sa Dugo, Magkaribal Sa Puso

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

May malagim na nakaraan sa pagitan ng magkapatid na Rem at Jules. Dahil iyon sa pag ibig sa iisang babae kay Grace.. Na humantong sa kamatayan ng babae. At pagkabaliw ni Jules! Marami ang nagsasabi, naganap ay ganoon dahil sa sumpa na minana ng angkan ng magkakapatid na Rem at Jules sa mga naunang namahala sa Vida Verde, ay isang pag-aari nila. Iyon ang tutuklasin ni Cel. Nobya sa kasalukuyan ni Rem at sa kung anong biro ng tadhana ay kamukha ni Grace!

Mahal Na Pala Kita

Mahal Na Pala Kita

Read This Book Online

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

ISBN: 

971-640-082-9

“Ayokong makulong anak, gumawa ka ng paraan.” Ito ang matinding pakiusap ni Mang Desto na hindi matutulan ni Bianca. Natagpuan na lamang ni Bianca ang sariling nagtatrabaho para kay Nick Subido, upang mabayaran ang halagang nadispalko ng kanyang ama. Kuntento na sana si Bianca sa ginagawa kung hindi lamang madalas na pagbuntunan siya ng init ng ulo ni Nick Subido. Dagdag pa dito ang panganib na nakaabang sa kanya. Madalas siyang makakuha ng mga sulat sa kanyang mesa. Mga sulat na hindi niya alam kung kanino nagmumula. Mga sulat na nagbabanta sa kanyang buhay…

May Langit Ang Bawat Pag-ibig

May Langit Ang Bawat Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

Isang puso. Dalawang pag-ibig. Ni sa panaginip ay hindi inakala ni Lira na mangyayari sa kanya ito. Ngunit sadya yatang mapagbiro ang kapalaran. Kasintahan na niya ang kababatang si Aldrin nang makilala ng dalaga sa isang hindi inaasahang pangyayari ang milyonaryong si Neil Falcon. Akala niya ay matatag ang pag-ibig niya kay Aldrin ngunit hindi niya napaglabanan ang fatal attraction ng mayamang binata. Umibig siya kay Neil ngunit wala siyang makitang dahilan para kumalas sa matapat at mabait na si Aldrin. At iniibig pa rin niya ito.

May Wakas Ang Bawat Simula

May Wakas Ang Bawat Simula

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing