“Tatawagin ko na sila, Tito,” sabi ng lalaking nakatayo sa gilid ng kama niya. Ito si Xander Santiago, ang kanyang matapat na abogado. “P-please... don’t,” pautal at halos pabulong na sabi niya. Umupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang payat na braso niya. “Tito...” “I-I don’t want them see me... dying.” “But, Tito...” “Please...” Muli ay nahirapan siyang huminga. “Promise me, son... Take care of them for me.” “I will.” Namintana ang mga luha sa mga mata nito. “I promise.” “Take care of... Carnation.”