He was, by that time, a ten million worth entrepreneur at the young age of twenty-four. High school siya at nagtatrabaho sa isang grocery store nang madiskubre niyang hindi lang sa numero siya matalino, kundi maging sa negosyo. Gusto siyang ampunin ng Intsik na amo niya noon dahil hindi lang siya magaling sa pakikiharap sa mga customers, suwerte rin daw siya sa negosyo dahil baliktad ang tubo ng kanyang mga balahibo sa katawan.