Skip to main content

LATEST UPLOADS

Apr 12 2013 - 21:07

Sawa na si Noel sa psychic mediums na binabayaran ng ina upang ma-contact niya ang di-matahimik na kaluluwa ng kanyang asawa. Kaya peke at mapagsamantala ang tingin niya kay Gia. Even when Gia proved that she really could contact spirits from the other world, nanatiling matigas si Noel. Bakit hindi? Napatahimik nga ng dalaga ang kaluluwa ng kanyang asawa pero kapalit niyon ay ang pagkaligalig naman ng kanyang puso…

Kahit Wala Ka Na
Apr 11 2013 - 23:02

“I knew I loved you before I met you. I think I dreamed you into life… I knew I loved I loved you before I met you… I have been waiting all my life…”

I Loved You Before I Met You
Apr 10 2013 - 21:10

Malinaw ang utos ng ama ni Elaine sa kanya: Gawin niya ang lahat para ilayo ang kapatid niyang si Shelley sa isang lalaking nagngangalang Thomas Imperial. Apparently, karibal ito ng ama niya sa negosyo at ang suspicion ng kanyang ama ay gagamitin lang ng lalaki si Shelley para makapaghiganti. Pero sa unang pagkakita pa lang ni Elaine kay Thomas, she knew it would be impossible to make her sister stop seeing him. Guwapo ito, matalino at malakas ang dating....

Ang Iibigin Ay Ikaw
Apr 10 2013 - 00:11

“Mahal din kita, Zeb. At hindi ko na kailangan ng patunay. Alam iyon ng mga puso natin.”

My Lovely Bride: Rima & Zeb
Apr 8 2013 - 23:29

Matagal nang pinag-iilusyonan ni Sabrina ang kanyang guwapong boss na si Montreal Valverde kahit alam niyang suntok sa buwan ang patulan siya nito. Napakayaman ng binata at may fiancée na, si Audra na isang sikat na modelo. Until fate threw them together in a situation wherein bawat sabihin niya sa binata ay walang pagdududa nitong pinapaniwalaan. Iyon ay matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang kotse at nagka-amnesia ito. Itinago niya ito sa probinsya nila ta pinapaniwalang magkasintahan sila. Nagpapakasasa si Sabrina sa katuparan ng lahat ng kanyang ilusyon nang mangyari ang kinatatakutan niya --- ang pagbabalik ng memorya ni Monty…

I Love The Way You Love Me
Apr 7 2013 - 23:34

Akala niya ay hindi na niya maririnig ang mga salitang iyon mula rito. Sa dami ng mga nangyari sa kanila, palagi na lamang kasing napo-postpone ang pag-uusap nilang iyon. Pero inabot man sila ng sangkaterbang disgrasya, ang mahalaga ay nagtagpo at nagkaintindihan pa rin ang kanilang mga puso.

My Love, My Hero: Heero
Apr 6 2013 - 01:54

Hi mabura sa isip ni Ysmael ang hitsura ng dalagang minsan ay nakakrus niya ng landas--- at ang mga mata nitong parang nag-aapoy sag alit habang tahasang sinasabi na kinasusuklaman siya nito at ang casinona kanyang pinamamahalaan. Nakuha niya ang plate number ng kakarag-karag na kotse nito at balak ipa-trace ang rehistro niyon para malaman kung saan ito nakatira. Sa isip ay sinabi niyang natagpuan na niya ang babaeng kanyang ihaharap sa altar. Kaya naman para siyang dinagukan nang sino ang nakita niyang kabilang sa mga lalaking naglalaro ng high=stakes poker game sa private gambling room kundi si Stephanie! Hindi lang iyon, isinumbong pa ng kanyang security officer na nandaraya raw sa laro ang babae…

Wanna Bet? Love Mo AKo!
Apr 4 2013 - 09:22

“I don’t give a damn what you say about her or what other people say about her. When she told me she loved me, I believed her. Naramdaman kong mahal niya ako, ‘yon lang ang importante sa ‘kin.”

Groove Fever 3: Two To Tango
Apr 3 2013 - 09:58

Madaling mapaibig sa isang kagaya ni Dominic, hindi iyon ikinakaila ni Margarita sa sarili. Bukod sa magandang lalaki, mapagmahal at maalalahanin ang binata --- mga katangiang nakikita niya sa paraan ng pag-aasikaso nito a abuela na inaalagaan naman niya bilang private nurse. Pero patuloy na umuukilkil sa kanyang isip ang natuklasang gamot na may halong lason sa silid ng matanda nang nasa ospital pa ito. Ayon sa katulong na nagbabantay rito noon, dala raw iyon ni Dominic nang minsang dumalaw ito sa matanda. Habang patuloy sa paglago ang pag-ibig na umusbong sa kanyang puso para sa binata, ganoon din ang paglaki ng kanyang hinalang may masama itong binabalak sa lola nito…

If You Leave Me Now
Apr 2 2013 - 10:05

“Flirt ba ako?” “Tinanong pa!” “Siguro nga. Pero sino naman kasing lalaki na matino ang pag-iisip ang hindi hahanga sa ganda mo?” “Are you trying to embarrass me?” “Why? Am I succeeding?” tanong nito, ngiting-ngiti.

My Love, My Hero: Sir Aaron