Skip to main content

LATEST UPLOADS

Apr 1 2013 - 05:42

Pitong taong gulang na ang anak ni Catherine. Halos pitong taon na rin siyang kasal kay Samuel Arboleda. Pero sa loob ng panahong iyon ay hindi sila nagsama bilang mag-asawa. Ngayon, hinihingi ng pagkakataong tumira sila sa iisang bubong para sa kapakanan ng batang nagsisimula nang maghanap ng ama.
Unti-unti ay nabuhay sa kanilang mga dibdib ang pag-ibig na nadama nila sa kanilang unang pagkikita na natabunan lamang ng pait ng mga nasirang pangako ng nakaraan. At nang sa wakas ay isatinig ni Samuel ang pagmamahal nito sa kanya, dapat sana ay maglulundag sa tuwa si Catherine. Ngunit may lihim pa siyang hindi sinasabi sa asawa… Hindi siya ang tunay na ina ng anak nito.

More Than You'll Ever Know
Mar 31 2013 - 07:09

“I just realized I couldn’t give up Red just like that.” May malungkot na ngiting sumilay sa mga labi niya. “This is real, Dad. I love her. I know it’s not easy for her to accept me after what happened, but I want to try to win her back. I will win her back! I will, Dad.”

My Lovely Bride: Red & Franc
Mar 29 2013 - 21:34

Hindi umuurong ang strong-willed na si Alexis sa pakikipagtagisan ng talino kay Jeremias – ang may-ari ng malaking rancho na pinagsisilbihan niya bilang beterinaryo. Parang umaalingawngaw pa sa tainga niya ang minsang komento nito: spoiled little rich girl daw siya. Ginawa niya ang lahat para ipakita ritong independent siya’t matapang. Hanggang sa unti-unting magiba ang defenses niya simula nang minsan, sag alit ay ikinulong siya nito sa mga bisig at hinalikan. All of a sudden, ang nais niya sa sarili’y maging mahinhin, mayumi, submissive at konserbatibo – katulad ni Naomi, ang dalaga na madalas ipagmalaki at ikumpara ni Jerry sa kanya…

Unang Pag-ibig Ko'y Ikaw
Mar 27 2013 - 12:03

Lumapit si Ruel sa kanya at halos dumikit ang mga labi nito sa kanya. Tumatama ang mainit na hininga nito sa kanyang pisngi at kung maaari nga lamang ay bitiwan niya ang telepono at muling damhin ang halik ni Ruel.

My Love, My Hero: Ruel Vironio
Mar 26 2013 - 10:28

Ikinagulat nina Mirriam at Gerard ang pag anunsyo ng kanilang mga ama na ipapakasal sila sa isa’t isa. Pero mas ang sama ng loob ng dalaga nang tahasang tanggihan ng kababata ang planong iyon. Sa desperation ng ama niya, inalok siya ng malaking bahagi ng kayamanan nito bilang kapalit ng paggawa niya ng paraan para magkahiwalay si Gerard at ang kasalukuyang nobya nito. At nasorpresa si Mirriam sa sarili nang pumayag siya. Hindi dahil sa habol niya ay pera kundi dahil inamin na rin sa sariling mahal niya ang kababata. Nagpakita na ng interes sa kanya si Gerard nang matuklasan nito ang kanyang lihim…

Walang Ibang Pinangarap...
Mar 25 2013 - 06:28

“Basta, I want someone to call me “honey pie” or “choco bunch.” “Huwag ko lang mabibisto na kaya pala “honey pie” ang tawag niya sa akin ay dahil nakalimutan lang niya ang pangalan ko.”

Call Me "Honey Pie"
Mar 23 2013 - 08:40

Hinugot si Elaine ng kanyang tiya mula sa liblib na probinsya at kinaladkad sa bawat sosyal na party sa Maynila para raw makatiklo siya ng mayamang mapapangasawa. Lingid dito, may sarili siyang agenda--- ang hanapin ang lalaking minsan ay naligaw sa lumang bahay nila sa baryo. Hindi niya kailanman nalimutan ang tamis ng halik na kanilang pinagsaluhan. Natupad ang pangarap niya nang magkita nga sila ni Angelo sa isang pagtitipon. Nasiguro niyang hindi ito likha lamang ng kanyang imahinasyon nang halikan siya nito at pagtapatan ng pag-ibig. But her happiness was short-lived. Dahil sa mismong party na iyon ay inanunsyo ang engagement ni Angelo sa nobya nito…

You Kissed Me
Mar 21 2013 - 12:37

How could he love an ordinary girl like her? Gayong marami itong puwedeng pagpilian na katulad nina Glenda? She was just Gertrude, the plain and dull Gertrude.

My Love, My Hero: Capt. Andro Rosales
Mar 20 2013 - 08:09

“Ang sinasabi mo ba, eh, ‘yong babaeng handa kong pakasalan? ‘Yong babaeng mahal na mahal ko? Eh, di ang pinag-uusapan pala natin dito, eh, ikaw!”

Groove Fever 2: Rhythmns, Desires
Mar 19 2013 - 10:53

Parang isang masamang panaginip kay Arianne ang kinalalagyan niyang sitwasyon. Kailan lang ay nagpapasasa siya sa karangyaan, ngunit kasabay ng pagyao ng mga magulang ay nasadlak siya sa kahirapan. Parang isang panaginip din ang biglang pagsulpot ni Nick sa buhay niya--- una ay iniligtas siya nito sa kapahamakan, pagkatapos ay binigyan siya ng disenteng tirahan at magandang trabaho. Turing niya rito ay isang anghel na hulog ng langit. Hanggang sa matuklasan niyang hindi pala tunay na bumagsak ang kabuhayan ng kanyang mga magulang at hindi aksidente ang pagkamatay ng mga ito… At malaki ang kinalaman ni Nick sa mga kaganapang ito…

For As Long As I Live